"At hindi na kita nakita pa muli," pagbabasa ng malakas ni Estelle, isa sa mga college friends ko sa huling linyang isinulat ko.
She was reading the book I published about a year ago, entitled "That Guy". Out of boredom lang, sumulat ako ng istorya at pinost sa internet. Hindi ko naman alam na sisikat pala 'yung isinulat ko. My friends and family urged me to publish it kaya ayun, I decided to publish it. 'Yun nga lang, self-publish siya.
Kung tungkol saan 'yung sinulat ko, well... ito lang ang masasabi ko.
Isinulat ko ang istorya namin.
And yes, I'm already a college student.
Mabilis na lumipas ang mga taon, hindi ko namalayang graduate na pala ako ng high school. As of now, nasa ika-apat na taon na ako sa kurso kong Engineering.
It's so sad that I never got the chance to see him again after he graduated. Sabi ng mga kaklase niya—na naging close ko na rin ay nag-migrate daw sila ng family niya sa New York.
After all these years, I still never had a boyfriend.
Why?
Because I loved him so damn much.
And I still fucking do.
"Oy mga bruha, narinig niyo ba?" Singit ni Aimee sa amin ni Estelle.
"Ang alin?" Tanong ko habang bored na bored na tinitignan ang mga kuko ko. Isang linggo na pala 'tong nail polish ko, mapalitan nga mamaya.
"May bago tayong prof!"
Umismid ako. "Another professor na panot. Yey! "
"Hindi siya panot!" Sigaw niya kaya napatingin ang ilang mga kaklase namin. Nahiya naman siguro siya kaya hininaan niya ang boses niya. "Bes, ang sabi nila, ang hot daw ng bagong prof. And guess what, tatlong taon lang ang age gap niya sa atin! Graduate ng New York University kaya kahit fresh grad ay tinanggap siya."
"Whatever. Akala ko ba may Justin ka na? Bakit parang kilig na kilig ka diyan sa bagong prof?" Tanong ni Estelle.
"Bes naman, please 'wag mo akong isumbong kay Justin, ha? Close pa naman kayo." Napabuntong hininga siya. "Hindi naman sa kilig na kilig ako, pero kasi... bes, ang pogi talaga eh." Niyugyog ni Aimee ang kamay ni Estelle habang nagde-day dream.
Naputol nalang ang pagde-day dream niya ng inakbayan siya ni Justin—ang boyfriend niya. "Sinong pogi, babes?" Tanong ni Justin habang pinapaulanan ng mga halik si Aimee. Halata namang gusting-gusto ni Aimee dahil pulang pula na ang mukha niya.
Ew, parang nasusuka ako.
"Kadiri, bes. Walang forever, magbe-break din 'yang JusMee couple." Bulong ni Estelle.
"Sinabi mo pa," sagot ko. "Pero kawawa naman si Aimee kapag naghiwalay sila, baka maging suicidal." Dagdag ko kaya tumawa si Estelle.
"Sabagay, baka sa atin 'yan umiyak ng magdamag."
Natahimik kami sandali. Tinignan ko ang relo ko, may 1 hour pa kaming vacant. Matutulog muna ako.
"Tulog muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila at pinatong ang ulo ko sa desk.
Nagising ako sa hampas ni Aimee.
"Ano ba?!" I hissed.
"Bes, tingin ka sa harap." Sabi niya kaya tumingin naman ako sa harap.
Nagising ang kaluluwa ko nang nakita—or should I say, namukhaan ko ang bagong prof namin.
"Good morning, Miss Chavez. How's your sleep?" Our new prof smirked. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila Estelle at Aimee sa peripheral view ko.
I froze on my spot.
That guy.
That guy is Dominic Ruiz.
My first love.
-END-

BINABASA MO ANG
That Guy
Historia CortaThat Guy... ----- Date Started: November 30, 2016 Date Ended: April 30, 2017 Highest Rank: #514 in Short Story (02-15-17)