Xhinia's POVNang makasakay na kami ni Manang sa van. Hindi ko pinahalatang nakita ko si Reign bago pa man ako pumasok ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari at totoonga dahilan ang tanging sinabi lang ni Manang ay kailagan niyang makaalis at makita si Ryzo. Bukod kasi sa'kin alam din ng ibang mga kaibigan at malalapit sa amin ang nangyari sa kanila. Lalo na noong birthday slash engagement party ni Ryzo.
Kahit pa hindi alam ng magulang ni Ryzo ang tungkol sa kanila. Kami ay nasasaktan din sa nangyayari sa kanilang dalawa. Saksi naman kasi kami doon. Ang gulo ng relasyon nila mahal ang isa't-isa pero laging may hadlang. Eh ang dami naman kasing ka-artehan at ka-dramahan sa buhay itong si Manang. Ewan ko ba kung ano talagang dahila nila bakit sila nagkaganiyan e ayan tuloy may umeksenang princesa kuno na galing italya. Maganda ngang tunay pero ayaw ni Ryzo sa kaniya.
Hindi ko rin alam base sa kwento ni Dexie mabait naman daw itong si Casamiya. Eh ayaw pa nga raw ipilit ang kasal kasi nalaman nitong may girlfriend si Ryzo. Sabi rin ni Dexie gagawa raw ng paraan si Casamiya para ipa-cancel ang kasal. Nakakaloka lang kaka-announced lang ng engagement aba'y gusto agad ipakasal ang dalawa sa susunod na buwan. Talagang naman hindi makapag-antay. Ano ba! Atat naman ata sila na ipakasal ang dalawa. Ano bang meron at 'di nalang hintayin maka-graduate si Ryzo.
Ito naman si Manang maka-eksena ayaw paawat layas-layasana ng drama ng lola niyo. Nagtago sa kung saan pati si Google map nabaliw kakahanap. Kung hindi pa siya tumawag at nagpatulong talaga naman kinakarer niya ang pagtatago. Akala niya naman hahanapin namin siya. 'asa'
Mula ng tumawag si Manang na kailangan niya ng tulong. Agad ko naman tinawagan si Eugine. Sinabi ko sa kaniya ang sinabi ni Manang syempre hindi ko naman kayang gawin iyon mag-isa masisira ang ganda ko. Ayon nga, Pagdating namin sa airport gaya ng usapan. Pinapunta ko sa restroom si Manang dinala ko ang mga ibang damit ko para isuot niya syempre alangan naman titigan lang niya iyong damit. Kailangan niya mag-disguise para hindi kami mahalata ng dalawang gwapong kasama niya. Akala mo naman mga bodyguards kung maka-bantay kay Manang.
Xhin, salamat dumating ka."
"Ano ka ba manang one call away lang ako saka mahihindian ba naman kita syempre hindi. Ito suotin mo para hindi ka nila makilala paglabas. Sa kabila tayo dadaan naghihintay na sila Eugine sa labas." Sabay abot ko sa kaniya ang isang paper bag na may laman na mga damit.
"Si Ryzo?" tanong niya
"Manang mamaya kana magtanong bilisan mo diyan baka hanapin kana nila."
"Manang tapos kana?" muling kong tanong.
"Saglit, ano ba 'tong mga pinasuot mo sa'kin ang sexy." panay reklamo naman ang isang 'to napaka-Manang talaga.
"Ano ba! Isuot mo nalang. May iba pa diyan kung ayaw mo ng sexy bilisan mo baka maabotan tayo ng dalawang mokong na iyon masisira talaga itong plano nating tumakas. Madedelay lalo lovelife mo Manang kaya bilisan mo na diyan jusko naman." pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob.
Inggit kayo sa ganda ko, tseh! Makatingin naman mga 'to akala naman nila kriminal na ako jusko!
"Tara na ang ingay mo naman.." sabi niya pa saka kami naglakad patungo sa fire exit.
"Saan ba naka-park ang sasakyan?"
"Huwag ka munang magtanong Manang bilisan mo nalang diyan." Palinga-linga akong naglakad-takbo dahil nag-aalala talaga ako baka maabutan kami ni Kaizer at Reign.
"Ayon ang Van, pumasok kana Manang. Dalian mo."
"Grabe ka naman kung makatulak ito na nga oh! Sasakay na 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
RomanceAryaniah, Princesang iniwan ang marangyang buhay niya sa Italya at namuhay ng simple nang hindi kinokontrol ng sariling batas na meron ang pamilya niya.