That Guy: I

52 4 11
                                    

Pasukan na ulit. Hay, buhay! Kakatapos lang ngang magpaputok, papasok na agad. Hindi nila alam ang salitang chill, eh. So eto na nga, excited na akong makita ka ulit!

Yes, I'm excited to see you again but to be honest, hindi ko na alam kung crush pa ba kita o hindi na.

I'm so confused af. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. Para kasing nawala na yung feels ko para sa'yo.

Crush pa ba kita? O hindi na?

Hay, bahala na. Malalaman ko rin naman ang sagot sa tanong ko balang araw.

Wala namang gaanong nangyari sa araw ko. Halos wala ngang klase buong araw kaya napagpasyahan naming umuwi na. As usual, magcocommute ako kasama ang mga kaklase ko. Hindi naman kasi ako rich kid.

Lima kaming magkasamang umuwi. Isa ako sa mga huling nakakauwi dahil medyo malayo ang bahay namin mula sa paaralan. Hinatid muna namin ang may mas malapit na bahay. Papunta na kami sa bahay ng kaklase ko ng madaanan namin ang bahay niyo.

"Girl, 'yan 'yung bahay ng crush mo!" Sigaw ni Joy.

"Ha? Alin dyan?!" Sigaw ko pabalik. Hindi kasi namin maririnig ang isa't isa kung hindi kami sisigaw. Nasa backride ako habang siya ay nasa kabilang gilid ng tricycle.

"'Yung malaking bahay na merong puting kisame."

I stared at her with disbelief. "Seryoso ka bang sakanila 'yan?"

"Oo. May malaking bahay aside from them na malapit sa simbahan pa ba dito? Diba wala na?"

"Oo na, naniniwala na ako." Sabi ko nalang. Pero seryoso, malaki talaga. Mabubusog ang mga mata mo sa tanawin. Ang laki talaga kasi-ng bahay niyo.

Boring yet stressful days passed. Minsan nalang kita nakikita, ano kaya ang ginagawa mo? Sana makita na ulit kita.

I think God heard my wish.

Three of my friends approached me, "Girl, sabi ni Sir kunin mo daw 'yung susi sa crush mo."

"Anong susi?"

"Susi ng restroom. Siya daw kasi 'yung may hawak." Sabi nila. Tinignan ko silang maigi, mukhang pinipigilan lang nilang matawa. "Seryoso ba 'to? Mukhang pinapaasa niyo ako, eh."

"Seryoso nga 'to! Bilisan mo na at kanina pa kami naiihi!" Tinulak-tulak pa nila ako kaya wala na akong magawa. Kunwari napipilitan ako pero deep inside ay parang sasabog na ako sa kilig.

Wala pa ang subject teacher namin kaya naka-alis kami ng classroom ng matiwasay. Kahit naman dumating na ang teacher namin at malate kami ay okay lang. Mabait naman si Ma'am AP, tsaka favorite kaya ako nun!

"Alam niyo kung saan siya mahahanap?" Tanong ko sa kanila.

"Pumunta kami kanina sa classroom nila, wala daw sila dun. Check nalang natin sa baba." Um-oo nalang ako. Mukhang sila pa ang mas excited, eh.

Pagkababa namin ay nakita ka namin kasama ang barkada mo na palabas ng building.

"Bilisan niyo! Pupunta siguro silang canteen." Sabi ko sakanila.

"Tawagin mo nalang kaya?"

"Kuya-ay wala na, malayo na sila." Nanghihinayang kong saad.

"Kaya natin silang abutan kapag tumakbo tayo diba? Tara, takbo!" At tumakbo kami. Buti nalang at naabutan namin kayo. Ang bilis niyo naman kasing maglakad!

I approached you (plural form 'to kasi nga diba kasama mo ang barkada mo). Shit. Ito na ba ang magiging first conversation natin in real life?! "Kuya, 'yung susi po sa restroom, nasa inyo daw po?" Sabi ko. Shit. Ako ba talaga 'to? Bakit parang naging mahinhin ako in a snap?!

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon