Andy's POV
Pagkatapos naming tignan ang lot na bibilhin ng company namin agad nagyaya si Jarren pumunta sa sea side, sa beach kasi nakalocate yung lot..
Proposed High End Resort ang nakalaan para sa loteng iyon.. Napakaganda ng beach, at kung papatayuan pa ito ng resort mas lalo itong gaganda at dadayuhin..
"Nasaan nga pala si Andrew?" -pagtatanong ni Jarren ng mapansin niyang wala ito sa tabi ko
"May kinuha lang sa hotel babalik din yun.." -sagot ko dito, muli kong tinignan ang dagat, napakaganda at napaka-peaceful. Nakakawala ng stress sa totoo lang
"Totoo bang kayo na?" -nagulat ako sa biglaang tanong niya, si Jarren Cruz ay tahimik na tao, usually wala siyang pakialam sa nangyayari sa mundo niya maliban kung may kinalaman ito sa trabaho niya kaya nagtataka ako kung bakit siya nagtanong ng ganun sakin.. Tinitigan ko lang siya habang nakatitig siya sa dagat, hampas ng alon lang ang tanging maririnig dahil pareho kaming tahimik, agad din itong tumingin sakin at tinitigan ako sa mga mata, ang lalim ng tingin ni Jarren feeling ko anytime malulunod ako sa mga tingin niya.. Ngumiti ito sakin at "Nalimutan mo na ba na nililigawan kita, Andy?" yumuko ito at muling nagsalita "Kaya sana sabihin mo naman sakin kung may pag asa pa ako o wala na.." -pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya na akong mag isang nakatulala sa kawalan at hanggang ngayon hindi pa rin nag si-sink in sakin ang mga sinabi niya.. Nanliligaw ba talaga siya sakin? Seryoso ba talaga siya noon nang pumunta silang dalawa ni Andrew sa unit ko? Kasi kung seryoso siya doon, hindi ko siya kayang bigyan ng chance dahil napakalinaw sa puso't isipan ko kung sino ba talaga ang taong gusto at mahal ko, at hindi siya iyon..
**
Mabilis natapos ang tatlong araw na pag stay namin sa batangas at ngayon back to work kami sa site.. One week na simula noong huling mag kausap kami ni Jarren which is yung nasa batangas pa kami, and this is so much awkward, we use to greet each other before pero ngayon magkasalubong lang kami ay agad kaming nag iiwasan, hindi kami makatingin sa isat-isa. Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas sakanya, dahil ba hindi ko siya mabigyan ng chance? Pero hindi! Dapat siya lang ang umiiwas sakin at hindi ako, siya lang ang dapat umiwas sakin dahil alam kong nasasaktan ko siya.. Ugh! Nakakabaliw mag isip ng kung anu-ano sa totoo lang.. Dumadagdag pa ang pagsakit ng ulo ko lately..
Angel's goal may pupuntahan lang ako. iloveyou
Tanging message na na receive ko galing kay Andrew, isa pa 'to! Bukod kay Jarren na hindi ko makausap pagbalik namin galing batangas ay ganoon din si Andrew, madalas siyang umaalis ng maaga sa site ng hindi nagpapalalam sakin sa personal, laging text suswertehin na lang kung makikita ko siya bago siya makaalis.. Anong pinagkakaabalahan niya ng hindi ko alam? May tinatago ba sakin si Andrew? Masyado ng sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pinag iisip ko, kung gaano kasakit sa ulo ang magplano ng floor plan ganun din kasakit sa ulo ang mga bagay na iniisip ko ngayon. Nabubuang na talaga ako seriously..
At dahil nga sumasakit na talaga ang ulo ko, I decide to go home early, hindi ko gawain ang iwan ang site ng ganito kaaga, 2pm pa lang, 9pm ang uwi ko palagi dahil ayokong may maling kilos sa site, I mean kailangan lahat ng galaw sa construction ay tama, bukod sa tumatakbo ang oras at hinahabol ang schedule, sayang ang materyales oras na may maling nagawang kilos ang mga tauhan.. Kaya kailangan talagang nakabantay ang Construction manager..
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko siya, Ako lang may alam
RomanceMagigising din ako sa katotohanang hindi pwedeng maging tayo.