Andy's POVPagka-park na pagka-park ni Andrew ng sasakyan niya, agad kong kinuha ang gamit ko at bumaba ng kotse, tiningnan ko ang hotel na tutuluyan namin, in fairness maayos ang exterior design niya, presentable.. pero hindi ko pa rin bet ang all over design niya.. Maganda naman siya kaso...
"Nakabusangot ka na naman angels goal?" -natatawang sabi nito
"Eh pano kasi yung isa diyan imbes na dala ko yung kotse ko nagpumilit na sumabay na lang daw sa kanya.." -malditang sabi ko kahit hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit ako nakabusangot, tiningnan ko ang relo ko wala pa rin si Jarren nauna kami ni Andrew dumating, na traffic kaya yun? dumako naman yung tingin ko sa entrance ng parking lot nitong hotel
"Aish! Hinihintay mo ba yung Jarren na yun?" -inis na tanong ni Andrew
"Pfft!" -selos na selos talaga tong isang to kay Jarren eh, as if naman na papakawalan ko pa siya gayong mahal na mahal ko siya
"Sige tawa ka pa angels goal.." -iritang sabi nito
"Pfftt! Hahahahahahaha!" -hindi ko na talaga kayang pang pigilan yung tawa ko, ang cute cute niya talaga lalo na pag nagseselos
"Aish! Bahala ka nga diyan.." -at ayun nag flylaloo ang lolo mo papasok ng hotel, hahahahaha! Ang cute-cute talaga ni Andrew eh,
--*
"I'm Andrew Tristan, nagpa-book ako ng dalawang rooms na magkatapat.." -sabi ni Andrew kay ateng receptionist at ito namang si ateng girl kinikilig. Kainis!
"Wait? Bakit dalawa lang? Tatlo tayo ah!" -naguguluhang tanong ko pero hindi niya ako pinansin.. Tss! Makipaglandian ka sa harap ko sige!
"Ah Sir, yung rooms po ba, isang pang one person at isang pang two person?" -pabebeng tanong ni ateng receptionist, takte talaga eh! Sarap sabunutan ni ate eh
"Yes" -maikling sagot ni Andrew
"Here's your key ma'am and sir.." -tapos tig isa kaming binigyan ng susi ng pabebeng receptionist na to
"Tatlo tayo Andrew pero bakit dalawa lang to?" -naiinis kong tanong
"Kasi angel's goal tayong dalawa sa two person at si Jarren sa one person room.." -nakangising sabi niya sakin, sabay kindat pa! Kaloka!
"Amm Sir, marami pa naman po kaming mga rooms eh, gusto niyo po bang kumuha pa ng isa?" -singit ni ateng receptionist sa usupan namin
"Thanks na lang miss pero gusto kong makatabi sa pagtulog ang girlfriend ko.." -sabay akbay sakin ni Andrew at ngumisi pa sakin, tumingin ako kay ateng receptionist, at yung mukha niya nakabusangot! Pfft! Akala mo ba single pa tong kasama ko? May balak pa yatang landiin ang Angel ko
![](https://img.wattpad.com/cover/59187492-288-k113582.jpg)
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko siya, Ako lang may alam
RomanceMagigising din ako sa katotohanang hindi pwedeng maging tayo.