Andrew's POV
"Hi Angel's goal, kamusta love? Kumain ka na ba?" -masayang bati ko kay Andy. I tried to calm myself kasi kasama ko si Ley at di niya pwedeng makilala si Andy ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya.
"Love?" -tawag ko ulit dito, nag aalala ako sakanya sa tuwing pumupunta ako dito sa laguna para puntahan si Ley. Sobrang nakokonsensya ako sa araw araw na niloloko ko si Andy. Mahal na mahal ko siya ngunit bakit ganito pa ang nangyari?
"Ah-ano.. nasaan ka?" -matagal siyang tumahimik bago magsalita. Nakakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari ngayong araw.
"Nasa Tanay ako angel's goal diba? Kameeting ang client ng pinsan ko." -I lied again to her. I dont know how many times I lied to her just not to make her cry. I love her so much that I dont know anymore what to do. Hindi pa nakakapagsalita sa kabilang linya si Andy nang biglang magsalita si Ley.
"Babe, matagal pa ba yan?"
"Shit!" -I murmured. Sana hindi niya narinig ang boses ni Ley. Damn! I don't know what to do kapag nalaman niya ang lahat ng ito. Ayaw ko na siyang masaktan ulit nang dahil sakin.
"Angel's goal, I have to go. Hindi pa kasi tapos ang meeting namin eh! Wag mo papabayaan sarili mo diyan ha? I miss you and I love you." -after I said that, I ended the call and enter the car and started it Hindi ko gusto ang nangyayari. Nakakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari.
"How many times do I still need to say to you that don't bother me when I'm in a call." -I almost shout to her. Hindi ako mapakali parang anytime may mangyayaring masama. I can't explain this damn feeling.
"I'm sorry.. hindi ko naman intensyon na guluhin ka habang may kausap ka. Nagugutom lang kami ni baby. I'm sorry kung ganito ako." -umiiyak na sabi ni Ley. Shit! Oh great! Now she's crying.
"Hey! Hey! Stop, okay? I'm sorry." -pag aalo ko dito. Hindi siya pwedeng ma-stress.
FLASHBACK
Ang saya-saya ng pag stay namin ni Andy sa batangas. Kahit na trabaho ang pinunta namin doon ay nag enjoy kaming dalawa. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay lahat sila nakaupo sa sala at may mga tingin sakin na hindi mawari. Hindi ko malaman kung malungkot bat sila or kinakabahan halu-halong expression ang nasa mga mukha nila.
"What's the problem?" -nagtatakhang tanong ko sa family ko.
"Andrew.." -tawag sakin ni Athena na parang maluluha.
"What? what's the problem? Mom? Dad?" -tinignan ko silang may pagtataka, makikita sa mukha nilang dalawa ang disappointment, lungkot at galit. Hindi ko maintindihan bakit sila ganito?
"Hi babe!" -napalingon kaagad ako sa babaeng nagsalita
"Ley?" -gulat kong tawag dito
"It's been a while Andrew." -ngiti nito sakin
-
Pumasok kaming dalawa ni Ley sa mini office ko dito sa bahay. She needs to talk to me daw.
"What do you want? coffee? gusto mo ihingi kita kay mommy ng kape?" -pagaalok ko dito
"No, you don't need to do that, she already give me a glass of milk." -mahinhin na sabi nito.
"Gatas? kailan ka pa nahilig sa gatas." -natatawang sabi ko rito. I know her a lot. Hindi siya mahilig sa gatas at ang favorite niyang inumin everyday ay coffee.
"After I knew that I'm pregnant." -bigla akong napatigil sa pagaayos ng mga papel sa drawer ko. I couldn't not think clearly. She's pregnant? with whom? why do I feel that something will happen today.
![](https://img.wattpad.com/cover/59187492-288-k113582.jpg)
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko siya, Ako lang may alam
RomansaMagigising din ako sa katotohanang hindi pwedeng maging tayo.