Andy's POV
"Ano Ands, gusto mo ba kunin number ni Andrew?" - pagtatanong ni Dayne na may kasama pang kilig sa boses niya
Sa tuwing maaalala ko talaga na hiningi ni Andrew ung number ni Dayne hindi ko mapigilang mag isip isip ng kung ano ano
Tulad ng
Anong pinag uusapan nila sa text?
O kaya nagtatawagan ba sila?
Sobrang close naba nila masyado ngayon?
Mga ganung bagay! Aish!
"Hindi na. Ayoko, Ah. Sige! Cr lang ako" -pagpapaalam ko sa kanila
Hindi ko na hinintay ma sumagot sila Dayne at Sam, dumiretso na ako sa Cr
"Ang pangit mo talaga" - tinignan ko yung mukha ko salamin
"Sino nga ba magkakagusto sayo? Tsk! Tanga lang yung tao na yun" - para na akong tanga dito sa cr dahil kinakausap ko ang sarili ko
"Haaaays"
Inaamin ko, naiingit ako kay Dayne. Hiningi ni Andrew yung number niya. At anong laban ko? Ang ganda ganda kaya ni Dayne samantalang ako? Ugh! Nevermind!
Lumabas na ako ng cr, syempre hindi naka chin-up
In short nakayuko akong naglalakad sa hallway ngayon
*bugsh*
"Ay! Sorry p... Andrew?"
"Para ka namang nakakita ng multo Andy, hahahaha! teka? Bakit kaba nakayuko habang naglalakad?"
Omg! Andrew Tristan? Nabangga ko? Stupid Andy Trel! Stupid! Pati yung heart ko nagiging stupid na. Bumibilis na naman yung tibok nito!
"Wa-wala. Sige! Una na ako"
Tumalikod na ako sakanya para maglakad paalis ng
May naramdaman akong humawak sa kamay ko
Lubdub.Lubdub.Lubdub.Lubdub
Something weird on my chest? Bakit ba ang bilis talaga ng tibok ng puso kong 'to?
Waaaaaaaahhh!
"Pwede ba kita mayaya mag lunch?"
Humarap ako sakanya at takhang takha kong siyang tinignan.
Seryoso 'to?
Tapos naramdaman ko na lang biglang uminit ang pisngi ko
Okay?
What the hell was that?
--
Nandito kami ngayon ni Andrew sa cafeteria
"So bakit hindi mo kasama sila Sam at Dayne?" - pagtatanong niya
I knew it
Hahanapin niya sakin si Dayne
Naalala ko na naman yung kahapon
Hiningi niya yung phone number ni Dayne
"Ah, sabi ko kasi sakanila mauna na sila sa room"
"Ganun ba?" -aniya
"Alam mo ba....." -napailing siya at ngumiti bago niya ituloy ang sinasabi niya
"Ang teen ager man pakinggan pero...." - he stop for a while and then he chuckled
"Crush ko siya..... Si Dayne..."
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko siya, Ako lang may alam
Storie d'amoreMagigising din ako sa katotohanang hindi pwedeng maging tayo.