That Guy: I

62 6 10
                                    

Wednesday

Yes, Wednesday na naman. Dismissal time na, pauwi na kami ng kaklase ko nang makita kita. You were holding a violin case so I assumed you play. Tatanungin ko sana si Kuya Franco but I decided not to. I asked you instead kahit na hindi ka naman online. I have this feeling kasi na mag-oonline ka mamaya.

7:41 PM

Hi kuya!

Pwede pong magtanong? Tumutugtog po ba kayo ng instrument?

It was too late when I realized that I was being "feeling close." I ignored the feeling. Kinuha ko nalang ang mga libro ko at nagsimulang mag-aral.

To be honest, it was bugging me. Baka kasi anong isipin mo. I sighed and opened my messenger app.

8:03 PM

Joke, nevermind nalang po pala 😊

I immediately closed the app. Binuksan ko ang music player ko at inopen ang album ng Little Mix. Hindi kasi ako makapag-concentrate kung walang music. I shuffled the songs and focused on studying.

"Shalalala... They can love me like you..." Pagsasabay ko sa kanta nilang Love Me Like You. One of my favorites.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Oras lang dapat 'yung iche-check ko kaso ang dami ko ng messages kaya binuksan ko ng isa-isa ang mga chat heads. Nalimutan ko kasing patayin 'yung Wi-Fi connection.

Buti pa 'yung Wi-Fi, may connection. Eh tayo kaya?

Okay, stop with the hugot thingy.

Una kong binuksan ang group chat naming magkaklase. Next, ang group chat naming magpipinsan, ang group chat naming magbabarkada, and so on. Ie-exit ko na sana ang app nang mahagip ng mga mata ko ang pangalan mo.

Naka-bold ito. Meaning, may reply.

Shit.

9:05 PM

Yeah violin, why?

"Shit na malagkit! First ever reply niyang matino!" I screamed.

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagta-type ng ire-reply sa'yo.

Ah wala po 😊, I replied. Chill lang, para hindi mahalatang curious ako.

Hindi ko naman kasi inexpect na magre-reply ka. Hello, sinabi ko kayang nevermind nalang 'yung tanong ko. I was expecting you to reply something, pero seen lang ang nakuha ko. Then I remembered, wala ka nga palang silbing kausap sa chat, ayon kay Kuya Franco.

Kinabukasan, hiyang hiya akong pumasok sa klase. Pero noong una lang 'yun, eventually ay naglaho 'yung hiya ko at kinuwento sa kanila 'yung nangyari. They were happy for me. Sabi rin nila na supportado nila ako sa mga gagawin ko in the future. Nabatukan ko tuloy sila ng wala sa oras!

As if namang may gagawin pa ako—well, hindi natin 'yan masisigurado.

Isang araw, habang nag-aabang ng tricycle at kumakain ng Cornetto, nakita ka ng kaklase ko.

"Girl, si Kuya Benedict." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Ha? Sinong Kuya Benedict?" Tanong ko.

"'Yung crush mo,"

"Wala akong crush na Benedict ang pangalan."

"Basta. Nakita ko 'yung crush mo."

"Saan?"

"Nakasakay siya sa tricycle tapos nung medyo malayo na siya, nilabas niya 'yung ulo niya at tumingin sa direksyon natin."

Natuyo ang lalamunan ko. "A-ano?! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Nakakahiya naman, sarap na sarap ako nun sa Cornetto."

Tinapik niya ang balikat ko. "Better luck next time."

Lumipas ang mga araw, as usual, palagi kitang nakikita.

Kapag hindi kita nakikita ng isa o dalawang araw, may magandang nangayari afterwards. Expect the unexpected ika nga.

Nalaman ko na kung saan ka nag va-violin lessons. On the way siya papunta sa bahay namin. Paano ko nalaman? Ganito kasi 'yun.

Habang pauwi, dumaan kami sa SR street (kasi nga on the way 'yung music school mo papunta sa bahay namin), unexpectedly, nakita ka ng kaklase ko kaya ayun, nalaman namin.

'Yung palagi kong kasama pauwi, nagkagusto sa best friend mo. Hindi ko alam kung best friend mo talaga siya, palagi kasi kayong magkasama kaya I assumed that he's your best friend. Oo na, ako na ang assumera.

One day (oo alam ko, ang bilis ng fast forward ko), sumabay pauwi sa amin 'yung isa naming kaklase. Nalimutan kong dalhin 'yung cellphone ko nung time na 'yun. Dalawang araw tayong hindi nagkita dahil busy tayo pareho sa schoolworks. Lalong-lalo na siguro ikaw, graduating ka na eh.

Unexpectedly, nagkasabay 'yung tricycle na sinasakyan natin kaya mabilis na kinuha ng kaklase ko 'yung cellphone niya at kinuhanan tayo ng picture.

"Thank you! Send mo nalang kasi sa Messenger, ha?" Sabi ko.

"Sige,"

Nang nakarating na ako sa bahay ay nagbihis agad ako at inopen ang Messenger app.

Clinick ko ang pangalan ng kaklase ko.

Joy sent a photo.

Joy sent a photo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon