Huling Tula na Ikaw ang Tema at Paksa

2K 5 4
                                    

Matagal na'ko nagmakaawa,
Pero bakit parang 'di na'ko kilala,
Matagal na s'yang nakalaya,
Pero bakit kalayaan ko'ng makulong sa kanya.

Nagiisa sa dilim,
Tanging teleponong walang kawad ang nagsisilbing aninag sa mukha kong makulimlim,
Tengang panugtog ang nagsisilbing inspirasyon sa pag gawa ng tula,
At syempre ikaw, ikaw na laging tema at paksa.

Ngayon ako ay napapaisip sa aking mga naririnig sa aking mga kaibigan,
Sabi nila kung mahal mo ang isang tao ay hihintayin at ipaglalaban mo ito,
Ang iba naman sa kanila'y sinasabing kung talagang mahal mo ang tao palalayain mo ito,
Ulit ay napapaisip ako ano nga ba ang tama?

Ano nga ba ang dapat?,
Kailangan ba laging sapat?,
Ayokong sa aking pagmamahal s'ya ay masalat,
At ayoko ring sa huli'y pagsisihan lahat.

Ngunit wala na tayo,
Matagal na alam ko,
Ilang taon na nga akong naghahanap ng bagong kukumpleto sa buhay ko,
Pero bakit sa'yo parin yung balik ko?.

Ilang beses ako nagmakaawa kung pwede pa ba,
Ilang beses ako nakiusap na bumalik kana,
Ilang beses kitang tinagpo para sabihing patawad na,
Ilang beses ako bumalik pero wala ka na.

Sapat na ba'ng minahal kita ulit?,
Sapat na bang tinaboy mo na ako ng paulit ulit?,
Sapat na ba lahat ng paalalang "itigil mo na't hindi na kita mahal",
Sapat na ba lahat para lumisan na?,

Ngayon ako ay hihingi ng tawad para sa mga bagay na pinangako kong hindi ko na matutupad pa,
Patawarin mo ako,
Patawarin mo ako sa paulit-ulit na pangungulit,
Pangako hindi na mauulit.

Patawarin mo ako sa aking pagpapaalala,
Pangakong bawat alaala'y kalilimutan na,
Patawarin mo ako kung paulit ulit na bumabalik pa,
Pangakong lilisan na.

Eto na siguro ang para sayo na pinakahuling tula,
Ang tulang labis sakin na nakapagpaluha,
At ngayon patatawarin kita sa paulit ulit na pag dalaw sa aking puso't isipan maging sa pag idlip at panaginip pa,
Ngayon pinapalaya na kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon