Chapter 2.
"Abbi, tinatanong ka ni Lance. Hahaha.!" Sabi ni Ella habang tinatapik yung balikat ko. Nakatulala kasi ako sa sobrang pogi nito eh.
"Ha?! Ano ulit yun?" Tanong ko kasi nawala ako sa sarili kanina eh. Hala? Baka mahalata nila na may crush ako kay Lance. Wag naman sana. =((
"Kung pwede lang bang sumabay sainyo papuntang classroom?" Sabi ni Lance habang nakangiti.
"Classmate kaba namin ngayon? Hihi. Pwede naman." Sabi ko sa kanya.
"Tara na. Baka malate tayo eh." Singit naman ni Ella.
Naglakad na kaming papuntang classroom. Madami padin yung tumitingin sakin habang naglalakad, yung iba, binabati pa kami ng 'Anong section nyo?'. Syempre, sasagutin naman namin sila. Alam ko naman kung bakit sila nagtatanong eh. Nagpapapansin lang yun kay Lance. -_- Nakarating na kami sa classroom, medyo konti palang yung students. Lahat sila nakatingin samin. Umupo si Lance sa pinakadulong row at kaming tatlo naman ay malapit dun sa bintana para mahangin.
"Abbi, may extra pen ka pa?" Nakakagulat naman tong lalaking to. Bigla-bigla nalang sumusulpot.
"Ah. Meron." Kinuha ko yung pen na hinihiram niya at inabot sa kanya.
"Im Marcus Reyes." Inabot nya yung pen tsaka siya nakipagkamay. Cute din pala to si Marcus eh. Napansin ko na dumadami na yung mga classmates namin dito at madami din ang magaganda at pogi dito sa room ah?
"Abbigail Cruz" Nakipagkamay ako tsaka nagsmile.
"Maganda ka kapag nakasmile." Sabi sakin ni Marcus sabay wink. Anubayan. Ang cute niya talaga. =)) Tinignan ko si Ella at Kristel na nagkkwentuhan at si Lance naman, may kakwentuhan din na mga lalaki. Yung lalaking nakita namin kanina sa hallway habang papunta sa bulletin board, classmates din pala namin sila. Biglang may pumasok na teacher sa room namin.
"Goodmorning, class." Sabi ni Ms. Santos. Masungit to eh. Siguro siya yung adviser namin.
"Goodmorning ms. Santos" Bati namin ng mga classmates ko sakanya.
"Okay class. Magkakakilala na naman kayo diba? No need to introduce yourselves in front. Di na kasi namin binago yung mga students since section 1 naman kayo. May mga dinagdag lang kami" Sabi ni Ms. Santos. Hay, buti naman. Ayoko pa naman nun.
"Mr. Lance Royce, Mr. Marcus Reyes, Mr. Alexander Gonzales and company. Please, introduce yourselves in front. Bago kayo dito sa room eh." Pumunta na sila sa harap at nagpakilala isa-isa.
"Hi, im Lance Royce. 18, model. Im from Barcelona I. Yung subdivision sa likod nito." Nagtilian yung mga babae kong classmates except samin nila Ella at Kristel. Close na nila yun eh. Sunod sunod na sila.
"Im Marcus Reyes. 18, from Barcelona I din ako." Nagsmile siya tapos tumingin sakin. Nagsmile din ako sakanya. Teka, Barcelona I? Ibig sabihin, tabi lang ng subdivision namin? Barcelona II kami ni Kristel eh. Si Ella, Barcelona I din.
"Im Alexander Gonzales. 17, I lived in Barcelona I din. That's all." Energetic to. Nagtitilian din yung mga classmates ko sakanya. Pogi din kasi siya eh.
"Hi Im Erick Roxas" Sabi ni Erick
"And Im Luke Hood." Sabi naman nung lalaki na cute din. OMG. Dami talagang pogi dito sa section namin. =)
"Okay, thankyou. Be sitted." Sabi ni Ms. Santos. Wala kaming ginawa sa time niya at di na rin muna nagpalitan ng teachers kasi first day palang naman eh. Nagring na yung bell. Breaktime na, inayos ko muna yung bag ko tapos pinalagyan ako ni Kristel at Ella ng face powder. Lumabas na kami ng room tapos biglang hinarangan nila Alexander and company yung way namin.
"Hi Abbigail.!" Bati nila sakin except kay Erick.
"Hi, Alexander, Hi, Luke." Sabi ko naman.
"Call me Alex. Pwede bang makipagfriend?" Sabi ni Alexander.
"Oo naman." Sabi ko habang nagkasmile.
"Tara, punta na tayo sa canteen. Alex, Luke, Erick, Marcus, sabay na kayo samin sa canteen." Sabi ni Kristel.
"Sige." Sabi nila.
BINABASA MO ANG
Campus Lovers
Teen FictionNaniniwala si Abbi na pangit siya. Pero sabi ng iba, maganda siya, konting ayos lang ng sarili ang kailangan. Andyan naman si bestfriend Kristel at Ella na handang tumulong para maging maayos at maganda ang kanilang kaibigan. Ngunit, masisira ang pa...