Nasa mall ako ngayon kasama si Maggie. Birthday ko kasi kahapon kaya naisipan kong ilibre siya. Pauwi na kami nang may nakita siyang pamilyar na mukha.
"Bes, si Dominic!" Malakas na pagka sabi ni Maggie.
"Ha? Saan?!" Tanong ko habang palinga-linga.
"Ayun oh," turo niya sa lalakeng nakasuot ng damit pang taekwondo na tumatakbo kasama ang isang bata.
"Omg, baka kapatid niya yung kasama niya!" Sabi ko. "Ang pogi, bes."
"Oo nga, sayang lang dahil mas matanda tayo ng dalawang taon sakanya." Sagot niya.
Ang pogi talaga ng kapatid mo!
"Pero bes, pumogi si Dominic!" Sabi ko sabay hampas. "Huhu, bakit ang pogi na niya?! Shit, hindi ko na talaga kaya. Ang pogi niya!"
I guess the summer heat made you more handsome.
Merong nakahilera na upuan sa tapat ng pinagpa-praktisan niyo kaya umupo kami dun.
Mukhang matatagalan pa bago kami makauwi.
"Bes, feeling ko, narinig ako kanina ni Dominic." Parang kinakabahang saad ni Maggie.
"Ako rin naman. Sa lakas pa naman ng boses mo tapos nakatikim pa ako ng hampas." I rolled my eyes. "Ang lakas pa ng tili natin, nakakahiya."
She sighed. "Okay lang yan, bes. Pero kasi kanina pa siya tumitingin sa'yo habang tumatakbo sila."
Tinignan kita mula sa malayo. Hay, ang pogi mo talaga. "Akala ko nga nagjojoke ka lang, eh." I stated.
Binigyan niya naman ako ng seryoso-ka-ba look. "Hindi na ba ako kapani-paniwala?" Pagda-drama niya.
"Oo. Akala ko talaga joke lang kaya nagdalawang-isip pa ako kung lilingon ba ako o hindi."
Buti nalang pala dahil nakita kitang tumatakbo. Ayan tuloy, nagka-eye contact tayo.
Maya-maya ay dumating ang pinsan ko at tamang tama dahil tumawag na ang Mommy ni Maggie. Isa lang naman ang ibig sabihin niyan.
"Bes, alis na ako." Paalam ni Maggie.
Inakbayan ko ang pinsan ko. "Ihahatid ko muna siya sa labas, babalikan nalang kita dito kapag aalis na tayo." She nodded as response. Umalis naman kami agad ni Maggie.
Habang naglalakad papunta sa exit ng mall ay nilingon kita.
And there, I saw it.
I saw you looking at us—at me, to be specific.
Or assumera lang talaga ako?
Pero sino naman ang titignan mo, diba? Wala naman dito si Ate Ella.
Di nagtagal ay nakarating na kami sa exit ng mall. "Oh ano, sasamahan pa ba kita sa sakayan?" Tanong ko.
Alam ko naman ang isasagot niya kaya lumabas nalang din ako. Kahit kailan talaga, hay.
"Manong, sa F Subdivision po," sabi ko sa tricycle driver. "At siya lang po. Hindi po ako kasama."
"Sige, sumakay ka na." Sagot ni Manong.
I waved at her. "Bye! Mag-ingat ka."
Pumasok na ulit ako sa loob ng mall at binalikan ang pinsan ko. Hindi naman kasi ako yung tipo ng taong mang-iiwan lang sa ere ng walang pasabi.
"Tara na?" Tanong ko.
"Ge," sagot naman niya.
Bago kami makaalis ay pasimple kong nilabas ang cellphone ko at kinuhanan ka ng picture.
Kelan kaya ulit kita makikita?
BINABASA MO ANG
That Guy
Short StoryThat Guy... ----- Date Started: November 30, 2016 Date Ended: April 30, 2017 Highest Rank: #514 in Short Story (02-15-17)