Campus Lovers (Chapter4)

36 2 0
                                    

Chapter 4.

Nag-usap-usap nalang kaming magkakaibigan. Kasama na rin sila Alex, Luke, Erick, Marcus at Lance. Pinaikot namin yung upuan para madali lang yung pag-uusap namin. Sinimulan ni Kristel yung usapan.

"Ano bang pinagkaka-abalahan niyo except sa pag-aaral? Ako tsaka si Ella tapos si Lance, model eh. Kayo?" Sabi niya habang nagcecellphone.

"Ako, wala. Gagala nalang ako kung kelan ko gusto." Sabi naman ni Alex. Richkid to eh.

"Ganun din ako. Pero minsan, nasa bahay lang ako. Nakakatamad nadin gumala eh." Angal naman ni Marcus. Edi kayo na.! =))

"Ganun din kami." Sabay turo ni Erick kay Luke.

"Oyy. Abbi, anong pinagkaka-abalahan mo exept sa pag-aaral?" Tanong sakin ni Ella. Parang di niya naman ako kilala. Bestfriend niya ko tapos di niya alam kung ano ginagawa ko? 

"Wala. Nasa bahay lang ako. Minsan, naglalaro ng mga computer games." Sagot ko habang nagsusuklay.

"Abbi, pwede ko bang makuha number mo?" Tanong ni Lance. Teka, kukunin niya number ko? OMG. Isang pogi, humingi ng phone number ko.? OA na. Haha. Kinuha ko yung phone niya tapos nilagay yung number ko.

"Salamat." Sabi niya habang sinasave yung number ko.

"Wala yun." Sagot ko sa kanya. Nagsmile lang siya sakin.

Natapos na yung araw at lumabas na kami ng school. May nakaparada na puting van sa harapan namin.

"Oh, ito na pala yung service natin. Sakay na." Sigaw ni Alex habang sumasakay sa van.

"Wow. Ang gara naman nyan." Sabi ni Ella. Hala? Taga-bundok.? Haha. Sumakay na kami. After 5 minutes, andito na kami sa labas ng bahay nila. Grabe, napakalaki nga ng bahay nila. Ito ata yung pinakamalaking bahay dito sa buong subdivision. Pumasok kami sa bahay tapos may nakita kaming mga maid.

"Sir, andito na po pala kayo." Sabi nung isang maid.

"Yaya, paki-akyatan nalang po kami ng pagkain at maiinom sa kwarto ko." Sabi ni Alex dun sa maid na bumati sa kanya. Tumalikod yung maid tapos pumunta sa kusina.

"Tara. Dun tayo sa kwarto. Movie Marathon muna tayo. Tagal nila mommy e." Sabi ni Alex. Sumunod kami sa kanya. Napakaganda ng kwarto niya. Mas malaki pa yung kama niya sa kama ko eh. Hihi. Kumuha siya ng mga DVD tapos pumili siya.

"Ito nalang 'Pitch Perfect' panuorin natin." Sabi ni Ella at Kristel.

"Ayoko niyan. Baduy yan.!" Sigaw ni Lance. Nagbago na yung mood niya. Hala.!

"Yan nalang kasi. Yan gusto namin eh." Sabi ko.

"Sige na. Ngayon lang yan ah? Pasalamat kayo, babae kayo." Sagot niya. Grabe. Ambilis naman magbago ng mood nito.

Sinimulan na namin yung movie. Walang gana manuod yung mga lalaki. Kaming tatlo lang yung nag-enjoy. 6 na natapos yung pinanuod namin. Bumaba na kami tapos ready na yung sa party. Dun lang kami sa sala. Kumain tapos nagkantahan. Biglang nagring yung phone ni Ella.

"Hello, bukas po.? May pasok po kami eh. Sige po." Yan yung sabi ni Ella sa kausap niya sa cellphone. Bumalik siya sa upuan tapos..

"May photoshoot daw tayo bukas. Lance, Kristel. Agahan daw natin bukas sa school. Dun daw gaganapin yung photoshoot. Mga 6 daw para wala pang masyadong tao." Sabi ni Ella kay Lance at Kristel. Wala akong kasabay bukas.

Nagpaalam na kaming umuwi ni Kristel. Hinatid kami nung driver nila Alex gamit yung grey na kotse. Daming kotse eh. =)) Sumama si Alex sa paghatid dahil gusto niya daw makita yung bahay namin tsaka yung kay Kristel. Mga 8:10, naka-uwi na kami. Dumiretso nako sa kwarto ko at nagpalit na nang damit. Maya-maya, biglang tumunog yung cellphone ko.

-1New Unread Message-

Binasa ko yung message. Unknown number, sino kaya 'to.?

Fr: 0915*******

'Hey. Lance Royce here. Save mo number ko. x'

Si Lance lang pala. Sinave ko yung number niya tapos nireplyan siya ng 'Saved =))'.

Dinalaw nako ng antok at di ko namalayan, nakatulog na pala ako sa sofa dito sa kwarto ko.

(a/n: Enjoy niyo po. Malapit na po yung pinakamagandang part. =)))

Campus LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon