Chapter 8

87 4 5
                                    

Victorique’s POV

            “Marami pang dapat pag-usapan tungkol diyan. But if her parents insist so, then there’s nothing I can do.”

            Biglaan nalang umalis si Mr. Lasdoce.

            Yes. I know there’s nothing he can do about the issue. Pero hindi nalang pwedeng basta basta nalang din siya magdedesisyon. Lalo nang hindi pa niya pinapaalam sa lahat ang mga nangyari. If this institution goals for proper education, hindi nila pwedeng paalisin ang isa sa kanilang magagaling na guro. I know, probation. But most likely, the parents of Amie will not agree. And that would leave to only one resort.

            “Ano na ngayon?” nabaling ang atensyon ko kay Kujo.

            Tumayo ako lumakad. Not knowing where to go, sinundan ko kung saan patungo ang hall ng building. Naramdaman kong sumunod si Kujo.Sa aming paglalakad, nakita namin si Mr. Lasdoce. May kausap at tila sumisigaw.

            Nagpatuloy kami papunta sa kanilang direksyon. Bawat apak namin ay rinig sa kabuuan ng bulwagan. I felt tense that moment. Na parang biglang bumagal ang oras. Rinig namin ang sigaw ni Mr. Lasdoce. Hindi naman nagsalita ang kausap niya. Ngunit bakas sa kanyang mukha ang pakainis, galit at parang sasabog pa.

            Di natagal, natapos ang kanilang pag-uusap. Binagalan ko ang paglalakad. Pumasok na ang lalake at tuluyan na akong huminto. Napatanong sa akin si Kujo kung bakit pero hindi ko sinagot.

            “Bakit?” ulit niyang tanong.

            Mr. Edric Cubacub. Teacher III, IV – C.

            I see. Siya pala.

            Tinuloy ko ang paglalakad at huminto sa pintuan ng classroom. Nakita kong kinakausap niya ang kanyang mga estudyante. Bigla siyang napahinto nang makita ako. Hindi ko naman sinayang ang pagkakataon upang pumasok.

            Pagkalito ang pagkagulat ang nasa mukha ng klase. Hindi ko lubos maisip na magkasing edad lang kami ng iba dito. Dati pa, hindi ako maswerteng maranasan ang ganito. Dahil bata pa lamang ako ay kinulong na ako sa ikataas ng palapag ng aming bahay. But it’s okay with me. They feed me with books and that’s about it. Masaya ako.

            Until now, hindi ko pa rin naranasan pano ang maging bata. Sikat ang pamilyang de Bloise sa buong mundo. At iniingatan ito ng aking ama. Nakakatawa isipin na mas binibigyan niyang halaga ang pangalang de Bloise, kesa sa aming mga anak niya. Paminsan, alam ko, naaalala niya lang ako kapag may panibagong trabaho akong naipanalo. Pero kahit na ganyan, hanggang “Good job” lang ang kaya niyang sabihin.

            “I’m Victorique. The Detective Victorique.” Sabi ko. Pagkalito at pagkagulat pa rin ang nasa mukha ng mga kaharap ko. Alam ko namang kilala nila ako. Kung hindi man ganoon kakilala, malamang narinig na nila pangalan ko.

            “Anong kailangan niyo dito?” tanong ng lalakeng sa isip ko’y si Mr. Edric.

            Lumingon ako at binigyan siya ng ngiti. Binalik ko naman atensyon ko sa klase.

            “Yes. Pinaghihinalaan ng paaralang ito ang guro niyo.” Sabay turo ko sakanya. “Siguro ito na ang huling linggo na magkikita kayo.”

            Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ng klase.

            “Pero…” dagdag ko. “I’ll try my best to stop it.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stranger in Disguise (onhold)Where stories live. Discover now