Chapter 7

112 6 4
                                    

Victorique’s POV

            “Opo. – Pero napadaan lang din po ako dun. Hindi ko po alam kung may tao pa ba bago ako makarating.”

            “I see. Thank you.” Sagot ko. Lumingon ako kay Kujo at sinabing, “Kujo, samahan mo na siya pabalik.” Masaya naman siyang sumunod at inasistahan na pabalik si Amie. Ang babaeng nandoon sa mga panahon pagkatapos ng krimen. Before one person, I guess.

            “Mr. Edric Cubacub.” There’s nothing more interesting than this. If siya nga ang may gawa, then why now? Matagal na siya dito. Bakit ngayon pa? Was she interested with the girls? How about other girls? But what confused me the most is…

            I thought the culprit wouldn’t be this stupid. She killed Mai in broad daylight. At noon break, and most of all, bakit niya hahayaan ang sarili niyang makita? But I guess you could do that if you are stupid. He could be acting his way out of prison. If that’s the case, then this isn’t cut out for my services.

            Dumating na si Kujo at tila nagagambala. Umupo siya malapit sakin. “Siya ba talaga?”

            “We could ask. But we should have other evidence as well. Para tayong tanga kung yun lamang ang ebidensya natin.” Sagot ko.

            I’m not going to corner Mr. Cubacub. Not yet. Hindi pa ito ang tamang oras.

            “To think he killed his own students.” Wika ni Kujo. “That’s… cruel.”

            Cruel. Yes. Cruel.

            “Kailangan natin protektahan si Amie. Baka siya na ang isusunod.” Dagdag pa niya.

            “No. That would be a weak move. Kill the witness? That would be weak and stupid.” Sagot ko. “Unless he’s not the one. Then killing Amie…”

            Napahinto ako. Kung hindi nga si Mr. Cubacub ang suspect, then life of Amie is in danger. And I’m not going to risk her life for this case. But I guess I’m not the one to decide.

            “Detective..” biglang pumasok si Mr. Lasdoce. Ang principal ng Yutsuka. A short man for his age. He was wearing his usual uniform. “What’s the news?”

            “Mr. Edric Cubacub…” sagot ko. “Any complaints to him before? – He’s been here working for 9 years? Right?”

            Tumango siya. “Yun na nga ang gumagambala sa aking isip. Kahit kailan wala pang reklamo ukol sakanya. And now… to think na siya ang suspect sa mga nangyayari.”

            “I’m not saying anything, Mr. Lasdoce.  Honestly, hindi ko pinaghihinalaan si Mr. Cubacub. Hindi siya basta basta nalang magpapakita. The culprit is intelligent. Don’t you think so, sir?”

            “I’m putting him on probation.” Sagot niya habang palabas. “That’s it.”

            “How about Amie?”

            “Marami pang dapat pag-usapan tungkol diyan. But if her parents insists so, then there’s nothing I can do.”

            And then he’s gone.

Kristoff’s POV

            Pumasok nanaman akong gutom. Hindi lang dahil sa matagal akong gumising. Dahil din sa tita kong hindi nagpapapigil sa pagsigaw. Mas mabuti nang pumasok ng ganito kesa marinig ko ang mga sermon niya. Paulit-ulit nalang. Nakakabingi. Nakakabobo.

            Hindi ko namalayan na nakaabot na pala ako sa may classroom. Siguro nadala ako sa aking pag-iisip. Dala na rin siguro ng pagkainis kaya dumiretso na ako sa pag-upo. Hindi ko pinansin ang mga tao. Pati si Renz na alam kong kanina pa tumatawag. Ngayon, ako lang muna. Gusto ko mapag-isa. At kung sana ay hindi na lang pumasok. Pero, ganun din naman. Wala din akong magagawa. Sabagay, huling taon ko na din ito sa pag-aaral. Dahil sigurado akong hindi ako pag-aaralin sa kolehiyo.

            Pumasok na si Mr. Cubacub. Galit nanaman ang kanyang mukha at halatang bad trip katulad ko. Natahimik ang klase. Katulad noong pinagalitan niya kami ni Renz.

            “Ilang araw nalang ang natitira ng ating pagsasama, class.” Wika niya.

            “Sorry, sir.” Biglang sagot ni Amie. “Pero hindi ko po talaga kayo pinaghihinalaan. Alam kong isa kang maalagang guro. At kahit kailan hindi mo iyon magagawa.”

            Maraming naguluhan sa kanyang mga sinabi. Pati na rin ako. Lumingon ako kay Renz. Bakas sa mukha niya ang pagkatuwa. Naiitindihan ba niya ang kanilang sinasabi?

            “Okay lang, Amie. “ ngumiti siya at lumakad tungo sa kaklase ko. “Alam kong makakamit din ang hustisya para sa klaseng ito.”

            Hustisya? Tungkol ba ito kanila Mai? Hindi ko maintindihan. Anong kinalaman ni sir doon? Tama naman si Amie. Alam kong kahit kailan hindi iyon magagawa ni sir. Mabait siya at mapagmalasakit. Bakit niya yun magagawa?

            “Mamimiss ko kayo.” Sabi niya. “Di bale, babalik din ako. At sana maabutan ko pa kayo bago ang graduation. Hindi ko alam sino ang substitute sa akin. Pero sisiguraduhin kong Masaya pa rin ang inyong makakamit na pag-aaral sa kanya.”

            “Aalis ka po, sir?” tanong ng isa kong kaklase. Si Marsielle. Ang president na klase.

            “Bakit po?” dagdag pa niya. Lumakad muli patungo si sir sa aming harapan. Malungkot na ang mukha niya, di tulad kanina. Nilagay niya ang dalawang kamay sa lamesa at pinagsilbing tukod. Matagal tagal din siyang nag-isip habang nakayuko ang ulo. Nagulat nalang kami ng mayroon ng bumubuong luha sa kanyang mata.

            “Sir!” sigaw ni Amie. “Hindi pa naman po sigurado, diba? Under probation pa lamang naman po.”

            “Alam ko. Pero sigurado akong wala akong takas sa principal ng paaralang ito. Pinag-iingatan niya ang reputasyon ng Yotsuka. Kaya kahit sabihin niyang probation lang.. Alam kong hindi na akong puwedeng pumasok ngayong Lunes.”

            “Sorry po, sir.” Tumutulo na ang luha ni Amie.

            “Ayos lang. Hindi naman ako mawawalan ng buhay, Amie.” Ngumiti uli si sir.

            Tumahimik ang klase. At dahil nga sa kakaibang atmospera sa loob ng classroom, hindi namin namalayan na mayroon na palang dalawang tao sa may pintuan. Isang babae. Mukha pa siyang isang bata. Mahaba ang buhok. Kasama niya ang isang lalake sa kanyang likuran. Hindi rin katangkaran. Parang bata din katulad ng babae. Sino sila?

            “Magandang umaga, Mr. Cubacub.” Wika ng babae.

            “Anong kailangan niyo?”

            Biglan na lamang siyang pumasok at inagawan ng pwesto si sir.

            “Hi.” Sabi niya. Napakalamig ng boses niya. Napakamisteryosong pakinggan.

            “I’m Victorique. The Detective Victorique.”

_____________________________________________________

| COMMENT | VOTE | SHARE | FAN

            Ang sabaw naman nitong update na to. Pasensya na po. Sabaw din ang laman ng utak ko ngayong mga araw. Daming problema. Haha. Babawi ako! :D

Stranger in Disguise (onhold)Where stories live. Discover now