After three months...
PILIT na isinasara ni Catherine ang zipper ng palda pero hindi iyon magawang sumara. Kakapatahi lang niya ng bagong uniporme pero mukhang hindi na naman kasya. Frustrated, she let her skirt slip down and took off her girdle. Tumambad sa kanya ang hindi pa kalakihang umbok ng tiyan na pilit niyang itinatago.
She was pregnant. Twelve weeks pregnant. Kung mayroon pang mas worse kaysa sa katotohanang naiwala niya ang virginity nang dahil sa sariling kapabayaan ay ito iyon. Nagbunga ang isang gabing ni hindi niya maalala kung paano naganap.
Nang magsimula siyang makaramdam ng palagiang pagkahilo, ang akala niya ay kulang lang siya sa dugo. She supplied herself with iron supplements. Nang magsimula siyang magduduwal, ang akala niya ay nagkaroon siya ng problema sa stomach acid. She self-treated with antacids. Nang ma-realize niyang hindi pa pala siya dinaratnan, naisip niyang baka may hormonal imbalance siya. Pero may inkling na siya noon na baka may ibang nangyayari sa katawan niya. She was just in denial.
Hanggang sa maisip niyang bumili ng dalawang pregnancy test kits. Both turned out positive. Pakiramdam ni Catherine ay gumuho ang mundo niya nang malamang buntis siya. That was the last thing she wanted to happen in her life.
Gusto niyang magkaanak pero hindi sa ganoong sitwasyon. Gusto niyang mabuntis kapag nag-asawa na siya. Gusto niyang magkaanak sa taong mahal niya. Kaya hindi niya matanggap na magiging isang dalagang ina siya. Pag-uusapan at huhusgahan siya ng mga tao sa paligid kapag nalaman ang kalagayan niya. Ikahihiya siya ng mga magulang.
Titigil siya sa pagtatrabaho dahil hindi puwede ang buntis na flight attendant. Paano niya bubuhayin ang anak niya nang mag-isa? Aasa siya sa mga magulang? Aasa sa sustento mula sa ama ng anak niya?
Ni hindi nga alam ni Douglas ang pinagdaraanan niya. Ni hindi pa nga niya nasasabi sa mga magulang ang kalagayan niya. Walang kaalam-alam ang mga ito na buntis siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin. Parati niyang ipinagpapaliban ang pagtatapat hanggang sa umumbok na ang tiyan niya na napilitan siyang paliitin sa pamamagitan ng pagsusuot ng girdle upang itago.
Napatingin si Catherine sa girdle na hawak at nakaramdam ng guilt. That could have been hurting the little body inside her belly. Bagaman hindi naman niya itininotodo ang sikip niyon ay baka nakakaapekto pa rin iyon sa fetus na three months old. Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan.
Her poor little baby.
Hindi naman sa ayaw niya ng sanggol na iyon. It was her baby, her own blood. Kaya lang ay hindi niya pinangarap na mabubuo ito sa ganoong paraan. That baby arrived at the wrong time and ruined her plans for herself. But she had no one to blame other than herself... and Douglas.
Habang si Catherine ay stressed na stressed sa nangyayari sa kanya—physically and emotionally—si Douglas ay malamang na nagpapakasaya sa kandungan ng kung sinu-sinong hot Japanese women sa Tokyo. Silang dalawa ang gumawa ng batang iyon pero siya lang ang naghihirap.
Kailangan na niyang sabihin sa mga magulang ang kalagayan niya dahil hindi na niya maitatago pa ang baby bump sa paglipas ng mga araw. Hindi nga lang niya sigurado kung gusto niyang sabihin kay Douglas ang tungkol doon. Somehow, natatakot siyang malaman ang reaksiyon nito na magkakaroon na ito ng anak. Baka tulad niya, hindi pa ito handang maging isang magulang. Baka hindi nito kilalanin ang anak niya.
Well, she did not need him. Her baby did not need a father like him. Mas mainam pa nga sigurong palakihin niyang mag-isa ang batang iyon. She did not want to deal with him about their child. Siguradong dadagdagan lang nito ang problema niya, imbes na makatulong.
![](https://img.wattpad.com/cover/107244690-288-k799033.jpg)
BINABASA MO ANG
Cath & Doug
RomanceTo read the missing chapters for free, go to my blog-- ayilee.com and click the "Novels" on the menu. Published na ang print book nito. Available na sa bookstores near you :) Magbe-bestfriends ang parents nina Catherine at Douglas. Magkatabi pa...