That Guy: O

65 7 13
                                    

Time Check: 7:43 AM

Nasa labas kami ng classroom namin dahil vacant. Meron namang isang long table at dalawang benches sa labas kaya doon kami minsan tumatambay. Umupo ako sa table, kaharap ang hallway.

Sumilip kasi ako sa kabilang classroom at nakita kong wala ka pa. Nainip ako sa kakahintay kaya kinuha ko muna ang notebook ko para makapag-aral ako habang hinihintay kitang dumating. Sobrang na pre-occupied ako sa pag-aaral kaya hindi ko namalayang nakarating ka na pala!

Mabuti nalang at napatingin ako sa hallway, tamang-tama at naglalakad ka pa lang papunta sa classroom niyo. May suot kang backpack sa likuran mo at may dala kang pulang bag. Hindi ko alam kung ano ang laman pero napangiti ako nang nakita kong binabato mo ito ng marahan sa ere.

Napatigil ka sa pagbato nang nakita mo akong nakatingin sa'yo. Siyempre ay nahiya naman ako kaya mabilis kong binawi ang tingin ko at nagpapanggap na busy sa pag-aaral. Tumingin ulit ako sa hallway at nakita kong wala ka na. I sighed and gathered my things. Bumalik nalang ako sa upuan ko at nakisali sa usapan ng mga kaklase ko.

Lunch time.

Tapos na akong kumain. Paakyat na ako ng school natin nang nakita kitang pababa kasama ang kaklase mo. Napatingin ka sa direksyon ko at napatigil rin ako sa paglalakad.

Ilang segundo din ang lumipas bago nagsink-in sa'kin ang nangyari. Naglakad nalang ulit ako papuntang building natin na parang walang nangyari. Dala mo ang backpack mo kaya akala ko ay aabsent ka.

Kinahapunan ay inutusan ko ang kaklase kong sumilip sa bintana ng classroom niyo kung absent ka nga ba o hindi. Sabi niya ay nasa loob ka daw at hindi absent. Hindi ako naniwala sa kanya kaya ako na mismo ang sumilip sa bintana at tama nga siya, hindi ka nga absent.

Magkaklase kayo ng kapatid ng matalik kong kaibigan. I'm eager to know your name kaya kinapalan ko na ang mukha ko and asked her brother what your name is.

At sa wakas ay nalaman ko na rin ang pangalan mo.

Nakabukas ang bintana ng classroom niyo noong umagang 'yun. Tinukso ako ni Kuya Franco, ang kapatid ng kaibigan ko nang nalaman niya kung bakit ko tinanong ang pangalan mo at kung may girlfriend ka na ba. Nakatikim naman ako ng batok galing kay Maggie nang dahil doon.

"Wow. Crush mo pala siya?"

"Tinanong lang ang pangalan niya, crush agad? Hindi ba pwedeng curious lang ako?" Ani ko. I wanted to hide the truth kaya as much as possible, dine-deny ko. Baka malaman mo pa ang totoo.

"Ikaw ha. Teka, tatawagin ko siya." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Parehong nanlaki ang mga mata ko at dali-daling pumasok sa classroom namin at nagtago sa CR.
Binuksan ko ng kaunti ang pinto para makita ang mga nangyayari sa labas. Nasa labas pa rin ang best friend ko, nang makita niya ako ay sumigaw siya.

"Papunta na siya!"

Mas mabilis pa kay Flash kong sinara ulit ang pinto ng CR. Baka kasi alam mo na, nakakahiya naman. Senior ka tapos ako, freshman lang. Lumipas ang ilang minuto, wala na akong narinig na sigawan—maliban sa mga kaklase ko kaya lumabas na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi kita nakita sa labas ng classroom namin.

"Nag-aaral siya eh. May test kami mamaya sa Math," sabi ni Kuya Franco.

"Ay, nakakahiya naman." Sabi ko. "Nag-aaral siya tapos ako, inuuna pa ang kalandian kahit may test din kami mamaya." Dagdag ko.

Nag-usap pa kami saglit bago ako nagpaalam na papasok na. Meron din kasi kaming test at hindi pa ako nakapag-aral kaya nag-aral na ako.

Noong lunch time ay hindi kita nakita. Sinilip ko kasi ang bintana ng classroom niyo—kahit na sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako sisilip ulit. Nahiya kasi ako noong umagang 'yun.

My friend from other section visited me that time. Nag-usap kami sa labas ng classroom. Habang nag-uusap kami ay biglang dumating ang mga kaklase mo. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap, not minding them pero hindi talaga nakatakas sa pandinig ko ang sinabi ng isa mong kaklase—na ang sabi niya sa'kin ay girlfriend mo raw siya kahit na wala ka namang girlfriend.

"Nakita niyo ba ang boyfriend ko?" She said in a joking tone.

Napa-ngiti nalang ako at umiling.

Kinahapunan ay walang klase kaya ang saya namin. Naglaro lang kami hanggang sa mapagod kami. Semestral break na kasi bukas.

Nang sumapit ang alas cinco ay napag-desisyunan naming umuwi na. Sumilip ako sa bintana niyo bago ako umalis, nagbabaka-sakaling hindi ka absent. Laking tuwa ko nang nakita kitang nakikipag-kwentuhan sa tropa mo. Silip ako ng silip kahit na maraming tao sa hallway. Wala akong pakealam, tutal ay wala naman ata akong hiya.

Tinawag ko si Maggie at sinabi sa kanyang bilisan niya na. Umaambon na kasi, baka maabutan kami ng ulan. Pero sa totoo lang ay gusto ko pang manatili.

Isang linggo din kasi tayong hindi magkikita. Kasama ko ang ibang kaklase ko habang hinihintay na matapos si Maggie sa ginagawa niya.

Parang timang akong ngiti ng ngiti sa labas ng classroom niyo kaya tinanong nila ako kung anong nangyari sa'kin. Sinagot ko nalang sila na nakita kitang naka-ngiti. Tinukso nila ako hanggang sa dumating na ang hinihintay namin.

Bago kami umalis ay sumilip ulit ako, good thing you didn't see me.

Have a fun semestral break, crush.

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon