CHAPTER 1

39K 578 29
                                    

Manila, Philippines
Sept. 17, 2019

DALA ang maleta malalim na bumuntong-hininga si Aryaniah. Sa unang pagkakataon ay nakaapak siya sa lugar na wala siyang idea kung saan magsisimula.

Tumingala siya, NAIA International Airport. Tama ang nabasa niya nasa Pilipinas na siya. Abot-abot ang kaba niya dahil bukod sa first time niya makapunta sa bansang ito ay wala din siyang kakilala. Bago paman niya napagdesisyonan na lumipad papunta sa bansang ito ay buo na loob niyang dito niya sisimulan ang bagong kabanata ng buhay niya. Gusto niyang mamuhay na malayo sa kinagisnan niyang buhay sa Italya. Gusto niyang mamuhay ng simply, iyong walang sinusunod na tradisyon. Walang magulang na nagdidikta kung ano at hindi dapat gawin.

Palabas na siya ng airport nang may mabangga siyang babae. Nakasuot ito ng short, long sleve na damit at naka-eyeglass pa.

"I'm sorry.." ani nito sa kaniya. "Are you okay?" tanong nito, sinilip ang mukha niya. Nakayuko kasi siya nahihiya at hindi malaman ang gagawin.

Hindi niya alam ang salita sa lugar na ito pero nakakaintindi siya ng salitang ingles.

"Yeah,"

"Tulungan na kita." sabi nito sa kaniya. Pero hindi niya magawang sumagot dahil hindi naman niya naiintindihan.

"I can't understand.."

"Oh! I'm sorry, Let me help you," muli nitong aniya. Saka nito pinulot ang hawak niyang passport at wallet.

"Thanks."

"Xhinia,by the way " pagpapakilala nito sa kaniya.

"Niah, call me Niah."

Nakipag-kamay ito sa kaniya. Tinanggap naman niya.Tinitigan niya ang mukha nito, medyo maano pero may pagka-masungit ang dating. Maganda ang hubog ng katawan kumpara sa kaniya. Medyo mataba ang pisngi at mamula-mula ang kulay ng balat.   Tingin naman niya ay mabait ito.

"Nice to meet you Niah,"

"Can I ask? this is the first time I have come to this country and I have no relatives here. Is there a hotel nearby that I can stay at?" iyon talaga ang una niyang naisip kanina pa pagkababa niya ng eroplano, kung saan siya tutuloy.

Nag-isip muna si Xhinia bago ito sumagot sa kaniya.

"Hmm, if you want, you can stay at my condo."

Gusto niya sana tumanggi at sa hotel nalang mag-stay. Bukod sa bago niya lang nakilala si Xhinia. Nahihiya din siya sa ino-offer nito sa kaniya.

Nagdadalawang-isip din siya kung mapagkakatiwalaan ba ito o hindi. Sinanay siya ng Ina niya na huwag agad magtitiwala sa mga bagong kakilala.

Tiningnan siya ni Xhinia, "You can trust me, It's free don't worry." ibig-sabihin ni Xhinia sa kaniya ay libre ang ino-offer nitong tulong wala siyang hinihinging kapalit.

Matagal bago siya nakapag-desisyon na sumama kay Xhinia. Medyo malayo din ang tinutuluyan ni Xhinia. Hindi niya alam saan iyon. Habang nasa byahe sila panay naman kwento ni Xhinia sa kaniya, siguro ay paraan din niya iyon para hindi sila mailang sa isa't-isa.

Nang makarating sila sa condo kung saan tumutuloy si Xhinia ay tinulungan naman siya nitong ayusin ang mga gamit niya. Inayos na rin ni Xhinia ang iba pang kailangan niya. At nainform na din nito ang incharge sa condo na may kasama siya.

"Can I stay here? maybe for three months, I will find another place where can I stay permanently. If it's okay with you?" 

Nahihiyang aniya, wala na din kasi siyang ibang maisip ng mga oras na iyon. Gaya ng sabi ni Xhinia sa kaniya delikado ang lugar lalo na't wala siyang kakilala at wala din siyang kamag-anak. Mahirap nga din talaga mag-umpisa. Kaya minabuti niyang hingin ang permiso ni Xhinia kung maaari bang manatili muna siya doon pansamantala habang wala pa siyang malilipatan talaga.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon