HINDI pa man naididilat ni Catherine ang mga mata ay naramdaman kaagad niya ang matinding sakit ng ulo. Kaagad na nag-function ang isip niya at na-recognize ang klase ng sakit na iyon.
Hangover.
Inisip pa niya kung bakit siya nagkaroon ng hangover. Hanggang sa maalala niyang nasa birthday party siya ni Seia. It was a drinking party. Everyone in Seia's house must have been wasted last night. Napakarami siguro niyang nainom kaya nagkaganoon siya. Ni hindi niya magawang igalaw ang katawang nakahilata sa kama. Ni igalaw ang eyelids niya ay hindi niya magawa.
Bakit siya uminom nang ganoon karami? Then she remembered Darwin. Hindi ito sumipot sa party. Hindi tuloy niya naisakatuparan ang planong akitin ang lalaki para kumawala na sa toxic girlfriend nito. Sa sobrang disappointment siguro niya ay napainom siya nang marami. Hindi talaga siya lasenggera. Social drinker lang siya. Iyon siguro ang kauna-unahang pagkakataong nalasing talaga siya nang husto.
Nang sa wakas ay maidilat ni Catherine ang mga mata ay nabungaran niya ang kulay-kremang ceiling. Doon pa lang ay alam na niyang wala siya sa kanyang silid. Baka habang lasing na lasing siya ay ipinadala siya ni Seia sa guestroom. Siyempre, siya ang best friend nito kaya special treatment siya. Alangan namang pabayaan siya nitong matulog sa living room kasama ng guests nito kagabi. Malamang ay tumpok ang mga lasing sa ibaba na nakahandusay sa sahig at doon na nakatulog.
Naramdaman niya ang pagsakit ng sikmura dala marahil ng acid dahil sa labis na pag-inom na ginawa kagabi. Sinapo niya ang tiyan sa ilalim ng puting comforter pero nagtaka siya nang maramdaman ang balat. Wait. Was she naked? Pinagapang niya ang palad, pataas at pababa ng katawan. She was totally naked!
Niyon lang din niya naramdaman na hindi lang ang sikmura niya ang may discomfort. Pati doon sa pagitan ng mga hita niya. Her genitals felt weird. Parang may kakaiba. Bago pa makaporma ang isang ideya sa isip ay may naramdaman siyang gumalaw sa tabi niya sa kama. There was something inside the comforter beside her.
Something?
Someone! Hindi siya nag-iisang nakahiga sa kamang iyon at natulog sa silid na iyon.
Nanigas ang katawan ni Catherine nang ma-realize kung ano ang nangyari. Hindi lang siya nalasing kagabi. Nakipagtalik siya sa isang lalaki!
Nasapo niya ang bibig sa nabuo sa isip. Kaya siya hubad at may discomfort na nararamdaman sa pagitan ng mga hita.
No! This is just a dream! Hinintay niyang magising siya sa isang panaginip pero naroon pa rin siya at nakatulala. Totoo ang nangyari. Totoong may katabi siyang lalaki sa kama at may nangyari sa kanila kagabi nang hindi niya namamalayan.
Hindi niya alam kung sino ang lalaking katabi niya. Wala siyang maalala sa naganap kagabi. Ang huli niyang naaalala ay naglalaro sila ng truth or dare ng ilang guests at masuwerte siya dahil hindi siya natatapatan ng bibig ng bote ng beer na umiikot para mamili ng tatanungin ng "truth or dare?" Naalala niya si Sean na game na game na naghubad ng damit para gawin sa dare at tanging ang boxers lang ang itinira. Naalala niya ang isang female guest na ginawa din ang dare at nagsayaw ng sexy dance sa gitna ng wooden coffee table.
Hanggang doon lang ang naaalala ni Catherine. Hindi niya matandaan na may naka-flirt siyang lalaki kagabi. Kaya malamang ay pinagsamantalahan ng lalaking ito ang kalasingan niya. Baka habang wala na siya sa tamang wisyo ay giniya siya ng lalaki sa silid na iyon para samantalahin ang pagkawala niya sa sarili.
Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak. She was no longer innocent anymore. Ibinigay lang niya nang walang kahirap-hirap ang sarili sa isang lalaking ni hindi niya alam kung sino. Iningatan niya ang sarili dahil gusto niyang ibigay iyon sa taong deserving na pagbigyan niyon, iyong isang lalaking mas mamahalin niya kaysa sa kanyang sarili. Wala na. Wala na siyang maipagmamalaki siya. Siguradong masasaktan ang mga magulang niya kapag nalamang naiwala niya ang dangal nang dahil sa isang gabi ng kalasingan. Siguradong iiyak ang mommy niya at magagalit ang daddy niya dahil sa kapabayaan niya.

BINABASA MO ANG
Cath & Doug
RomanceTo read the missing chapters for free, go to my blog-- ayilee.com and click the "Novels" on the menu. Published na ang print book nito. Available na sa bookstores near you :) Magbe-bestfriends ang parents nina Catherine at Douglas. Magkatabi pa...