Chapter Part 9

330 11 1
                                    


NAPANGITI si Catherine nang makita ang tiny blue shoes na nakalapag sa isang palad ni Douglas.

"What do you think?" tanong ng lalaki.

Dinala siya ni Douglas sa department store para mamili ng mga kailangan ng baby sa paglabas nito. Tapos na ang furnishing sa silid ni Junior kaya gusto na ng lalaki na punan na nila ng mga gamit ang baby's room. Nauna na silang mamili ng crib, stroller, hanging toys, baby's mattress at kung anu-ano pa. Kaya pumunta naman sila sa clothes section para mamili ng mga damit ng baby.

"So cute. Bagay na bagay 'yan kay baby."

"Oo naman. Actually, kahit ano'ng isuot ng baby ko, bagay sa kanya. Kasi siguradong guwapo siya. Kasing guwapo ng daddy niya," nakangising sabi ni Douglas.

Napangisi siya. "Sus! Yabang naman ng daddy."

Hinimas nito ang kanyang tiyan. "I can't wait to see you, baby. Three months more at makikita mo na kung gaano kaguwapo ang daddy mo."

Itinulak ni Catherine sa balikat si Douglas. "Ipinapangalandakan mo talaga sa baby, ha."

"Nagrereklamo ang mommy. Siya rin daw. Baby, kapag labas mo, you will finally see the most beautiful sight I see first thing in the morning and before I go to sleep—your mom." Umangat ang tingin ng lalaki sa kanya. He looked at her as if she was the most beautiful woman he had ever seen.

Hindi napigilan ni Catherine ang mapangiti. Kilig na kilig siya, deep inside. Araw-araw naman ay pinapakilig siya ng asawa. Pagkatapos nilang magkaroon ng agreement ay tila naging totoong mag-asawa na sila. They would go on dates and give each other gifts. He would hug and kiss her anytime he wanted. Kung noon ay caring at thoughtful na ito sa kanya, mas naging caring at thoughtful pa ito. Ganoon din naman siya. She was trying to be a good wife to him. And most of all, hindi na sila nag-aaway.

Tuwang-tuwa ang mga magulang nila sa naging malaking development sa pagsasama nila. Minsan nga—nang umuwi sila ni Douglas mula sa isang date—ay naabutan nila ang mga ito nagpa-party sa kabilang bahay. They thought she and Douglas had already fallen in love with each other.

Pakiramdam nga ni Catherine ay mahal na rin siya ni Douglas at hindi lang dahil sa anak nila kaya gusto nitong maging normal na mag-asawa ang pagsasama nila pero dahil wala namang sinasabi ang lalaki, ayaw niyang lubusang umasa. But she was optimistic about the progress in their relationship. She was just waiting for the confirmation. Nahihiya siyang mauna sa pag-amin kaya hinihintay lang niya na marinig mula kay Douglas na mahal na siya nito bago siya umamin.

Nakapila na sila sa cashier counter nang maramdaman ni Catherine ang pagsakit ng pantog kaya nagpaalam siya kay Douglas na ito na muna ang bahala sa mga pinamili at magsi-CR lang siya. Usually, sa tuwing nasa mall sila ay sinasamahan siya ng lalaki hanggang sa labas ng ladies' room pero dahil naipit ito sa counter ay hindi na siya nasamahan.

Paglabas ni Catherine sa ladies' room ay binalikan niya si Douglas sa labas ng counter pero natigilan siya sa paglapit nang makita niyang may kausap ito. Si Sugar!

Noong huli niyang makita ang dalawa na magkaharap ay galit na galit si Sugar pero ngayon ay nakangiti pa ang babae. Baka tanggap na nito na tapos na talaga ang lahat sa pagitan nito at ng ex-boyfriend. Baka naka-move on na. Miski si Douglas ay nakangiti din kay Sugar. Hindi nakakaabot sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito pero halatang wala nang hard feelings sa pagitan ng dalawa.

Kaya lang nang makita niyang hinaplos ni Sugar sa braso si Douglas ay nabura ang iniisip niya. Hindi iyon haplos na walang malisya dahil nakita ni Catherine ang lumarawan sa mga mata ni Sugar nang gawin nito iyon. It was as if she was sending him a signal. Pati ang ngiti ng babae ay biglang naging mapang-akit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cath & DougTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon