Campus Lovers (Chapter10)

27 1 0
                                    

Chapter 10.

Bilis lang ng panahon. Biruin mo, 4 months na kami ni Lance. Wala padin namang nagbago, ganun pa din kasweet sakin si Lance. Si Kristel tsaka si Andrei naman, ganun din. Si Ella, nagpapansinan na kami at nagbabatian pero di na kami kaclose tulad nung dati. Actually, monthsary namin ni Lance ngayon kaya lumabas kami. Di ko nga alam kung nasan kami eh. Basta garden siya tapos may table na para sa dalawang tao, may mga ilaw, at halatang pinaghandaan.

"Abbi." Pagbabasag ni Lance ng katahimikan. Napatingin nalang ako sakanya habang nakangiti.

"Ayan nanaman yang smile na yan eh." Sabi sakin ni Lance. Teka, nagbblush ba siya? Di ko masyadong makita eh. Ano problema niya sa smile ko? Nagpout nalang ako tapos bumulong siya.

"Ayan pa. Natutukso ako kapag gumagayan ka eh. Gusto kitang ikiss kapag gumaganyan ka eh." Bulong niya.

"May sinasabi ka ba Lance? Anong chika? Pashare naman." Sabi ko. Kunyari di ko narinig pero narinig ko talaga nang malinaw. Kinikilig tuloy ako.

"Sabi ko ang cute mo kapag nakasmile. Smile ka lang lagi." Sagot niya. Sus. Palusot. Haha.

Kumain lang kami tas nagkwentuhan. After nun, hinatid na niya ako sa bahay. Pinapasok ko siya since maaga pa naman kaya dito muna siya nagstay.

"Good evening po tita, tito. Hinatid ko lang po si Abbi." Bati ni Lance kay mommy at daddy na nanonood ng TV sa sala.

"Oh. Ikaw pala iho. Buti naman maaga mo hinatid si Abbi.? Napakagentleman mo talaga. Aalagaan mo siya lagi ah.? Wag mo siyang sasaktan." Sagot ni daddy. Tuloy-tuloy niyang sinabi yan. Akala mo wala dito yung pinag-uusapan eh. Tumawa na lang si Lance tapos nagnod kay daddy.

"Ehem. Ehem. Parang wala naman dito yung pinag-uusapan niyo?" Sabat ni mommy.

"Sorry. Sinesecure ko lang naman si Abbi dito kay Lance eh."

Nagstay nga dito si Lance pero umuwi din agad siya nung matapos siyang ihot seat ni daddy. Nag-usap silang dalawa sa may garden habang tinutulungan ko si mommy sa mga gawain. Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila. Pero parang masaya naman sila kaya hinayaan ko na.

***

"Uwaaa.! Bagay na bagay sila.!"

"Oo nga. Campus Lover talaga sila."

"Sila kaya yung pinakasikat na lover dito sa campus."

Naglalakad kami ni Lance sa may hallway papuntang library nang may nakasalubong kaming grupo ng mga babae tas ayan yung mga sinasabi nila. Nakakatuwa sila. =)) Sinamahan kasi ako ni Lance na hiramin yung geometry book sa library, naiwan ko sa bahay yung sakin eh. Nang makahiram na ko. Diretso na agad kami sa room. Buti nasa room na kami nung nagbell. Bigla namang pumasok yung first teacher namin.

"Class. Since malapit na ang halloween, magkakaroon tayo ng party about dyan. 3weeks ang preparation. Gusto ko, igroup niyo ang mga sarili niyo sa 5. Tutulong kayo sa pag-aayos, pagpaplano at kung ano ang kailangan gawin for that. Mamaya, bubunot kayo kung ano at saan ang grupo tutulong." Sabi ni Ma'am. Halloween?

"Mam, san po ba gaganapin yung party? Sa school ground po ba? Kailangan po ba lahat kami naka-costume?" Tanong nung isa kong classmate na nasa unahan.

"Yes. Sa schoolground nga gaganapin. Magsasama-sama lahat ng year level dun. And, required din lahat ng sasali dun ay nakacostume. Kaya nga sinabihan ko na kayo ng maaga para makapagready at makapaghanap na kayo ng costume niyo. Okay, maggroup na kayo. Gagawa lang ako ng bunutan kung ano ang gagawin niyo." Sagot naman ni mam. Agad naming naggroup. Ako, si Lance, Alex, Kristel, at Erick ang magkakagrupo. Si Lance na yung bumunot. Nabunot namin yung sa props. Kami gagawa nung mga props kasama yung ibang section at ibang year level.

"Ah class, by the way, maging friendly kayo sa mga magiging kaibigan niyo dun. Bukas magsisimula na kayo sa pagpaplano. Yun lang. Bye." At tuluyan nang lumabas ang teacher ko sa classroom. Ano kaya magandang costume?

Wala padin kaming ginawa after nung mga sumunod na subjects, ganun din nung breaktime hanggang uwian. Habang nasa hallway kami ni Lance pagka labas ng room, tinanong niya ko.

"Abbi, ano costume mo? Hirap naman kasi eh. Bakit kasi kailangan nakacostume pa." Tanong ni Lance sabay kamot sa ulo niya. Haha. Ang cute niya talaga.

"Hmm. Wala pa din akong naiisip eh. Samahan mo nalang ako tumingin ng costume sa mall pag may time tayo. Matagal pa naman eh." Sagot ko sa kanya. Habang nakatitig kami sa isa't-isa. Hirap kasi pumili ng costume eh. Parang ang baduy kaya.

"Sige. Tara na. Hatid na kita." Nagnod na lang ako sa kanya. Hinatid niya nga ako sa bahay. Habang papasok na ko ng gate, tinawag ko siya tapos hinalikan sa cheeks niya.

Lance's POV

"Abbi, ano costume mo? Hirap naman kasi eh. Bakit kasi kailangan nakacostume pa." Tanong ko sakanya sabay kamot sa ulo ko.

"Hmm. Wala pa din akong naiisip eh. Samahan mo nalang ako tumingin ng costume sa mall pag may time tayo. Matagal pa naman eh." Sagot niya sakin. Nakatitig kami ngayon sa isa't-isa at tinitignan ko kung anong babagay na costume kay Abbi. Bagay ba sakanya yung Zombie? White Lady? Kapre? Wala eh. Di bagay sakanya. Mas bagay sa kanya, prinsesa. Bagay sa kanya yun, lalo na sa long wavy darkbrown hair niya, light brown eyes, angelic face, matangos na ilong. Feeling ko mas bagay sakanya yung Queen o Prinsesa na costume.

"Sige. Tara na. Hatid na kita." Buti nalang nakapagsalita agad ako bago niya mahalata na titig na titig ako sa kanya. Nagnod lang siya tsaka naglakad palabas ng campus. Naglakad na kami papunta sa kanila.

Nang makarating na kami sa kanila, papasok na sana siya ng bigla niya akong tinawag. Lumapit naman ako agad at HINALIKAN NIYA KO SA CHEEKS sabay pasok sa bahay nila. Ako naman, naiwang tulala dun sa labas ng gate. Parang may naramdaman akong spark. Feeling ko kinilig ako nun. Antagal kong natulala dun bago pa bumalik yung sarili ko. Nung naramdaman ko ng nakabalik na ko sa sarili ko, nagtatalon ako sa tuwa. Wala namang tao kahit hapon palang. Pero promise, kinilig talaga ako. Sana araw-araw may ganun ako para lagi akong full charge. Kahit kami na, kinikilig pa rin ako sa kanya. Napakasimple niya kasi at hindi maarte. Ayy, tae. Nababakla ako. Mwahahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon