Salitang para sa akin ay masakit pakinggan,
Dahil sa tuwing naalala ko ang aking katangahan,
Oo ang aking mga katangahan naiiwan nanaman akong luhaan,
Pasensya kana dahil akoy nag mahal lang naman.Naalala mo pa ba nung ako lang naman ang laging nasatabi mo,
Sumasalo ng bawat luha mo,
Nandyan na palaging sandalan mo,
At handang makinig sa bawat problema mo.Hanggang sa dumating "sya",
Lagi mong na babangit sa akin na gusto mo "sya",
Kinekwento mo sa akin kung gaano ka kasaya kapag kasama mo,kausap mo at simula nung dumating sya,
Puro nalang "sya" paano naman ang "ako"?na patuloy lang umaasa na makita mo na nandito lang naman ako sa tabi mo patuloy na umaasa.At dumating na nga ang aking kinakatakutan,
Ang araw di mo na ako maalala,
Hindi mo na ko pansinin,
Dahil sa kanya na lagi na sayong nag papaligaya.Ngayon aking napagtanto na lahat ng bagay ay hindi mananatili,
Dahil unti unti ring itong mawawagli,
"Pansamantala" ang tanging salita,
Ang tanging salita na sa akin ay ikay nagpapaalala.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry (TAGALOG)
PoetryPara sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.