Multo

1.2K 9 0
                                    

Naniniwala ako sa multo,
Naniniwala ako sa gabing pag dalaw nito,
Naniniwala ako na sa sandaling maalala mo ito,
Gabi gabi na itong magpaparamdam at dadalaw sayo.

Hindi ka papatahimikin nito,
Lalo na sa gabi lalo na pagtahimik kang pilit kinakalimutan ang imahe nito,
Pilit na maaaninag parin ang mga ito kahit sa pag pikit mo,
Kahit sa dulo ng panaginip mo dadalawin ka nito.

Minsan sa pag ligo ko,
Sinasabon ko ang aking mukha at dali daling bubuhusan 'agad ito ng tubig dahil sa pag iisip na baka nakatingin lang sya sa akin o sa katawan ko,
Sabay bulong ng "oh multo multo 'wag ka naman sanang mamboso",
At sa minsang pag iisa ko sa kwarto pag may narinig ako bagay at walang gumalaw dito sisigawan ko sya na " 'wag naman ngayon! broken hearted ako oh!".

At oo natatakot ako sa multo,
Dahil naramdaman ko na na totoo 'to,
Natatakot akong muling yumakap sa'kin 'to,
Natatakot akong hindi patulugin nito sa pag tulog o pag idlip ko.

Ayoko ng multo,
Ayoko ng pag dalaw nito sa isip ko,
Pero naisip kong mas ayos pang dalawin ng multo,
Kaysa dalawin ng mga masasakit na alaala nang lumipas dito sa puso ko dahil sa pag lisan mo.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon