That Guy: N

42 4 13
                                    

Naglalakad ako sa corridor nang makita ko ang mga kaklase kong nagtatawanan habang naglalakad.

"Saan kayo pupunta?" Sigaw ko kaya napatigil sila sa paglalakad.

"Cafeteria," maikling sagot ng isa sa mga kaklase ko.

Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng classroom niyo. Hindi ko masyadong namukhaan 'yung taong nagbukas ng pinto, basta ang alam ko ay lalake siya. Natahimik naman kami.

"Grade 7, pakihinaan 'yung boses niyo. Nagka-klase kami," mahinang sambit ng lalake kaya napatingin ako sakanya. Nakadungaw kasi ang ulo niya sa pinto, at tamang tama namang nasa harap lang ako ng pintong nakabukas. Mga five inches siguro ang layo ng mukha ko sa mukha niya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa lalake.

Teka, bakit parang familiar?

Pumasok ang lalake sa loob ng classroom nila.

Hindi ko namalayang nagpipigil-hininga na pala ako.

"Uy, kinikilig siya! Sabagay, sino bang hindi kikiligin kapag harap 'yung crush mo, diba?" Tukso nila.

Oo, ikaw ang taong nagbukas ng pinto ng classroom niyo.

And that, so far, was the closest encounter we had.

Akala ko 'yun na. Hindi ko alam na may magandang mangyayari pa pala. After a few days ay kumuha kami ng quiz sa ICT. It was around 1:30 in the afternoon, at nasa labas kami ng Comupter Lab. By batch kasi ang pagkuha ng quiz at napagpasyahan naming maging second batch nalang. Habang naghihintay na matapos ang unang batch ay nagkwentuhan lang kami at nag-asaran. We stopped talking when someone excused himself. Nasa corridor kasi kami, humaharang.

"Mabel, excuse daw oh." Sita ko sa kaibigan kong humaharang sa daan.

Umatras siya upang bigyan ng daan ang lalake. I was caught off-guard when he passed in front of me. Hindi ko naman kasi inexpect! Kaya napatingin ako sa mukha niya.

Shit.

Ikaw 'to eh!

When you passed, I was able to see you face clearly. Bakit ang pogi mo?! Tapos ugh, ang taas mo pa, dagdag appeal 'yun. Kaso 'yun nga lang, stick ka.

Dahil hindi ko na kinaya ang kilig na naramdaman ko sa'yo, kinausap ko ang Tita ko. Close na close kasi kami and sometimes we treat each other as sisters. She's already 32 years old at single kaya magkasundo kami. Kung ano man ang connect dun, hindi ko rin alam.

"Omg kasi, Tita, eh!"

"May picture ka ba diyan? Patingin nga," tanong ni Tita kaya mabilis akong naghanap ng picture mo sa Facebook at pinakita sa kanya. Konti lang ang mga posts mo at kadalasan ay tagged pa. Ang latest picture mo sa facebook ay kuha noong Final Oral Defense niyo kaya 'yun nalang ang pinakita ko kay Tita.

Sinuri niya itong mabuti. "Cute naman, in fairness."

"I know right!" Masiglang pagsang-ayon ko. "Kaso, graduating na siya." Mahinang bulong ko.

Mabuti nalang at hindi narinig ni Tita ang sinabi ko. "May pagka-geeky siya, to be honest. Lagyan mo lang ng eyeglasses." She added. Sumang-ayon nalang ako.

Time flies so fast, hindi ko namalayan na malapit na palang mag-Christmas break. After that, 4 months nalang.

Hay.

4 months left bago ka grumaduate.

"Hoy, tulala ka." Joy nudged me.

"Ay, sorry. Uuwi na ba tayo?" Tanong ko.

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon