Ikaw ang Tula

1.6K 5 0
                                    

Gusto ko ng tula
Alam mo kung baket?
Kasi para kang tula,
Tulang aalayan ko ng tula,
Teka malabo ba?,
Parang ikaw no?,
Ikaw ihahalintulad kita sa ibat ibang klaseng tula,
Una, tulang maganda ang simula maganda ang sinasabi't nilalarawan ngunit pag dating ng kalaunan,
Hindi na maganda ang katapusan.
Pangalawa, tulang malabo hindi ko maintindihan kung malalim lang ang kahulugan o sadyang nanlalabo kana kasi iba na.
Pangatlo, tulang mapanaket alam mo na siguro yon no? Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kasi kahit anong paliwanag aabot at aabot parin tayo sa dulo,
At iiwan mo rin akong nag iisa dito.
Ikaw, ikaw na parang tula,
Ikaw na sa una'y saking tumugma,
Ngunit sa dulo'y natapos na't naging malaya.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon