B o b o ,Oo! Bobo!,
Ako! Ako ito!,
Hindi ako nagmumura dahil akoy masamang tao,
Sadyang bobo ang ekspresyon ko sa aking sarili na pinapaasa mo.
Hindi ko alam kung bakit umaasa ako,
Teka bobo nga pala ako,
Kung titignan mo ang salitang ito tanging apat na letra lamang para mabuo,
Pero kung papansinin malinaw pa sa araw na ako ay patuloy na umaasa at nag mamahal ang "ako" sa "iyo.
Damdaming itinatago pag magkasama tayo,
Dadaming nagiging sikreto,
Dahil natatakot ako na ibunyag ito sa harapan nila at sa harap mo,
Natatakot ako.
Natatakot ako na baka mag bago,
Magbago lahat ng bagay na meron tayo,
Teka mali hahaha walang tayo ang meron lang ay ikaw at ako,
Na kung saan kung gaano kaikli ang salitang "mahal kita" mahal kita!,
Kabaliktaran nito kung gaano kahabang panahon ito itago o kung sabihin man sa iyo.
Ganun! Hahaha oo ganun ako kabobo.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry (TAGALOG)
PoetryPara sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.