Campus Lovers (Chapter9)

22 0 0
                                    

Chapter 9.

"BOYFRIEND NIYA PO YUN TITO.!" Sabi ni Kristel kay daddy habang punong-puno ng pagkain yung bibig niya. Nagulat kaming lahat.

"Totoo?! Kelan pa?" Tanong sakin ni mommy. Mukhang tuwang-tuwa naman siya.

"Uhmm. Kanina ko lang po siya sinagot. Mommy, daddy, sana wag po kayong magalit. Uunahin ko pdin naman po yung pag-aaral ko eh." Sagot ko sakanila. Medjo kabado ako sa isasagot nila.

"Syempre hindi kami magagalit. Pero kailangan, papuntahin mo siya dito para makilala din namin siya ng mommy mo. Kung san ka masaya, dun kami pero kapag niloko ka niya, babalatan ko siya ng buhay gamit nail cutter." Sabi ni daddy. Hahaha. Natawa naman ako dun sa huling sinabi niya. Brutal?

"Yes. Tama ang daddy mo. Kapag uwi niyo bukas galing school, dito na kayo magdinner at isama mo si Lance." -Mommy

Nagnod ako sabay sipa sa paa ni Kristel sa ilalim ng lamesa. Pero syempre mahina lang. Naggrin naman siya nun. Natapos na kaming kumain at umuwi na din si Kristel. Si mommy at daddy ay nagpahinga na dahil pagod daw sila. Dumiretso ndin ako sa kwarto then tinext ko si Lance about sa sinabi nila mommy. Payag naman siya pero kabado daw. Natulog nako para maaga akong magising bukas. Pati ako kinakabahan na din eh.

'Let's go crazy, crazy, crazy 'till we see the sun. I know we only met but let's pretend it's love. And never, never, never stop for anyone. Tonight let's get some and live while we're young.'

Ayan nanaman yang alarm ng phone ko eh. Pero kapag naririnig ko yung alarm tone ko sa umaga, maganda gising ko. Syempre, 1D eh. Haha. Nagready nako. As usual, daily routine padin. Maliligo, Mag-aayos, Kakain. Nagtaka kayo kung bakit nag-aayos nako? Kailangan eh. Syempre, model nako. Hihi. =) Pumasok nako sa school, walktrip lang ako mag-isa.

"Ateeeee.! Waitttt.!" May narinig akong sumigaw sa likod ko kaya nilingon ko. May babae na tumatakbo papalapit sakin. Huminto siya sa harap ko.

"Ako po ba?" Sabi ko sabay point sa sarili ko.

"Oo. Ikaw nga. Pwede po favor?" Sabi niya habang umiinom ng tubig na hawak niya.

"Sure. Ano yun?" Sabi ko. May inabot siya saking notebook at ballpen.

"Pwede pong pa-sign? Idol ko po kayo sa modelling eh. Simula ng magphotoshoot kayo sa school. Pati nga po to oh." Sabi niya sabay kuha ng cellphone niya sa bulsa, pinakita niya sakin lahat ng pictures namin nung photoshoot sa school. Pati yung nagpapahinga na kami, meron pa yung nasa canteen kami, yung nag-away kami nila Ella pati yung nasa classroom ako namin. Grabe siya. Piniramahan ko na yung paper tas nagpapicture pa siya sakin.

"Ako nga po pala si Ashley. Freshmen palang po ako sa school natin. Gusto niyo po, sabay na tayo pumasok." Syempre pumayag naman ako sa sinabi niya. Madami siyang kinwento sakin pero konti lang naintindihan ko. Nang makarating na kami sa school, halos lahat ng studyante nakatingin samin. Di ko alam kung bakit. Pumunta na sa room niya si Ashley, ganun din ako. Pagpasok ko sa room, andun na si Lance, kausap niya sila Alex. Dumiretso nako sa upuan ko tapos biglang pumasok si Ella sa room. Lumapit siya sakin.

"Abbi, congrats nga pala sa inyo ni Lance. Sana tumagal kayo. Goodluck." Sabi niya sabay talikod. Nagnod na lang ako tapos pumunta na siya sa upuan niya. Biglang dumating yung teacher namin tapos nagdiscuss na siya.

Natapos na na yung mga sumunod na subjects lumabas na kami ni Lance ng room tapos dumiretso sa canteen. Um-order na kami ng pagkain tapos tumabi samin sila Alex. Kasama namin si Kristel, habang kumakain siya, biglang tumunog yung phone niya. Binasa niyo yung message.

"May pictorial daw tayo mamaya. Punta nalang daw tayo sa studio kapag uwian na." Sabi ni Kristel samin. Pano yung dinner namin nila Lance at mommy mamaya.? Ittext ko na nga lang sila mommy na may pictorial kami mamaya. Natapos na kaming kumain tapos bumalik na agad sa room. Di ko na sinabi kay Lance yung dinner thingy nila mommy. After ng class namin, diretso na kami sa studio. Kasabay ko si Kristel sa kotse ni Lance.

"TITA JANEEEE.!" Sigaw ni kristel kay tita Jane nang makarating kami sa studio. Nakita namin si Ella tapos sila Mheljane na naka-upo sa sofa at mukhang ready na.

"Guys, I want you all to meet my daughter, Mheljane." Pakilala ni tita Jane sabay tingin kay Mheljane. Anak niya pala yun. Nginitian lang namin siya, wala namang expression yung mukha niya nung nginitian namin siya.

"Abbi, okay ka lang ba? May problema ba? Mukha malalim iniisip mo ah? Kanina pa nagstart yung pictorial." Bulong sakin ni Lance. Kanina pa ba? Lutang nanaman ako dito eh. Di ko alam kung bakit.

"Wala. Sige na. Game na ulet." Sagot ko naman sabay senyas sa photographer na ready na kami. Picture dito, picture doon. Flash dito, flash doon. Di ko nga alam kung para san tong pictorial namin eh. Nang matapos na, hinatid nako ni Lance sa bahay tapos nagpaalam nako sakanya na papasok na. Medjo late na din kasi. Past 9 na eh.

(a/n: Kailangan ko po ng mga new characters para sa mga following chapters. May gusto po ba?)

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon