Chapter 7

7.5K 160 109
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: Hi, guys! Cath and Doug is already published under My Lovely Bride imprint. Available na po sa bookstores. Sana po makabili kayo! Thank you! -Heart Yngrid<3


"WHAT?" hindi makapaniwalang bulalas ni Catherine sa sinabi ni Douglas.

"Yes, Cath. Hindi na ako babalik doon. Actually, kanina, pumasok na ulit ako sa branch office dito."

Ibig sabihin, magsasama talaga sila ni Douglas? "No!"

"No?"

"Kailangan mong bumalik sa Japan."

"They hated me there. Umalis kasi ako nang hindi pa tapos ang trabaho ko. Buti na lang hindi nila ako kayang mawala sa kompanya nila totally kaya tinanggap pa rin ako sa branch office dito."

Hindi na nakapagsalita si Catherine. Totoo pala ang sinabi ng lalaki sa mga katrabaho niya na hindi na babalik sa Japan ito.

"What? Disappointed ka ba?" Inubos nito ang kinakaing pizza. "Sorry, pero ayokong ma-miss ang baby ko." Tinapunan nito ng tingin ang umbok ng tiyan niya. "Gusto kong makita kung paano siya lumaki. Gusto kong nandito ako kapag puwede nang masilip sa ultrasound kung anong kasarian niya. Gusto kong nandito ako kapag nanganak ka. Gusto ko siyang makita agad as soon as mailabas mo na siya."

Hindi makaimik si Catherine habang nakatingin kay Douglas. He sounded like he already loved their baby. Mukhang tama si Seia. Magiging mabuting ama si Douglas sa anak nila.

"I want to stay beside you, Cath, as the baby grows inside you. Wala ako noong nahihirapan ka pa sa paglilihi para sa kanya kaya gusto kong bumawi. Share with me your pregnancy pains from now on para hindi na lang ikaw ang nahihirapan."

Nakatitig lang siya kay Douglas habang natitigilan. Parang may mainit na palad na humaplos sa puso niya. Those words were beautiful. Hindi siya makapaniwalang naririnig niya iyon mula rito. Not only he sounded like a good father, but a good husband as well.

Husband? Sa kanya? Posible kayang maging mabuti ngang asawa sa kanya si Douglas kahit hindi siya mahal nito?

"Pero... wala naman sigurong kaugnayan sa pagbubuntis mo 'yang pinapanood mo, 'di ba?" turo nito sa TV.

"Huh?" Napatingin siya sa pelikulang pinapanood sa HBO.

"Kung wala naman, then you have to hand me the remote."

Wala sa loob na ibinigay ni Catherine dito ang remote control na nasa tabi niya sa sofa.

Inilipat ng lalaki ang channel ng TV at napunta na sa basketball game ang palabas. He groaned in frustration. "Nag-start na pala! Hindi ko naumpisahan." Muli itong kumuha ng isang slice ng pizza at kinagatan iyon nang malaki.

Unti-unting nanigas ang mga panga ni Catherine habang pinanonood sa paghiyaw si Douglas na focused na focused sa panonood.

No. He obviously couldn't be a good husband. Inistorbo nito ang panonood niya nang dahil sa basketball. Bakit ba parang na-disappoint siya? Kapag may disappointment, ibig sabihin may pag-asam. Bakit ba kailangan niyang asamin na magiging mabuting asawa si Douglas sa kanya? Na isasakripisyo nito ang panonood ng basketball para sa kanya? As if naman gusto talaga niyang maging tunay na asawa ito. Ang baby lang siguro nila ang mahalaga para rito, hindi siya. Baka binola lang siya nito para lang ibigay dito ang remote control.

Sa inis ni Catherine ay kinuha niya ang remote control na inilapag nito sa coffee table at ibinalik sa pinanonood ang channel. Pagkatapos ay bale-walang kinagatan ulit niya ang mansanas habang nanonood.

Cath & DougTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon