Andy's POV
"Waaaaaahh! Andy, movie marathon tayo!" - sumalampak nalang basta basta sa kama ko 'tong si Sam!
Aish!
Bakit ba kasi nila naisipan mag over night dito sa unit ko
Flashback
"Andy" - ngiting ngiting ipinakita sakin ni Sam ang dala niyang bag na punong puno
Mukhang alam ko na kung anong laman nun
"Alam ko yang ngiti mo Sam, at ayoko ang sagot ko" - inayos ko na ang mga drawing materials ko at inilagay ko sa bag
"Hindi naman kita tinatanong Andy kung pwede, kasi kung hindi man ang sagot mo, matutulog at matutulog pa rin kami nila Dayne at Jane sa unit mo" - ang lawak pa ng ngiti nitong babaeng 'to
"Syempre hindi naman namin hahayaang mag isa ng kaibigan namin 'no!" - ngingisi ngisi pang sabi ni Jane sakin
"Wag kang mag alala Andy, ako na ang bahala sa mga multo sa unit mo!" - seryosong sabi ni Dayne
Aish!
Sa tuwing binabanggit nila ang multo kinikilabutan talaga ako
If I know tinatakot lang nila ako para payagan ko silang matulog sa unit ko
"Alam mo ba Ands..." - seryoso yung mukha ni Dayne
"May nakita talaga akong imahe ng babae sa unit mo eh, mahaba ang buhok, duguan ang napaka puti niyang mukha at nakasuot ng bestidang puti" - seryoso pang turan nito
Binato ko si Dayne ng lapis na hawak ko dahil sa sinabi niya
Kinikilabutan talaga ako syet!
"Aish! Oo na! Oo na! Wag kana gumawa ng kwento! Pwede na kayong matulog sa unit ko!"
EndofFlashback
At ngayon ito po ang tatlo kong kaibigan nandito sa unit ko
At mukhang enjoy na enjoy nila ang panggugulo sakin
"Look what I have" - winagayway pa ni Jane sa harap ko ang mga DVD na puro horror movies. Ayoko talaga ng movies na multo tumatayo balahibo ko
"Wag yan Jane! Madami akong suspense, thriller and action movies even romantic movies meron din diyan wag lang horror please!"
Pag kasabi ko nun yung mga ngiti talaga nila sakin
Waaaaaaaaaaaahhh
Wah to do?
Ayoko manuod ng movies na may kinalaman sa multo
Please lang
"Kung ayaw mo ng horror movies, eh di pagkwentuhan na lang natin ang love life mo!" - kinikilig na sabi ni Sam
"Wala ako nun" - maikling sagot ko
"Kunwari ka pa Ands, nakita namin kayo ni Andrew sa cafeteria noong isang araw. Kaya pala pinauna mo kami ha?" - tinutusok tusok pa ni Dayne ang tagiliran ko habang nang aasar
Tss! Kung alam mo lang Dayne
Kung alam mo lang ang sinabi niya sakin nun
"Anong pinagkwentuhan niyo?" - excited na tanong nila Sam at Jane
"Wala" - malungkot na sagot ko
"Hey Ands! Are you crying?" - Sam
Hinawakan ko naman yung pisngi ko
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko siya, Ako lang may alam
RomanceMagigising din ako sa katotohanang hindi pwedeng maging tayo.