Chapter 32

8.3K 142 7
                                    


Ryzo's POV

Kapwa kami tahimik ni Nerdy habang nasa byahe hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Sana hindi kasali doon ang iwan ako.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik nag-aalala na ako." mabilis akong lumingon sa kaniya.

Nanatili lang siyang nakaharap sa bintana. Walang imik. Napabuntong-hinga ako saka muling nagsalita.

"H'wag mo na isipin iyong sinabi mo kay Dad kanina. Kahit anong mangyari hindi kita iiwan at ipaglalaban kita sa kahit anong dahilan."

Hininto ko ang sasakyan. Napalingon naman siya sa gulat.

Ayokong umuwi na hindi siya okay. Ayoko na umuwi kami na may gumugulo sa isip niya. Hindi ako makakampanti. Natatakot ako baka maisipan na naman niyang iwan ako. Hindi ko kayang mangyari ulit iyon.

Nilingon niya ako nang lumuluha.

"Hey! Bat ka umiiyak?. Shhh tahan na ayos lang iyon ako na ang bahala kay Daddy."

Agad ko naman siyang niyakap.

"Paano kung malaman mo na nagsinungaling ako sayo? Matatanggap mo pa kaya ako? Mamahalin mo pa kaya ako?" nabigla ako sa tanong niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Anong sinasabi mo?"

"Nasasaktan ako dahil hindi ko kayang sabihin sayo ang laman ng isip ko. Mas nasasaktan ako baka kapag nalaman mo ang mga iyon ay iwan mo ako."

Muli ko siyang niyakap. "Hinding-hindi kita iiwan kahit masaktan man ako. Mas gugustohin kong masaktan kaysa mawala ka sa'kin."

Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya sana mali ang iniisip ko.

Hindi na siya muling nagsalita pa. Hanggang sa makarating kami sa batangas. Sinalubong kami ni Seren.

"Ano? Kumusta ang lakad niyo?" aniya

"Pasok muna ako, napagod ako sa byahe." malumanay na sabi ni Nerdy saka nagtungo sa kwarto namin.

"Ryzo? Anong nangyari sa lakad niyo?"

Kinwento ko lahat sa kaniya..

"Malaking gulo nga iyan. Nasisiguro kong hindi titigil ang Daddy mo. Kung ngayon nga ay nalaman niyang naglayas ka at hinanap si Niah mas lalo kayong paghihiwalayin niyan lalo na't sinabi mo na ayaw mong pakasalan yung babaeng gusto niya para sayo na kahit itakwil ka niya ay 'di mo siya susundin. Nag-aalala ako para kay Niah."

"Hindi ko hahayaan na masaktan si Nerdy. Nangako ako sa kaniyang ipaglalaban ko siya sa kahit anong dahilan."

Ayoko ipakitang nag-aalala din ako. Alam kong nasaktan si Nerdy sa nagawa niya. Hindi siya gan'on. Unang beses ko siyang narinig na gan'on magsalita kahit ako ay nagulat. Pero masaya akong marinig ang mga iyon. Masaya akong maramdamang mahal niya ako. Masaya ako pinaglaban niya ang pagmamahalan namin sa harap ni Dad. Imbis na ako ang gumawa niyon ay nagawa niya para sa'kin. Para sa aming dalawa. Pero sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi niyang kinatatakutan niya. Gusto ko siyang tanungin kung ano iyon. Pero ayoko din siyang pangunahan baka mas lalo lang siyang mahirapan.

Casamiya's POV

"Tonta! Ilang beses ko ba sasabihin sainyo na h'wag niyo akong bigyan ng hindi magandang balita sa pinapagawa ko sainyo."

Gamit ang sariling lenggwahe ay rinig na rinig ko mula dito sa taas ang boses ni Ina Ganiyan siya palagi laging lagit hindi ko alam anong mga pinaplano niya.

Parang hindi ko na siya kilala. Alam kong gusto niya lang mabalik ang nawala sa amin mula ng mawala si Ama. Pero ayoko, at hindi ako sang-ayon sa mga gusto niya. Isa na doon ang ipakasal ako sa anak ng kaibigan ni Ama na pinangakoan ni Ama noon na ipapakasal ako sa anak ng kaibigan niya.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon