Chapter 2

138 9 16
                                    

Sophia’s POV

“Sophia, halika ka na dito at kakain na tayo.”

Narinig kong sumigaw si Mama. “Opo, Ma.”

Iniwan ko munang nakapause ang aking pinapanood. Pati na rin ang aking cellphone ay iniwan kong nakacharge. Sa ngayon, okay lang naman ako. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ang mga nangyari sa barkada ko. Parang kalian lang ay masasayang kaming magkaibigan. Palaging magkasama at laging nandyan para sa isa’t isa.

 Pero ngayon….

____________________________________________________________________________

“Good morning Mai!” Bati naming lima.

“Happy Birthday!” tumayo kami at binigyan siya  ng mahigpit na yakap.

“Salamat!” ang laki ng ngiti niya. Halos abot tenga. “Punta kayo sa party mamaya ah!”

“Oo naman!” sabi ni Chizu.

“Basta nandun kuya mo ah.” Pangungulit ni Mayumi.

“Don’t flirt with my brother, bitch!” patawang naming sagot ni Mai.

“Sorry. Pero alam mo naman din diba, Mai? Hindi ako makakapunta mamaya.” Biglang sabi ni Mei.

“Ganyan ka naman eh. Kahit kalian.”

Natawa nalang kami sa kanila. Lagi kase silang ganyan. Nagkukulitan pero sila ang pinakamalapit. Totoong magbestfriend talaga.

Ilang sandail pa lang ay dumating na Si Mr. Cubacub. Math teacher namin at adviser. Hatest man namin ang subject niya, nakakatuwa naman siya magturo. Yung teacher na hindi terror kung baga. Kahit kalian, di pa namin siya narinig sumigaw.

Simula pa sa una ay napakafriendly  na niya. Lagi kaming kinakamusta at lagi siyang nandyan kapag may problema kami. Parang tatay.

“Tahimik.” Sabi ni Mr. Cubacub.

Napakaseryoso niya. Sa sandaling yun, natakot ako. Kung galit man siya, ngayon pa naming siya makikitang galit. Wala pang nakakaalam kung pano siya magalit. Hindi naming alam ang kayang niyang gawin.

“Tahimik.” Muli niyang sabi.

Pati ang mga pasaway naming kaklase ay natahimik din.

Napakatahimik ng buong klase. Ni isa ay walang kayang umimik.

“Alam niyo ba kung bakit ako ganito?” tanong niya sa amin.

Walang nagsalita.

“Sumagot kayo!”

Alam kong walang nakakaalam. Wala naman kaming ginawang makakasira sa pangalan niya bilang adviser. Hindi naming kayang gawin ‘yon.

Lumingon ako kanila Mai. Pagkalito din ang puminta sa kanilang mukha.

Tahimik pa rin ang buong klase.

“Wala? Kayo dyan Renz?--- Kristoff?”

Lahat ng mata ay napunta sa kanilang dalawa. Malamang may nagawa nanaman sila.

 Sila ang bad boys ng school. Mga pasaway at mahilig mangpikon ng guro. Lagi silang magkasama sa mga kalokohan. Kung may nangyayaring hindi maganda, sila kaagad ang tinuturo. Hindi rin naman nila tinatanggi ang mga husga sa kanila.

Pinalabas sila ni Mr. Cubacub at doon nag-usap.

“Nakakatakot pala si sir.” Sabi ni Mei.

“Oo nga.” Pagsang-ayon ng iba naming kaklase.

“Kahit kalian talaga to sila Renz. Ano nanaman kaya ginawa nila?” tanong ko.

“Pabayaan niyo na. Basta ako, magpapa-parlor pa mamaya.” Sabi ni Mai.

“Absent ka?”

Absent nga si Mai sa hapon na yon. Ayos nalang din sa amin. Mabuti nang makapaghanda kami kung paano naming mapapaiyak sa sobrang saya si Mai sa party niya.

Nasa loob lamang kami ng classroom noon. Wala nanamang pumasok na guro kaya nagk-kwentuhan nalang.

“Mei! Sophia! ----- Chi” hingal na hingal si Amie. “Chizu…May..umi. Ne-Nessi..”

“Kalma ka lang Amie.”

“Si…Si..Mai..”

“Bakit?”

Bago pa lamang nakasagot si Amie ay may narinig kaming sigaw. Ang mga studyante sa ibang classroom ay nagsilabasan. Pagtatakbo at sigawan ang naghari sa loob ng hall. Papunta silang lahat sa CR.

Pilit kinakalma ng mga guro ang mga mag-aaral. “Umalis kayo dito. Bumalik na kayo sa klase niyo!”

Pagdating namin ay hinarang din kami.

“Sir! --- Sir!” tawag ni Chizu kay Mr. Cubacub na nasa loob din ng CR. “Parang awa niyo na po.. paraanin niyo kami.”

Tumutulo na ang luha namin. “Sige nap o sir..ma’am..”

Ilang segundo lamang ay nilapitan kami ni sir Cubacub. “Baka…Baka hindi niyo kayanin.”

Nagpumilit pa rin kami. Pinaraan naman din kami ni sir.

Doon namin nakita ang katawan ni Mai. Basang basa ang uniporme niya. Ang mukha niya ay napakaputla.

“Nakita naming nakababad ang ulo niya sa drum.” Sabi ni Mr. Lasdoce. Ang principal namin.

“Besides from that.. wala siyang natamong sugat.” Dagdag pa niya.

Tulo ng tulo luha ko. Nakita ko ring umiiyak sina Chizu.

Paano na?

Ang regalo namin sa kanya?

Ang party?

Paano na?

Hindi namin alam na ang party na yun ay magiging funeral pala niya.

_______________________________________________________________________

“Sophia..halika na. Malapit na ako matapos magluto ng hapunan.” sigaw ulit ni mama.

“A-ayan na p-po.”

Di ko napigilang maluha ulit. Parang kalian lang, nakikita ko pa ang masayahing mukha ni Mai. Pati nila Mei at Mayumi na sumunod din. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

 Ang alam ko lang, gusto kong mabalik ang lahat. Sa mga araw na masaya kami. At hindi ako tinatago ng pamilya ko sa bahay. Na walang nakabantay na police sa bahay namin.

Lahat.

Gusto ko mabalik lahat sa dati.

“Sophia…”

Napalingon ako. “S-sino ka?”

Isang nakamaskarang lalake ang nakaharap ko. May hawak siyang lubid. At.. At..

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Lumapit sakin ang misteryong lalake.

Bigla niyang hinila buhok at sinimulang gupitin. Pagkatapos ay nilagay ito sa isang garapon. Bago ko pa malaman ang kanyang intension ay hinatak niya uli ang natitira ko pang buhok at tinakpan ng duct tape ang bibig ko kasabay sa pagpasok ng sariling kong buhok na kanina ay nilagay niya sa isang garapon.

Pinagsisihan kong hindi sumigaw kanina. Ma…Pa…

Dinala niya ako sa aking CR. Doon ay itinali niya ako sa isang upuan. Ilang segundo pa ay sinimulan niyang gupitin ang suot kong pang-ibabaw. Hindi pa rin siya nagpatawad at ginupit rin ang suot kong shorts.

Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak.

“Anak, malapit nang matapos si Mama.” Narinig ko uli ang sigaw ng aking ina.

Ma! Nandito ako!

Gusto kong sumigaw…

Tinakpan ng lalake ang aking mata. Hindi ako makakilos. Hindi ako makasigaw..

*drop drop drop*

Stranger in Disguise (onhold)Where stories live. Discover now