That Guy: M

40 6 7
                                    

Start na ng sembreak natin and honestly, I don't know what to do.
Ma-open nga saglit ang twitter account ko, hoping that I could find your twitter account. Eventually ay sumuko nalang ako. Hindi ko kasi mahanap. Sayang!

Mabuti nalang at online si Kuya Franco kaya tinanong ko siya kung meron ka bang Twitter. Ang sabi niya ay wala. Sayang talaga, gusto ko pa naman sanang i-stalk ka.

Since you don't have a Twitter account, I asked for your Facebook account instead. Mabuti nalang at meron ka nun, kung hindi ay maloloka ata ako. I immediately searched your name, nakita ko naman agad 'yun. Hindi ako nagdalawang-isip na i-add ka.

Matapos kong mag send ng friend request ay tinanong ko ulit si Kuya Franco kung meron kang Instagram. Hopefully ay meron ka nga, pero too bad, wala kang post ni isa.

To kill time, I just surfed the net and did nothing. Umiral kasi ang pagiging tamad ko.

Habang nagscro-scroll sa news feeds ko, nagulat nalang ako nang biglang may nag-notify sa'kin. Inaccept na daw ang friend request na sinend ko. Siyempre, I was curious kung sino 'yung umaccept ng FR ko (kasi ang dami kong binigyan ng request) kaya inopen ko ang notifications. Laking gulat ko nalang na makita ang pangalan mo.

You accepted my friend request.

You accepted my friend req-YES.

Oo, ikaw nga. Inaccept mo ang FR ko.
Hindi mo ba alam na ang saya saya ko?

I know, ang babaw ng dahilan para maging masaya ako pero who cares? Hindi naman sila 'yung nagsend ng FR na inaccept ng crush nila, hindi ba?

Nothing special happened during our sembreak. Nag-aral lang ako kasi pagbalik natin sa school ay exams na kaya kailangan talagang magsunog ng kilay.

I also stalked you-dahil wala naman akong magawa. Nalaman kong Taekwondo player ka nga. Senior scout ka pa, tapos member ka rin ng Red Cross. You're also a journalist, nalaman ko ring 15 years old ka pa lang and your birthday is on November 5. Bale, 2 years, 6 months and 1 day lang ang age gap natin.

I was so damn happy. At least, hindi 3 years diba?

Also, during our sembreak, gumala kami ng mga bestfriends ko. Habang naglalakad kami ay nakita namin ang poging kaklase ng pinsan ko.

"Diba si Sandro 'yun?"

"Asan? 'Yung maputi na pogi?" Tanong ko.

"Ah, oo. Best friends ata sila ng pinsan mo."

"Balita ko, MU sila ni Ate Marinelle ."

"What? Seryoso ka ba?" Tanong ko.

Magka-batch kasi kayo ni Ate Marinelle tapos ahead lang ng isang taon sa amin si Sandro.

"Oo, nagulat nga din ako eh."

"Mas nagulat naman ako. Kasi diba, mas matanda ng ilang taon si Ate Marinelle kay Sandro?" Sabi ko. Hindi kasi magandang tignan na mas matanda pa 'yung babae sa lalake pero who cares. Buhay naman nila 'yan.

"Kayo nga ni Kuya you know, tatlong taon eh," pang-iinis nila.

"Eh hindi naman kami MU ni Kuya you know. Tsaka, wala akong balak." Umirap ako.

Eh totoo naman, wala akong balak maging ka-MU ka. Nakakahiya kaya. Senior ka tapos ako, Freshman. (Alam kong ilang beses ko nang binanggit 'yun. Hehehe. I just want to clarify things, be realistic, ganon.)

Finally, tapos na ang sembreak.
Wednesday, balik klase na. I was looking forward to see you at hindi naman ako nabigo.

Paakyat kami ng hagdan sa building natin, habang ikaw naman ay pababa. Our paths crossed. And I was smiling like crazy.

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon