Chapter 4

3K 80 10
                                    



"WHAT?" halos sabay pang bulalas nina Catherine at Douglas nang marinig ang sinabi ni Tita Clara.

All right. May hinala na si Catherine na iyon ang sasabihin ng mga matatanda pero nakakabigla pa ring marinig mismo na gusto ng mga ito na ipakasal sila ni Douglas sa isa't-isa.

"Napag-usapan namin ito nang mabuti," sabi ng ina ni Catherine. "Alam n'yong konserbatibo ang mga pamilya natin at iyon ang image natin sa mga tao. Kaya 'yang pagbubuntis ni Catherine nang hindi inaasahan ay hindi kaagad namin natanggap."

Talaga lang? muntik nang maisatinig ni Catherine. Kaya pala nag-celebrate kaagad ang apat pagkatapos malaman na nabuntis siya ni Douglas at tila hindi inalintana ang nangyari kaya siya nagdalang-tao.

"Pinalaki namin ni Victor si Catherine nang may conservative values. Kaya naman napakalaking shock sa amin na malamang nabuntis siya nang hindi pa siya kasal. Hindi iyon ang pangarap namin para sa anak namin. Pero nandiyan na. Ano pa bang magagawa namin? Alangan namang kasuklaman namin kayo? Mga anak namin kayo at sa panahong tulad nito, alam naming kailangan n'yo ng pang-unawa." Tumingin sa kanya ang ina. "Lalo ka na, Catherine. Ikaw ang babae kaya mas sasama ang tingin sa 'yo ng mga tao kung malalaman nilang nabuntis ka nang hindi pa kasal at ni walang nobyo."

Nakita ni Catherine ang pagdaan ng tingin ng mommy niya kay Douglas habang nakalarawan ang paghihirap ng loob sa mukha. As if, kinukunsensiya nito si Douglas para siguro hindi makatutol sa kasal. Bahagyang yumuko si Douglas, as if nakonsensiya ang loko.

She doubted kung pipilitin siya ng mga magulang na ipakasal kung hindi si Douglas ang nakabuntis sa kanya. Malinaw na gusto lang talagang pagsamantalahan ng mga matatanda ang sitwasyon para itali sila ni Douglas sa isa't-isa.

"Gaya nga ng sabi ni Linda," sabi ni Tita Clara. "Nangyari na, eh. Magkakaanak na kayo kaya kahit masama ang loob namin sa nangyari, wala na kaming magagawa kung hindi ang tanggapin. Kaya lang, ang hindi matanggap nina Linda at Victor ay ang masira ang imahe nila bilang mga magulang at imahe mo, Catherine, bilang isang babae kaya nagdesisyon kaming ipakasal kayo para makaiwas sa kahihiyan."

"Pero bukod sa pag-iwas sa kahihiyan," wika ng kanyang ama, "kailangan n'yo ring isipin ang kapakanan ng magiging anak n'yo. Ayokong magkaroon ng bastardong apo. Gusto kong lumaki siya sa isang tahanan na may ina at amang susuporta at gagabay sa kanya."

"Sang-ayon ako sa sinabi mo, pare," sabi ng daddy ni Douglas. "Hindi naman ginusto ng baby na mabuo siya nang dahil sa kapabayaan n'yong dalawa kaya hindi siya dapat magdusa sa kasalanan n'yo. Karapatan niya ang magkaroon ng isang pamilya at hindi isang watak na pamilya kaagad ang bubungad sa kanya sa paglabas niya sa mundo."

Hindi nagsasalita si Douglas pero nase-sense ni Catherine na tutol ang loob nito at hindi ito papayag na makasal sa kanya. Baka nag-aalangan lang na ipahayag ang mahigpit na pagtutol dahil sa mga magulang niya.

Mabilis niyang hinabi sa isip ang isasagot sa mga matatanda.

"As much as I want to give my child a normal family setting, imposible 'yon. Kami ni Douglas, hindi lang kami basta isang babae at isang lalaking aksidenteng nakabuo ng baby. Hindi namin gusto ang isa't-isa simula ng mga bata kami at hanggang ngayon. Hindi kami magkasundo, alam n'yo ho 'yan. Ni hindi kami puwedeng maging magkaibigan, maging mag-asawa pa kaya? Anong ipapakita namin sa baby namin? Puro away? Sa tingin n'yo ho ba, magiging masaya ang bata sa ganoong setting? What is marriage without love? Hindi por que nagkaanak kami, kailangan na naming magpakasal. Marriage is sacred at hindi dapat ginagamit sa pansariling interes, hindi ipinipilit, at higit sa lahat, there should be love involved. Obviously, between I and Douglas, there's none. Don't worry about me. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin at kung paano ako nabuntis nang walang asawa o boyfriend man lang."

Cath & DougTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon