Campus Lovers (Chapter8)

25 0 0
                                    

Chapter 8.

Kinabukasan, tanghali nako nagising. Sana talaga panaginip lang lahat 'to. Naligo muna ako tapos bumaba na para kumain. Magsisimba nalang ako tutal Sunday naman eh. Ipagdadasal ko na sana magkabati na kaming magbebestfriend. Nagsuot ako ng red pants, Blue shirt na may stripes then black converse. Louis Tomlinson Inspire Outfit lang. Bumaba nako tapos nagpaalam kay manang na magsisimba muna ako.

Paglabas ko ng bahay, andun si Kristel. Umiiyak ata siya. Lalapitan ko sana siya pero bigla siyang tumayo para yakapin ako.

"Abbi, sorry. Nasabihan kita ng malandi kagabi. Sorry talaga." Sabi niya sakin habang yakap ako. Umiiyak nga siya.

"Kristel, ano problema? May nangyari ba?" Tanong ko sakanya. Tumigil muna siya sandali tapos tumingin sakin.

"Nag-away kami ni Ella kagabi. May sinabi din siya sakin. Sinabi niya na wala tayong kwentang bestfriend. Magsama daw tayo kasi wala daw tayong kwenta." Sabi ni Kristel.

"Ano bang pinag-awayan niyo? Teka, magsisimba ako, gusto mo sumama.?" Tanong ko ulit. Sumama siya sakin tapos nagkwento na. Ito yung kwento niya.

Kristel's POV.

-FLASHBACK-

"Ella, si Andrei yun diba? Puntahan natin." Niyaya ko si Ella na pumunta kay Andrei. Miss ko na siya eh. Lalapit na sana kami pero bigla niyang nakita si Abbi. Di ko alam kung ano pinag-usapan nila pero biglang tumakbo si Abbi palayo. Bago pa siya maka-alis, napicturan siya ni Ella. Sabi sakin ni Ella, ayawin ko daw si Abbi then ipakita yung picture.

"Tel, look. Napicturan ko sila. Awayin mo siya sa fb tapos sabihin lahat ng masasakit na salita." Sabi sakin ni Ella. Pinakita niya pa sakin yung picture. TAKE NOTE, phone ko yung gamit niya sa pagpicture.

"Ella, kayo lang yung magka-away. Di ako kasali. Dinamayan lang kita kanina kasi kailangan mo ng makaka-usap." Sagot ko naman.

"Isa kadin eh.! Wala ka ding kwenta.! Magsama kayong dalawa ni Abbi.! Parehas kayong walang kwentang besfriend.! Pakisabi nalang kay Abbi, kung gusto niyang sagutin si Lance, sagutin na niya. Siya naman yung pinili di naman ako eh.! Diyan ka na.!" Pasigaw na sabi sakin ni Ella sabay takbo papalabas ng subdivision namin.

Ayoko sana siyang awayin pero baka agawin din niya sakin si Andrei. Nakita kong naka-Online siya sa fb then chinat ko siya.

'Abbi, ano to? Sabihin mo.! Kanina si lance tapos ngayon si Andrei.? Ano to.? Ganyan kna ba kalandi? HAAA.?!' Sabi ko sakanya. Pero chat lang ah?

'San mo nakuha yan? Di yan totoo. Maniwala ka naman sakin. Ayoko nang mawala pa yung bestfriend ko.' Reply niya naman.

'HULI NA ANG LAHAT.! AYOKO NA SAYO. NGAYON NAPATUNAYAN KO NA TALAGA NA MALANDI KA.' Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yan. Siguro nadala lang ako sa picture. Nag-off na siya then nichat ko si Ella.

'Ella, nagawa ko na yung gusto mo.! Masaya kana.!? Gusto mo yung may madadamay pang iba?!'

'Edi good. Tsaka dun kana kay Abbi. Magsama kayong dalawa. Masaya nako sa new friends ko. Kila Mheljane.' Reply niya sakin. Nag-off nadin ako tapos natulog na. Kinabukasan, pumunta ako kila Abbi para magsorry.

-End of Flashback-

Abbi's POV.

Naglalakad kami papuntang simbahan. Biglang may sinabi sakin si Kristel.

"Abbi, may pinapasabi nga pala sakin si Ella. Sagutin mo na daw si Lance kasi ikaw naman daw yung pinili. See, mapagbigay siya diba? Hahahahahahaha.! Btw, pano ka niya niligawan?" Sabi sakin ni Kristel sabay tawa. Oj lang.?

"Ha.?! Grabihan.? Hahahaha.! Ganto kasi yun, nung friday kina-usap niya ko na umakyat daw ako sa 4th floor. Yun, umakyat nga ako tapos sabi niya na liligawan daw niya ako. Tapos hatid-sundo nadaw niya ako." Sagot ko sakanya.

"Ah. Yan pala yung sinabi samin ni Katie. Nakita niya daw kayo sa taas then narinig niya na liligawan ka ni Lance. Kaya pala di ka sumabay sakin pag-uwi. Ayyyiiieee.!" Pang-aasar sakin ni Kristel. Andito na kami sa simbahan. Madami nading tao kaya sa labas nalang kami. 

"Abbi. Naayos naba yung friendship niyong tatlo? Sorry kung ako yung dahilan nung pag-aaway niya ah?" Nagulat ako sa nagsalita. Pagtingin ko sa gilid, si Lance.

"Iwan ko muna kayo ah.? Dun lang ako sa gilid." Sabi samin ni Kristel tapos may binulong pa siya na 'Sagutin mo na.' Baliw talaga yun. Pumunta siya sa gilid.

"Okay lang. Parang ayaw na ni Ella samin eh. Mas gusto niya daw kila Mheljane." Sabi ko pero di ako nakatingin sa kanya.

"Mheljane.? Yung grupo ng mga babaeng sikat sa school?" Tanong niya.

"Oo. Lance, sina---." Di niya nanaman ako pinatapos.

"Sinasagot mo nako?! YES.!" Sumigaw siya kaya lahat ng tao sa labas nakatingin sa kanya. Yung iba nakangiti sa kanya. Simbahan kaya 'to.

"Oo eh. Hihi. Wag ka na magulo tsaka maingay. Nakakahiya eh." Sabi ko. Totoo naman eh, nakakahiya. Halos yung ibang nagsisimba dito, taga school namin eh. Lumapit na samin si Kristel habang nakangiti.

Natapos na yung mass tapos kumain kami sa Paotsin. Libre ni Lance. Nagkwentuhan lang kami tapos bumili siya ng necklace na Infinity yung pendant. Sabi niya pa, para katulad daw ng date na naging kami. June 8. Si Kristel naman, kiniilig. Parang wala namang boyfriend to sa sobrang kilig. Inabot na kami ng hapon tapos hinatid niya ko sa bahay. Dun din muna nagstay si Kristel. Pinapapasok ko nga siya kaso ayaw na niya.

"Abbi, my dear.!" Si MOMMY.! Namiss ko siya. OMG.

"Mommy.! I miss you. Kelan po kayo dumating?" Bati ko kay mommy. Namiss ko talaga siya.

"Kanina lang. Oh, Kristel, musta.? Pasok tayo dito sa loob. May pasalubong ako sa inyo." Sabi ni mommy.

"MAY 1D MERCHANDISE PO BA.?" Sabay naming sabi ni Kristel.

"Syempre meron. Di naman mawawala yun eh." Sabi samin ni mommy. Galing silang London diba.? Binigay na niya yung mga pasalubong niya samin. Meron kami ni kristel na pillow, planner, bag, pens at sapatos. Lahat 1D. OMG. Binigyan din ni mommy si Kristel ng mga chocolates at ibang pasalubong para sa mommy niya. Friend si mommy tapos yung mommy ni Kristel.

Dito nadin nagdinner si Kristel. Habang nagdidinner kami, bigla akong tinanong ni daddy.

"Princess, sino yung lalaking naghatid sainyo kanina?" Tanong niya.

"Ah. Si Lance po. Kasama po namin sa modelling." Sagot ko naman.

"Oh. Buti naman pumayag ka na sa modelling offer ni Jane.?" Tanong ni mommy. nagnod lang ako.

"Ah. Friend niyo si Lance? May itsura ah?" Sabi ni daddy.

"BOYFRIEND NIYA PO YUN TITO.!" Sabi ni Kristel kay daddy habang punong-puno ng pagkain yung bibig niya. Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Di ko ineexpect na sasabihin ng babaeng to yun. Hala.! Baka magalit sila mommy at daddy sakin?! Kasasagot ko palang kay Lance eh. Tsaka siya kaya yung first boyfriend ko. Well, di ko pa siya kilala masyado pero sure nako sa kanya. Kailangan lang siguro namin ng time na mag-open sa isa't-isa.

(a/n: Di ko pa po alam kung kelan yung next update. Basta hintay nalang po kayo. Medyo magiging busy po ako thiq week eh. =) Baka nga po pala gumawa ako ng new story, pero one shot lang yun. XD ty.)

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon