Chapter 3

19.7K 355 40
                                    

HINDI magkanda-ugaga si Niah sa pagmamadali, ngayong araw ang first day of school niya. Excited man ay medyo kinakabahan din syempre expected na niya na ibang mundo na ang gagalawan niya, iba't-ibang tao na ang makakasalamuha niya hindi gaya noong nasa Italya pa siya na halos lahat ng nakakasalamuha niya ay mga galing sa mayayamang pamilya. Hindi katulad sa bansang ito na iba't-ibang tao at iba't-iba din ang estado sa buhay.

Humanga siya sa mga ordinaryong tao na nakikita niyang nakukuha pa din tumawa at ngumiti kahit pa mahirap ang buhay nila. Iyon kasi ang hindi niya nakaranasan. Hindi niya naranasan na maging masaya kahit pa nakukuha niya lahat ng gusto niya. Nasa kaniya na ang lahat noon,pero pakiramdam niya ay may kulang pa din. May parte ng pagkatao niya na pakiramdam niya ay hindi buo para masabi niya sa sarili niya na totoong masaya siya.

Marahan siyang naglakad patungo sa silid kung saan naroon ang iba niyang kaklase. Nang nasa pinto na siya ay saka siya huminto saglit at saka huminga ng malalim.

'This is it Niah, Just be yourself I know you can do it.'

Paulit-ulit din iyan sinasabi ni Xhinia sa kaniya bago paman dumating ang araw na'to.

Ilang buwan din niyang pinaghandaan at inaral ang magsalita ng tagalog. Dahil narin  sa tulong ni Xhinia ay hindi siya nahirapan na gawin iyon. May ilang salita lang minsan na hindi niya maintindihan kung ano ang kahulugan niyon masyadong malalim para sa kaniya. Kaya minsan pinipilit nalang niyang intindihin. Kailangan niyang itago sa lahat ang totoo niyang pagkatao. Ayaw niyang may makaalam na isa siyang prinsesang tumakas sa bansang pinagmulan niya.

Kasi para sa kaniya hindi kailangan ipaalam sa lahat kung sino at ano ka. Hayaan mong tanggapin ka nila base sa kung paano mo pinatutunguhan ang lahat. Ganiyan din ang sinabi niya kay Xhinia nang minsang mag-usap sila. Hindi pa rin alam ni Xhinia ang buo niyang pagkatao ayaw niya din biglain ito dahil baka isipin nitong hindi siya mapagkakatiwalaan kaya hindi niya nasabi agad. Ayaw niya iyong may masasabi ang tao sa kaniya na hindi maganda.

Hindi kasi siya sanay sa ganoon.

Muli niyang hinakbang ang mga paa papasok sa silid. Sa unang pagkakataon ay mararanasan niyang makapag-aral kasama ang mga ordinaryong tao na hindi niya kauri, hindi niya katulad ng estado sa buhay. Excited siyang umupo sa isang bakanteng upuan sa may likurang bahagi. Iyon lang kasi ang pwesto na tingin niya ay walang nagmamay-ari sa upuan.

Tahimik lamang siya habang ang iba ay abala sa kung ano-anu. May mga nakita siyang mukhang matagal ng magkakilala dahil masaya ang mga itong nagkukwentuhan. May iba na katulad niyang nasa isang tabi lang, tahimik din at wari'y walang pakialam sa paligid.

Ilang minuto rin niyang ginagawa ang pag-oobserba sa mga kaklase niya hanggang sa may apat na babae ang pumasok.

Magaganda, mukhang mayaman base sa pananamit niyon gaya ni Xhinia manamit, maiksi at masyadong sexy para sa isang studyante. Sa unang tingin ay mapapaisip kang nasa mall lang ang mga ito at namamasyal.

"You! alis pwesto ko iyan." napalingon sa gulat si Niah nang biglang sigawan ng babae ang katabi niyang babae sa bandang kaliwa niya.

Hindi naman nagsalita ang babae at basta nalang tumayo at lumipat ng upuan. Kinurap-kurap niya ang mga mata sa gulat, wala siyang maintindihan sa mga oras na iyon. Nagtataka kung bakit pinaalis ng babae ang kaklase niya gayong wala namang nakapangalan sa bawat upuan para sabihing sa kaniya iyon.

Maya maya ay may binulong ang isa nitong kasama saka naman siya nilingon ng babae napansin siguro nitong kanina pa siya nakatitig sa mga iyon.

Tumayo ito saka humarap sa kaniya.

"Bago ka dito?" tanong neto sa kaniya habang ang dalawang braso ay pinagkrus.

Tumango siya bilang sagot.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon