Dumating na ang araw na aking pinaghandaan,
Pero bakit ganun?naiwan parin akong luhaan,
At gabi gabi pag na aalala ka ang aking luhay tumutulo na lamang sa mga unan na akala moy naulanan,
Masakit! Masakit pala sa pakiramdam nang maiwan.
Sigundo,minuto,oras!
Sigundo,minuto,oras!
Sigundo,minuto,oras!
Umaasa parin ako! Umaasa parin ako na darating para sa atin ang tamang oras.
Araw,buwan,taon!
Araw,buwan,taon!
Araw,buwan,taon!
Nag hihintay parin ako sa iyong pag babalik at hinahanap ang kulang sa aking sarili,hinahanap ko kung saan nga ba naibaon ang mga pangako na napako.
Mga alaala natin na pilit kong binabalikan,
Mga larawan mo'y aking niyayakap at hinahalikan,
Mga nararamdaman na pilit paring nilalabanan,
At mga luha ay tumulo at nag babaan.
Sobrang sakit! dahil ikaw!ikaw pa ang unang nagsabi ng katagang "mahal kita".
"Mahal kita" mahal parin pala kita.
Naisip ko na para saan pa ang "mahal kita"kung wala kana.
Teka ang tulang ito ang mahaba na,pero aking uubusin at tutugisin ang mga salitang nais ko pang sabihin.
Paalam,maraming salamat sa sakit at pait,
Salamat sa pag mamahal mo ng saglit,
Salamat sa mga sulat na nag mistulang kalat,
Salamat,paalam.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry (TAGALOG)
PoetryPara sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.