Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isip ko yung nangyari noong isang gabi
Tinitigan ko yung picture na binigay sakin ni Andrew,
May copy din siya ng picture na 'to
Nilagay pa nga niya sa wallet niya eh
Waaaaaahhh!
Ang gwapo talaga ni Andrew
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Waaaaaaaaaahhhh
Kinikilig talaga ako
Bakit ba ganito?
Love na ba 'to?
Ito na ba yung tinatawag na love?
Sinampal sampal ko yung sarili ko
Hindi pwede
Hindi pwede maging love 'to dahil panigurado, ako yung kawawa
Hindi naman niya ako magugustuhan eh
Tinignan ko ulit yung mukha ko sa salamin
"Wala kang pag asa Andy! Wala!" - bulong ko sa sarili ko
Hayyyyysss!
Hopeless
Dumiretso na ako ng banyo
3hours before my class
At oo!
Maaga talaga ako naliligo
Mabagal kasi ako kumilos eh
Paglabas ko ng building ng unit ko
May 2 hours pa
10 mins lang naman ang byahe papuntang university galing dito
Kaya lang naman ako laging nagtataxi dahil walang jeep at tricycle na nadaan dito papuntang university! Malay ko ba sa lugar na 'to! Ang weird.
At dalawa lang naman pwedeng kong gawin, it's either maglalakad ako or magtataxi. Minsan naman naglalakad lang ako. Pero may time talaga na ayoko mausukan kasi may asthma ako o kaya pag sobrang pagod ako
At dahil wala na namang Taxi akong makita
Naalala ko na naman tuloy yung nakita ako dito ni Andrew at sinabay ako sa kotse niya