Andrew's POV
Masaya kong tinititigan ang Construction Manager namin, ang ganda ganda niya talaga shit lang! At ayoko ng may ibang titingin sakanya ng ganito, gusto ko ako lang..
"Yung sa may column footing ba nito blah blah blah...." -kausap niya ngayon ang isang trabahador.. Hayss! Ngayon lang ako nakakita ng isang Anghel na nasa site, walang arteng pinagpapawisan, nabibilad at nangangamoy araw..
"Andrew.. Tunaw na siya.." -mapang asar na sabi nitong si Reyes habang ginaya akong nakapangalumbaba.. Tinignan ko siya ng masama
"Easy.. Parehas na parehas talaga kayo ni Andy eh.. Kung makatingin kayo.. Pfft!" -pigil na tawa pa nito
"By the way.. Andito ako para sabihin na kailangan niyong pumunta ni Andy sa Batangas, silipin niyo yung lot na gustong bilhin ng company natin.. At dahil patay na patay ka na rin naman kay Andy, ikaw na ang sumama sakanya pero makakasama niyo rin si Cruz.." -magandang ideya yun pero ang makasama si Cruz mukhang hindi
"Bakit kailangan kasama pa si Cruz?" - inis na tanong ko
"Pffft! Selos? Malamang Andrew! Geodetic engineer si Cruz kaya kelangan kasama siya.. Actually pwede ngang silang dalawa na lang ni Andy eh at wag ka ng sumama.." -sabay tawa pa nito
"Aish! Fucking no way!" -bulyaw ko dito... Tss! Hindi pwedeng silang dalawa lang.. to think na gusto ng Jarren na yun si Andy, hindi pwedeng silang dalawa lang
"Hahahahahaha.." -at mas lalo pang lumakas ang tawa nito dahilan ng pagtingin samin ng lahat.. Kyngyna talaga nito ni Reyes eh!
"Nababaliw ka na naman Engr. Reyes!" -tumatawang lumapit samin si Andy.. Pfft!
"Ako ba yung nababaliw? Akala ko, itong katabi ko yung nababaliw sayo.." -sabay turo pa ni Reyes sakin! Kyngyna talaga eh!
"Alam naman na ni Andy na baliw na ako sakanya.." -paggatong ko pa sa biro ni Reyes, pansin ko namang biglang namula si Andy... Pftt! Cute..
"Hay nako! Maglandian kayo dyan!" -sabay tayo ni Reyes sa kinauupusan niya.. "Andrew, yung tungkol sa batangas sabihin mo na lang kay Architect natin ha.." -sabay alis nito habang tumatawa, muntanga talaga eh! Engineer ba talaga yung lalaking yun? -_-
"Anong tungkol sa batangas?" -naguguluhang tanong nito
"Silipin daw natin yung bibilhing lot ng company natin sa bantangas.. Kasama si Engr. Cruz.." -nakasimangot kong sabi dito
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko siya, Ako lang may alam
RomantikMagigising din ako sa katotohanang hindi pwedeng maging tayo.