Chapter 23

9.1K 153 3
                                    


Reign's POV

Masaya na siya at hindi ko yata kayang nakawin sa kaniya ang kasiyahan niya ngayon. Kailangan ko pa ng panahon para sabihin sa kaniya ang lahat.

"Anak, malalim yata ang inisiip mo?" Tanong ni Ina gamit ang sarili naming lenggwahe.

Ngumiti ako saka humarap sa'king Ina. "Wala naman Ina. Iniisip ko lang kung gaano kaganda ang Milan. Dito kami lumaki ni Niah. Dito kami bumuo ng pangarap."

"Anak-- huwag mong hayaan na masaktan ka. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Hindi na natin mababago ang tinakda." Malungkot na sabi ni Ina.

Alam ko na magagalit siya at baka mawala ng tuluyan sa'kin. Pero hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko para sa pamilya namin. Kahit labag sa loob ko at hindi ko kayang saktan ang taong mahalaga sa  akin. May isang buwan pa ako hahayaan ko muna siya maging masaya. Iyon nalang ang kaya kong magawa sa kaniya sa ngayon.

"Wala na bang ibang paraan Ina para pigilan ang mangyayari? Ayokong masaktan ni Niah dahil sa'kin. Ayoko nakawain sa kaniya ang kasiyahan niya. Matagal na niyang gustong makalaya sa lugar na'to at tuparin ang gusto niya na hindi dinidiktahan ng Ama niya." Nagsusumamo kong sabi.

Hinawakan ni Ina ang kamay ko at seryoso akong tinitigan. "Binigyan ka na ng Ama mo ng isang taon para maghanap ng babaeng papakasalan mo hindi ba? Pero lumagpas na sa palugit ang binigay niya sa'yo wala ka pa din naipakilala sa amin."

Tahimik akong napayuko. Paano ko ba ipapakilala kay Ina ang babaeng gusto ko kung hanggang ngayon hinahanap ko pa din siya. Hindi ko nakita ang mukha niya maliban sa tattoo niya sa bandang dibdib. Butterfly ang tattoo na iyon.

"Hinahanap ko pa din siya Ina, ginagawa ko ang lahat sana maintindihan niyo ni Ama iyon." Sabay buntong-hininga niyakap ako ng aking Ina.

"Dalawang buwan na lang ang meron ka. Sa susunod na buwan na ang kaarawan ng princesa. Kailangan mong maghanda sa mangyayari."

Nang gabing iyon tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko na siyang hiningan ko ng tulong para mahanap ang babaeng pinahanap ko. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras. Bawat oras na nasasayang tila isang parusa sa akin.

Serenity's POV

MATAPOS ang isang linggong bakasyon namin sa palawan lahat ay umuwing masaya dahil nagawa naming pagbatiin sina Niah at Ryzo.

Naghanda ulit kami ng konting salo-salu sa bahay advance baby shower daw nila para sa baby namin. Ilang buwan nalang lalabas na ang first baby namin ni Quevin.

"Okay guys bago ang lahat gusto kong e-congrats si Kuya Ryzo finally nakita na ulit natin siyang nakangiti at dahil iyon kay ate Niah kaya thank you sa'yo ate.  Pagpasensyahan mo na ugali ni Kuya pero alam ko naman na takot iyan sa'yo kaya keri mo na iyan." Kahit kailan talaga ang batang ito kung magsalita akala mo talaga ang daming alam.

"Ayos lang sanay na din naman ako sa kaniya Dexie. Thank you din." Sagot naman ni Niah.

"Woi kulit pinagsasabi mo diyan. Baka mamaya maniwala itong si Nerdy sayo baka iwan na naman ako nito." Nakangusong sabi ni Ryzo. Isip-bata.

"Ano ba! Pati si Dexie binubully mo." Saway sa kaniya ni Niah.

Ang cute talaga nilang dalawa. Kahit nagbabangayan na makikita mo talaga na mahal nila ang isa't-isa. Ang lovestory nila ay isang halimbawa na kahit gaano kakomplekado ang bawat setwasyon na kakaharapin nila ang pagmamahal sa isa't-isa pa din ang mananaig.

"O siya tama na iyan kumain na tayo handa na ang pagkain." Pagputol ni Kieyla sa usapan.

"Ayun! Chibugan na!!" Naexcite na sabi ni Eugine.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon