"Walang Forever"

8.9K 39 1
                                    

"Forever",
Isa,dalawa,tatlo,
apat,lima,anim,pito,
Pitong letra lamang ito pero marami        nang nabiktimang mga tao.
Isang salita pero marami ng na   paasang tao. 

Maraming tao ang naghahangad ng walang katapusang pag ibig,
Maraming nasawi,
Luhaang umuuwi,
Dahil sa pag ibig na tinapos kahit inakala na pang habang buhay nakagapos ang pag ibig at hindi matatapos.

Huwag kang malulungkot kung iniwan ka nya kasi ang pagmamahal ay hindi natatapos,
Mapapatuloy itong umagos hanggang sa makatagpo ka ulit ng katulad nya na gagawin karing tirador na hahawakan papalapit ng papalapit at sabay bibitawan sa hangin magpapalutang lutang sa ere maghihintay ng sasagip sa ulap sumisilip silip naghihintay ng taong hindi katulad nya hindi katulad nila na iiwan ka dahil sa nagsawa na,
Kasi ang tunay na pag ibig ay hindi pinagsasawaan dapat na pagkatiwalaan,
At sa mga nagsasabing walang forever?
Wag naman sana kayong bitter kasi
pano nalang yung itinakda sa inyo ng diyos?
paano nalang yung taong hinihintay ka? paano kung  hindi mo pa talaga sya natatagpuan?
paano na yan?...

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon