( a/n: Pag-umabot sa 250+ ang total reads ng story na 'to, promise, mag-uupdate ako ng Chapter 8, 9, and 10. Haha.! Enjoyyy.! Sorry nga pala kung natagalan ako mag-update.)
Chapter 7.
Simula nang sinabi sakin ni Ella na may gusto siya kay Lance, sinubukan ko lahat para iwasan siya. Fortunately, nakasurvived ako sa first day na iniiwasan ko siya. Pero this day, nakita ko siya naglalakad papalapit sakin. OMG.
"Abbi, pwede ba kitang kausapin. Kahit saglit lang?" Sabi niya saken habang hawak yung braso ko.
"Ngayon? Pwede bang mamaya nalang breaktime or uwian?" Sagot ko naman.
"Sige. Punta ka sa 4th floor mamayang uwian. Hintayin kita dun mamayang uwian." Sabi niya naman. Bakit 4th floor pa? Daming alam. -__-
"Okay. I have to go. May pupuntahan pa ko." Sabi ko sabay alis. Kailangan malaman muna to ni Ella. Magpapaalam muna ako sa kanya na kakausapin ako ni Lance mamayang uwian. Nagstart na yung klase. Di na ko nakapagconcentrate sa lesson. Nung breaktime, lahat kaming magkakaibigan nasa canteen except kay Lance, asan kaya siya? Nung kaming dalawa lang ni Ella yung nasa table, kina-usap ko siya. Bumili pa sila ng pagkain kaya naiwan kami dito,
"Ella, kakausapin daw ako ni Lance mamayang uwian. Okay lang ba sayo?" Tanong ko sakanya. Pero siya, halatang nagulat sa tanong ko.
"Ha?! Akala ko naman kung ano eh. Bakit mo pa tinanong sakin yan? Baka importante yan or personal. Go lang." Sabi niya sabay ngiti. Akala ko kasi magagalit siya eh. Alam niyo na.
"Ah. Sige. Baka kasi magalit ka kapag bigla ko siyang kina-usap eh. Iniiwasan ko na nga siya para sayo, para di na magkagulo." Sabi ko tapos biglang dumating na sila Kristel. Kumain na kami then bumalik ulet sa room. Buti naman, nakakapagconcentrate nako sa lesson ngayon. Si Lance, halata sa mukha niyang kinakabahan. Bakit kaya? Natapos na yung klase. Sinabihan ko na si Kristel na di ako sasabay sa kanya kasi may importante akong pupuntahan. Dumiretso agad si Lance sa 4th floor. After few minutes, umakyat nadin ako.
Pag-akyat ko, andun siya. Nakasandal sa pintuan nung computer room. Lumapit agad ako sa kanya.
"Lance. Bakit ba dito pa.?" Sabi ko sakanya.
"Abbi, may gusto lang akong sabihin sayo. Importante to kaya makinig ka." Sabi niya sakin habang hawak niya yung dalawang kamay ko.
"Ano ba yun? Super importante ba yan?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako ah.
"Abbi, alam mo ba, matagal nakong may gusto sayo. Simula pa lang nung kinukwento ka sakin ni Kristel. Sa totoo lang, ikaw yung dahilan kung bakit ako lumipat dito sa school niyo eh. Pinasabi ko din kay Alex na ilagay ako sa section niyo para mabantayan kita. Pwede ba kitang ligawan?" Sabi niya sakin. Nagulat ako dun sa last na sinabi niya.
"HAAAAAAAA.?! Ano kasi eh. Ano si E--." Di niya ko pinatapos. Bigla niyang tinakpan ng daliri niya yung bibig ko.
"Wag ka nang madaming sinasabi. Basta liligawan kita, tapos. Tara, hatid na kita sainyo." Sabi niya sabay hila sakin pababa. Patay, baka nga ito na yung pagkasira ng friendship namin. Wag naman sana.
Nakarating na kami sa bahay. Sabi niya pa sakin, hatid-sundo niya na daw ako. HALA.? Nakahiga na ko sa kama ko, biglang nagtext si Lance.
Fr: Lance
'Sunduin kita bukas dyan. Magready kana ng maaga.' Maaga talaga? Oo, nagtataka kayo kung bakit may pasok kami sa saturday? Meron, may saturday classes kami. Pero this june and july lang naman. Ewan ko kung bakit.
To: Lance
'Okay. Sabi mo eh. Haha.' Feeling ko nafafall nako sa kanya. Pano na yan? Tapos nagreply siya na matutulog nadaw siya. Natulog na din ako. Masyadong madaming nangyari ngayong araw eh.
Nagising nako ng maaga. Sabi ni Lance eh. Naligo na ko tapos nagbihis. Pagbaba ko, nakita ko na siya sa may sala. Pinapasok daw siya ni manang. Ito talaga si manang, basta pogi, push lang eh. Hahahaha. Dito na din siya nag-almusal tapos dumiretso na agad sa school. Madami yung nakatingin samin, yung iba, nag-HI pa samin. Sabi naman nung isang babae, 'Bagay kayo. Kayo na ba? Model kayo pareho diba.?' nagnod nalang kami tapos nagthankyou si Lance dun sa girl. Nakarating na kami sa room, lahat sila nakatingin samin. Pati sila Ella. Lumapit sakin si Ella tapos sinampal ako sa mukha. Lahat ng classmates namin, nagtinginan samin.
"Bakit di mo agad sinabi?! Bakit kailangan sa ibang tao ko pa malaman? Ha.! Abbi, sabihin mo.!' Sigaw siya ng sigaw. Halos lahat ng tao na dumadaan sa labas ng room, napapatingin na din eh.
"Ella, sorry. Di ko pa naman siya sinasagot kasi ayaw kong masaktan ka.! Tsaka, dapat sasabihin ko sayo kaso wala na kayo dito sa school." Sabi ko sakanya tapos naiyak nako.
"Kahit na. Dapat nagtext ka man lang kagabi.! Dapat gumawa ka ng effort para sabihin yun.!" Sigaw niya ulit, sobra na yung pag-iyak ko. Halos di nako makapagsalita.
"Ella ano ba.?! Di naman kita mahal eh. Mahal ko si Abbi kaya wala kang karapatang saktan siya. Wag ka ngang umarte na parang girlfriend kita. Masasaktan ka lang.!" Sigaw naman ni Lance kay Ella. Grabe talaga. Di na ko makagalaw sa kinatatayuan ko. Biglang tumakbo palabas si Ella, hinabol siya ni Kristel tapos binangga ako ni Kristel habang tumatakbo palabas.
"Abbi okay lang ba? Masakit ba? Hayaan mo na yung mga yun." Sabi naman ni Lance habang pinupunasan yung luha ko. Nasampal ko siya bigla.
"Alam mo ba. Dahil sayo baka masira na yung friendship namin. Pag nangyari yun, di kita mapapatawad.!" Sigaw ko kay Lance. Di ko alam kung bakit nasampal ko siya. Tumakbo ko palabas. Wala akong ganang umatend ng first subject. Aga-aga ito mangyayari sakin? Sinubukan kong hanapin sila Ella at Kristel. Nakita ko sila may lobby kasama yung isang grupo ng mga babae. Sila Mheljane, Allona, Shailey at Marinel. Sikat din sila sa school, matataray nga lang. -_- Sinubukan kong lumapit sa kanila.
"Abbi, wag ka muna lumapit sa kanila. Di pa ngayon yung tamang panahon para kausapin sila. Galit si Ella at Kristel sayo sa ginawa mo." Sabi sakin ni Marinel. Nakatingin ng masama si Ella sakin at si Kristel naman, kinocomfort si Ella. Masama din tingin niya sakin. Lumapit sakin si Kristel.
"Abbi, bakit ganun.? Sinabihan na naman kita diba?" Sabi sakin ni Kristel habang pinupunasan yung luha niya.
"Tel, si Lance kasi eh. Bigla niyang sinabi sakin." Sabi ko. Naiiyak nanaman ako.
"I understand you. Pero kailangan ni Ella ng kakampi kaya sakanya muna ako." Sagot naman ni Kristel. Umakyat nako sa room. Buti absent yung teacher namin. Umupo agad ako sa upuan ko tapos tinatanong nila ako kung ano daw nangyari. Nakita naman nila diba? Tumabi sakin si Lance tapos nagsorry siya sakin. Di ko muna siya kakausapin. Kailangang magkabati muna kaming magbebestfriend. Kasalanan niya to eh. Sinabi ko sakanya na wag niya muna akong kausapin. Kita sa mukha niya na sobrang lungkot niya. Nung breaktime, nakita ko sila Ella, masayang nagbobonding kila Mheljane. Nagtatawanan pa sila, samantalang ako, nag-iisa. Sana matapos natong araw nato. Ayoko na talaga.
Umatend na sila Kristel ng klase after nung breaktime. Pero di na sila tumabi sakin. Feeling ko, walang nagmamahal sakin. Nung uwian, ako lang din mag-isa umuwi. Di ako nagpahatid kay Lance. Lumilipad pa yung utak ko. Maya-maya, nakita ako ni Andrei na wala ako sa sarili ko.
"Abbi, okay lang ba.? Narinig ko, nag-away daw kayo ni Ella dahil kay Lance.?" Sabi niya sakin.
"Andrei, wag mo muna ako kausapin. Baka may makakita satin tapos magalit pa sakin si Kristel." Sagot ko sabay takbo. Di niya na hinabol.
Pag-uwi ko, diretso agad ako sa kwarto. Ayaw kong magpakita kay manang dahil kakausapin nanaman ako nun. Gusto ko munang mapag-isa. Nagshower ako tapos nahiga lang sa kama. Maaga pa. 5 palang. Nag-online muna ako sa facebook, nakita ko online si Lance pero di ko siya ichachat. Biglang may nagpop-up.
'Abbi, ano to? Sabihin mo.! Kanina si lance tapos ngayon si Andrei.? Ano to.? Ganyan kna ba kalandi? HAAA.?!' Chat sakin ni Kristel tapos may picture dun. Yung kaninang pag-uusap namin ni Andrei.
'San mo nakuha yan? Di yan totoo. Maniwala ka naman sakin. Ayoko nang mawala pa yung bestfriend ko.' Sabi ko.
'HULI NA ANG LAHAT.! AYOKO NA SAYO. NGAYON NAPATUNAYAN KO NA TALAGA NA MALANDI KA.' Sabi niya sakin. Sobrang sakit na sabihan ka ng bestfriend mo na malandi? Di ba talaga sila naniniwala sakin?
Nag-off nako. Matutulog nalang ako. Baka panaginip lang lahat to. Sana bukas bati-bati na kami.
BINABASA MO ANG
Campus Lovers
Teen FictionNaniniwala si Abbi na pangit siya. Pero sabi ng iba, maganda siya, konting ayos lang ng sarili ang kailangan. Andyan naman si bestfriend Kristel at Ella na handang tumulong para maging maayos at maganda ang kanilang kaibigan. Ngunit, masisira ang pa...