S I X T H

21 0 0
                                    

"Damn! Wala silang mga hiya para gawin yon! Nakakabastos!"

Nangagalaiti sa galit at inis itong si Mae.

Si Cass naman, pinapahupa nya si Mae dahil sa pagsuntok at pagdabog nito sa lamesa.

Dahil doon sa paninda nilang kakanin. Nasa plaza sila para ibenta yon. Tinda yon ni tiya, kaya in return eto yung tulong na binigay nina Mae at Cass.

Pero it turns out na mukhang di maganda ang nangyari.

"Ano ba kaseng pinaggagawa nyo ha?" Tanong ni Cath.

Nandito kami sa kusina. Nakapulong kami sa lamesa lalo pa't sa trahedyang nangyari sa plaza.

Si tiya naman may niluluto sa labas. Nandoon kasi yung panangga nya. Di uso stove dito.

Napaikot ang mga mata ni Mae. Halatang naririndi sa pangyari.

Mabuti pa ngang si Cass na maghayag.

"Kasi, habang binebenta namin sa plaza yung mga kakanin, may mga grupo ng mga lalaki na mukhang mga awtoridad pero mukhang mga guards sila ng isang mayamang haciendera/haciendero. Tapos ayon bigla ba naman tinapon yung basket at inagaw naman sa akin yung bilao. Tinapon nila yon. Sa harap namin at ng mga tao."

"Wala bang mga taong tumulong sainyo?" Tanong ko rito na nagtataka.

Wala man lang bang concern citizen para tulungan sila?

"Di makatarungan ang ginawa nila!" Naiinis na sabi ni Ronj.

"Oo, atsaka iyon nga wala man lang tumulong samin. Parang takot sila sa mga yon. Ewan ba. Atsaka wala naman kaming ginawang masama na labag sa batas. Nagbebenta lang kami. Tapos bigla bigla nalang kaming sinugod ng mga guards na yon." Cluesless na sabi ni Cass. Marahil sya din di rin maka move on sa pangyayari.

"Bakit hindi kayo tumawag?" Tanong ni Ronj sa sakanila.

Si Mae malayo padin ang tingin pero bakas sa mukha ang galit at poot.

Si Cass naman na bilang kilalang soft saaming magkakasama parang na trauma.  Di sya sanay maka encounter ng ganitong pangyayari.

"Haler! I contact them but unfortunately iniwan nila ang mga phones nila sa kwarto." Sagot ni Cath.

"Putcha, mapapatay ko ang mga yon! Bukas sasamahan ko kayo Mae." Si Ronj.

"Oh chill kalang dyan Ronj!" Natatawang sabi ni Cath.

"Di ba nila kayo sinaktan?" Tanong ko sakanila habang ineekpeksyon ko kung may pasa sila under their skin.

"Kamuntikan na nga Minho, si Mae kasi ang init din ng ulo. Pinigilan ko lang kasi muntikan pa kaming pagbuhatan ng kamay ng mga guards na yon." Bakas sa mukha ni Cass ang pangyayari.

"Tangina. Kung sino nagpautos non, mapapatay ko sya." In a deadly voice ni Mae.

Matigas man ang ulo ni Mae minsan pero kapag ginalit mo ito, magtago na dahil daig pa nito ang lalaking gangster sa pagbugbog.

"Oh come on guys, ireport nalang natin ito sa pulis or barangay." Suggestion ni Cath.

Mukha talagang makapapatay tong si Mae.

"Oh, Minho ang tahimik mo?" Puna ni Cath.

Napatingin ako sakanila. Di ko alam pero mukhang may ayaw saamin dito.

Napawang ang bibig ko. Sasabihin ko na sana yung naiisip ko pero pinutol iyon dahil sa pagdating ni tiya sa kusina.

"Mga anak, eto mag miryenda muna kayo. Wag nyo ng masyadong isipin pa yon. Basta bukas ako na ang maglalako ng paninda."

"Tita! Di kami makakapayag don sa nangyari. Iyon nalang nga po ang inyong pangkabuhayan, tapos sila ang mga walang hiyang gumawa non!? It's not right."
Parang humihingi ng hustisya at rights itong si Mae. Sabagay may point sya.

For sure bali balita na ang insidenteng ito sa bayan at place ni tiya

****

"Guys! Gising!."

Naalimpungatan kami sa tawag ni Cass saamin.

"Ano ba Cass, if those shitty imaginations of yours, quit it off."
Walang ganang sabi ni Cath. Halatang antok padin.

Sumilip ako sa mini alarm clock ko.

5:00am

"Ganitong kaaga, Cass?" Antok kong sabi. Napakamot ako sa aking ulo. I'm still sleepy.

Humiga ulit ako. Half awake half sleepy nalang ako. Pikit ang aking mata pero active ang padinig ko.

Halos mahulog ako gilid ng kama sa sobrang likot ni Cass. I knew it.
Kinukulit siguro nito sina Mae na magising.

"Guys!" Tawag pa nito saamin. Linakasan na nya nag volume ng kanyang pagtawag.

"Cass, you need to sleep. Its too early in the morning." Narinig kong sabi ni Mae.

"Aissh! Listen please." Naiinis na sabi ni Cass.

Niyugyog kami ni Cass para gisingin. And shit, nakakahilo.

"Cass! Stop it!" Naiinis na sabi ni Cath.

"Cass, its 5am in the morning. We're all tired." Sabi ko sabay takip ng unan sa aking mukha.

"Minho! Si tiya!" Napaka worried ng boses nito at parang balisa.

Napamulat ako ng bongga this time. Usapang seryoso pala ito. I thought isa lamang sa mga childish imaginations and stuffs lang ni Cass.

Tinanggal ko kaagad ang unan sa aking mukha at niligon sya. Maging ang aking mga kasama ay bumangon narin.

"Si Tiya Bel... she's missing."








A Dare To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon