Chapter 6

3.3K 99 15
                                    


GAYA ng inaasahan ni Catherine ay nakita niya ang paglarawan ng paghanga sa mga mata ng mga katrabaho nang ipakilala niya si Douglas sa mga ito. Sa isang restaurant sila nagkita-kita ng mga kaibigang sina Christy at Grace at ng kaalitang si Laira at iba pa nilang kapwa flight attendants na sina Avon, Analyn at Joyce.

Halatang natitigilan si Laira habang nakatitig kay Douglas. Paano naman kasi, mas guwapo si Douglas kaysa sa pinagpapakamatayan nitong ex-boyfriend na si Billy. Siguro naman ay matitigil na ito sa kakaselos sa kanya dahil may asawa na siya at higit pa kay Billy sa looks department.

"He's an industrial engineer. Nagtatrabaho siya sa pinakasikat na Japanese machine manufacturing company dito sa Pinas pero dahil masyado siyang magaling, ipinadala siya ng branch office dito sa Japan main office," sabi niya patungkol kay Douglas, acting like a proud wife.

"Oh, nice," komento ni Christy na abot tainga ang ngiti. Tuwang-tuwa ito para sa kanya nang makita ang mga larawan nila ni Douglas noong ikinasal sila.

"It looks like he's a total package," sabi ni Grace na nagpahayag ng inggit nang makita ang picture ni Douglas sa Facebook.

Umakto si Catherine na nasiyahan sa reaksiyon ng mga kaibigan. Pasimpleng tumingin siya kay Laira na nakatitig pa rin kay Douglas na abala naman sa pagkain. Lihim siyang nagdiwang dahil sigurado siyang deep inside ay inggit na inggit na sa kanya nag bruha.

"So, nandito lang siya dahil ikinasal kayo?" tanong ni Laira.

"Yes."

"So, babalik din siya sa Japan?" tanong uli ni Laira.

Sasagot sana si Catherine ng 'oo' pero inunahan siya ni Douglas sa pagsagot.

"Nope. Bakit ako babalik doon? Ayokong ma-miss ang misis ko." Bumaling sa kanya si Douglas. Kung makatingin ito ay parang totoong mangungulila ito sa kanya kapag nagkalayo sila.

Mabuti na lang at marunong naman palang umarte si Douglas. Bago sila pumunta sa restaurant na iyon ay sinabihan na niya ang lalaki na magpanggap na mahal siya sa harap ng mga katrabaho. Magpapanggap silang napakasayang newly weds. Alam na ng lalaki na isa sa mga katagpo nila ay kaalitan niya kaya kailangan nitong galingan ang pag-arte para lalong magngitngit sa inggit at bitterness si Laira.

Pero teka. Sinabi ni Douglas na hindi na ito babalik sa Japan? Baka naman sinabi lang nito iyon dahil mas romantic nga namang pakinggan ang hindi na ito aalis ng bansa dahil mami-miss ang misis kaysa sa katotohanang aalis na ito papunta sa Japan in a few days gayong kakakasal pa lang nila.

Kunwari ay kinilig si Catherine sa sinabi ng asawa.

"Ahhh," sambit ni Avon. "'Wag nga kayong ganyan. Naiinggit ako."

"Ba't ka naiinggit?" tanong ni Analyn. "May boyfriend ka naman."

"Gusto ko na ring mag-asawa," paglilinaw ni Avon. "Magte-twenty-eight na ako next month. Kaso hindi pa nagpo-propose si Bert."

"Eh, di magpabuntis ka na rin para pakasalan ka," sabi ni Laira.

Natigilan ang lahat at tumingin kay Laira na halatang nagmaang-maangan lang na walang ibang intensiyon sa sinabi.

"Opps." Tinutop ni Laira ang bibig. "Wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko."

Kung puwede lang hablutin ang buhok ni Laira ay ginawa na ni Catherine.

"Were you thinking na pinakasalan ko lang si Cath dahil nabuntis ko siya?" direktang pero cool lang na tanong ni Douglas kay Laira.

"Huh?" Tumawa nang bahagya si Laira. "Hindi, ah. Ano bang sinasabi mo?"

Cath & DougTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon