Chapter 4

101 6 2
                                    

Kristoff’s POV

            Narinig namin ang bell. Uwian nanaman. Pero.. Hindi ito ang hudyat ng uwian namin ni Renz. Paminsan ay abot kami ng hanggang gabi dito. Mas okay na din yun sakin. Sino ba naman ang gusto umuwi sa bahay? Wala nga pala dito pamilya ko. Si mama, nasa ibang bansa. Kahit kailan, hindi ko siya minahal. Hindi ko rin naman nadama pagmamahal niya. Simula nung nailuwal niya ang kapatid kong babae, hindi na siya umuwi pa dito sa Pilipinas. Ang ama ko naman…… sa kasawiang palad ay nangibang bahay. Nabalitaan ko nalang yun nang nagsimulan siyang walang oras sa amin. Lagi niyang sinasabi na busy lang siya sa trabaho. Yun pala, may iba na siyang pamilyang sinusuportahan.

            Pero ano pa ba pakialam ko? Masaya ako sa sarili kong buhay. Kahit wala sila, mabubuhay ako.

            “Anong plano, Renz?” tanong ko.

            “Ano pa bang bago? Ganito pa rin naman eh. Tambay.” Sagot niya. “Tara.”

            Pumunta kami sa lagi naming tinatambayan. Malapit sa may puno na nakatago sa likod ng school. Sinasabi nilang may kababalaghang nangyayari daw dito. But we’re clever. Ginamit namin ang place na to, bilang hide out. Kapag nagc-cutting, for short. Hindi pa kami nahuli. Ang akala nila, nakatambay kami sa mga computer shop. Stupid.

            “Akala ko ba may party sa bahay niyo ngayon?” tanong ko kay Renz. “Sa mama mo ba yun?”

            “Oo. – Hayaan mo na. Di rin naman nila ako mapapansin na wala.” Sagot niya habang nakatingala sa langit.

            Tumawa ako. “Mama mo? Hindi mapapansin na wala ka? Asa ka pa, Renz.”

            Magkaiba kami ng buhay ni Renz. Kumpleto ang pamilya niya. Mayaman sila, kami hindi. Kung ako kulang sa pagmamahal ng magulang, puno naman siya nun. Palibhasa, only child.

            “Gago.”  Sagot niya.  

            Napatingin ako sa paligid. Wala nang tao. Sobrang bagal lang ng oras ngayon. Di katulad ng datii. Konting pikit lang ay gabi na. Pero ngayon, iba. Napakabagal. At kahit anong gawin ko ay hindi makayang makaidlip man lang. Hindi ko alam kung bakit. Ang tahimik namin ni Renz. Walang pinag-uusapan. Parang hindi naman ako sanay.

            “Kris, diba kilala mo yun? --- Gerd? Nakalimutan ko eh. Pero kilala ko mukha niya.” Tinuro sakin ni Renz  ang isang lalakeng naglalakad malapit sa likod 3rd year faculty room. Siya nalang ata ang mag-isa sa school maliban sa amin. Hindi ko kaagad siya nakilala. Nakatalikod at parang abalang-abala.

            “Siguradong kang si Gerd yun?”

            “Oo. Kanina pa nga siya diyan. Nakakapagtataka.”

            Hindi iniwan ng aking mata ang lalake. Hindi pa rin ako nakaksiguro kung si Gerd ba yun. Maaga naman yun umuuwi sa pagkakaalam ko. Kung siya nga yan, ano pa ba ginagawa niya dito? Nakakapagtataka nga tulad ng sabi ni Renz.

            “Si Gerd nga.” Sabi ko nang lumingon siya. “Ano pa ginagawa niya dito?” Hindi ko pa rim inalis mata ko sakanya. Alam kong may problema siya. Sa mukha pa lang eh halata na.

            “Nakakapagtataka diba? Tayo na lang naman ang naiiwan dito pag ganitong oras na.”

            “Puntahan natin?” tumayo na ako at sinimulang maglakad. Sumunod din naman si Renz.

            Di pa lang kami nakakalapit ay lumayo siya. Bawat hakbang namin ay unti unti rin siyang lumalayo. Hindi ko alam kung napansin ba niya kami. Pero kung napansin nga, bakit siya lalayo?

Stranger in Disguise (onhold)Where stories live. Discover now