Chapter 6

110 6 10
                                    

CULPRIT’S POV

            “Opo, sir.” Sagot ng isa kong alalay.

            “Sige, makakaalis ka na.”

            Dectective Victorique. “Hmmm.”

Nakakatawa. Siya nanaman laman ng dyaryo? Isang bata? Kahit kailan hindi ako matatalo ng isang bata lamang. Hinding hindi. She has to mind her own business. Pero kung magpapatuloy siyang maging epal, ako mismo ang magpapaalala sa kanya kung anong ranggo niya sa lipunang ito. Di niya ata alam sinong makakabangga niya kung hindi pa siya titigil. Ang dapat sakanya, makipaglaro sa mga bata diyan. Dahil kahit kailan, hindi siya naging henyo sa paningin ko.

Biglang may kumatok sa pinto. “Sir, sisimulan nap o ba natin?”

“May sinabi na ba ako?”

“Sorry po, sir. Nagsidatingan na po kase sila.”

“Ihanda mo nalang lahat.” Utos ko.

Sumunod naman siya at lumabas na.

“Bata….” Hinagis ko ang dyaryong aking binabasa. “Isa ka lang bata.”

Isang batang tanga.

Walang alam sa mundo.

Hindi ako takot. Sa katunayan, natatawa lang ako sa kanila. Oo, sige. Nadakip na nga ang pumatay kay Sophia Takeda. Marami na rin siyang nasolbang mga kaso. Pero, hindi. Hinding hindi niya ako madadakip. Wala pang nakapangalan sa aking kaso kaya hindi niya pagsususpetsyahan. Malinis akong gumawa ng krimen. Hindi katulad ng iba. Isa akong expert sa mga ganito. Kaya wag nila ako maliliitin.

“Tch.” Dinuraan ko ang dyaryong aking hinagis. Lantad ang mukha ng Victorique na yon.

Tumayo ako at lumabas.

Hinding hindi nila ako madadakip.

______________________________________________________________

Amie’s POV

            “Really? Siya lang ang nandun sa mga oras na yun?” tanong sakin ni detective Victorique.

            “Opo.” Sagot ko. “Pero napadaan lang din po ako dun. Hindi ko po alam kung may ibang tao pa ba bago ako nakarating.”

            “I see. Thank you.” Lumingon siya sa katabi niyang lalake. “Kujo, samahan mo na siya pabalik.”

            Tumayo ang lalake at inasistahan ako pabalik ng classroom. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kapag ganito pa naman ang pakiramdam ko, may masamang mangyayari. Ilang beses ko na to naramdaman simula nung namatay si Mai. Na parang nanganganib ang buhay ko. Paminsan pa nga nararamdaman kong may nakatitig sakin. Kahit alam kong wala naman. Paminsan din napapaginipan kong ako ang namatay. Katulad kay Mai. Sa Cr at sobrang putla.

Naaalala ko pa rin.

Lahat.

________________________________________________________________

            Pababa ako ng first floor nun ng may biglang tumawag sa akin.

“Ms. Clemente, Ms. Clemente.”

Napatigil ako sa paglalakad. Papunta sana ako sa canteen para bumili ng tubig. Lumingon ako sa paligid at nakita ko  si Ma’am Gee Ann. Science teacher at adviser namin noong second year. Balita ko magreretiro na siya sa susunod na taon. Mas mabuti na din siguro. Matanda na siya para magturo. Balita ko nga rin halos on leave siya ngayong taon dahil sa sakit niya.

Stranger in Disguise (onhold)Where stories live. Discover now