September 30, 2016
I still remember the day I first saw you. It was Friday and we had our camping at school.
I'm a freshman while you're a senior. Iisa lang tayo ng building, at parehong nasa second floor. Your classroom was next to ours, also. I was sitting with my friends outside our classroom nang una kitang nakita.
I know it's cliché but I already liked you the first time I saw you.
They call it crush at first sight, I guess.
Kasama mo ang kaibigan mo. May kinuha ka pa nga sa loob ng bag mo na nakalapag sa sahig. I stared at you, and thankfully, you didn't notice. Sayang lang at umalis ka kaagad.
Binigay mo ang bag mo sa kaibigan mo bago ka umalis. I even heard you saying, "Ilagay mo sa classroom ang bag ko. Hindi naman siguro mawawala 'yan." Your voice was deep, and I liked you even more.
Siguro, Taekwondo player ka. Nakita ko kasi 'yung laman ng bag mo at may nakita akong damit at gear para sa Taekwondo. Sana nakita kitang nag-laro.
I was hoping to see you again that day but I didn't have the chance.
Hindi na kita nakita pa.
Two weeks had already passed, pero hindi pa rin kita nakita ulit. Kahit na ang classroom niyo ay malapit lang sa classroom namin. So close yet far.
I almost gave up, and made up a decision. Dahil na-realize kong siguro, siguro hindi naman talaga ako na-crush at first sight sa'yo. Na siguro, it was just an illusion.
But then, as I've said, I almost gave up. Almost.
I had already decided to stop my illusion pero...
Nakita ulit kita.
Parang merong mga kabayong nagkakarera sa puso ko noong nakita ulit kita. I felt the feeling I never felt. It was all new to me.
Noong araw na 'yun, dalawang beses kitang nakita. I was so damn happy that no one could erase the smile on my face.
After that day, nakita ulit kita. Pababa ako ng hagdan noon, samantalang ikaw ay umuupo sa upuan malapit sa hagdan. Mabilis akong nag-lakad dahil baka ano pa ang maramdaman kong kakaiba kapag nagtagal ako.
That same hour, we saw each other again. Kakarating ko lang sa may gate ng school natin when I saw you riding a tricycle with your friends.
Alam kong masamang mag-assume pero...
Nakita ko talaga eh.
You looked at me.
Tinignan mo ako bago umalis ang tricycle na sinasakyan mo kaya sinundan ko ito ng tingin. Hindi ko namalayang napa-ngiti na pala ako.
Lumipas ang ilang araw bago ulit kita nakita. Lumabas ako ng classroom noon dahil lunchbreak at nakita kitang bumili ng palitaw.
Nasa hallway ka at kailangan kong bumaba sa first floor kaya no choice akong i-excuse ang sarili ko sa'yo para makadaan. Nasa gitna ka kasi ng hallway nakatayo. Lumingon ako sa'yo at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin ka rin sa gawi ko.
Alam kong sa'kin ka napatingin dahil tayo lang naman ang tao sa hallway. I turned my back and continued walking. As I walked away, a smile suddenly formed on my lips.
These past few days ay palagi na tayong nagkikita. Maybe you already familiarized my face. I hope.
I told my friends about you. They asked me what your name is, but I just had to smile at them. Because truthfully, I don't even know your name. So they made up a nickname for you. Stickman. Stickman ang tawag namin sa'yo.
Why stickman? It's because one of my friends told me that you have a turon body and noodle arms. In short, you look like a stick, a walking stick to be exact. Mataas ka nga, pero parang stick naman ang katawan mo. But no matter how thick or thin you are, I still like you.
Isang araw ay nag-volunteer kami ng best friend kong kumuha ng pinapakuha ng guro namin sa first floor. Nakita namin si Andrei, one of our close friends.
"Andrei!"
"Oh, kayo pala."
"May sasabihin ako sa'yo." Naka-ngiting saad ko.
"Ano 'yun?"
"May crush ako,"
"Oo nga, may crush siya." Pagsasang-ayon Maggie—ang best friend ko.
"Pero mas matanda sa'tin ng 3 years. Ew,"
Tinignan ko siya ng masama. "Makapagsalita naman 'to! Ikaw nga, 8 years 'yung age gap niyo ng crush mo."
Umirap nalang siya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami kay Andrei at kinuha ang pinapakuha ng guro namin. Umakyat na rin kami pagkatapos.
Naging hobby ko na ang pagsilip sa bintana ng classroom niyo kapag dumadaan ako kaya as usual, sumilip ako. Timing pa talaga na napatingin ka sa labas ng bintana kaya nakita mo akong nakasilip. I froze. Ilang segundo tayong nakatitig sa isa't isa, at ako ang unang bumawi ng tingin. Nakakahiya!
Naka-upo ka kasi sa pinakalikuran kung saan nakaharap ang pinto kaya kung minsan, kapag mapapadaan ako sa inyo ay sinusubukan kong sumilip sa loob kung ano ang ginagawa mo lalong lalo na kapag nakabukas ang pinto. I even saw you eating your lunch.
BINABASA MO ANG
That Guy
Short StoryThat Guy... ----- Date Started: November 30, 2016 Date Ended: April 30, 2017 Highest Rank: #514 in Short Story (02-15-17)