Chapter 5

2.9K 78 6
                                    

"YOU MAY now kiss the bride."

Nanigas ang likod ni Catherine nang marinig ang sinabi ng marriage officiant. Iyon ang pinakaayaw niyang parte ng kasal na iyon. Kung puwede lang niyang i-request na i-skip na lang ang parteng iyon.

Oo, nahalikan na siya ng lalaki sa mga labi noong gabing may namagitan sa kanila pero hindi niya maalala ang tagpong iyon. Nasa tamang wisyo sila sa mga oras na iyon kaya sa tingin niya ay hindi niya yata kayang makipaghalikan kay Douglas kahit pa asawa na niya ito sa mga oras na iyon.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Douglas nang tumingin sa kanya, tipong naaaliw. Nahalata siguro nito ang uneasiness niya at nagdiriwang ito.

Kaunti lang naman ang tao sa isang silid ng city hall kung saan ginanap ang pribadong civil wedding nila ni Douglas. Ang mga magulang nila ni Douglas, si Seia at ang closest cousin ni Douglas na si Lewis. Kaya kung hindi siya magpapahalik sa groom ay maiintindihan naman siguro ng mga naroon. Hindi nga lang niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng marriage officiant kung tatanggi siya sa wedding kiss.

Isa-suggest pa lang sana ni Catherine na i-break na lang nila ang tradition at sa bahay na lang sila "magki-kiss" ng mister niya pero dumampi na ang mga labi ni Douglas sa gilid ng mga labi niya. Ngumiti ito pagkatapos at humawak sa baywang niya para iharap siya sa mga magulang at witnesses para sa picture-taking.

Hindi alam ni Catherine kung naramdaman ni Douglas ang uneasiness niya kaya sinadya nitong hindi mismo sa mga labi niya idampi ang mga labi nito at mabilis lang iyon o ayaw rin siyang halikan nito sa mga labi at napilitan lang sumunod sa tradisyon kaya ginawa iyon. Hindi niya alam kung bakit nainis siya sa huling naisip.

Sila-sila lang din ang kumain sa restaurant ng isang hotel pagkatapos ng kasalan. Ang sabi ni Mommy Linda ay sa church wedding na lang daw mag-iimbita ng maraming bisita. As if, magkakaroon ng church wedding. Malamang nga, hindi pa siya nakakapanganak ay magpa-annul na agad sila ni Douglas.

Habang pinag-uusapan ng mga nakatatanda at nina Seia at Lewis ang tungkol sa church wedding na gaganapin pagkatapos niyang makapanganak, si Catherine ay tahimik lang habang kumakain. Hindi siya makapaniwala na kasal na siya kay Douglas. Hindi na Policarpio ang apelido niya, Atienza na.

Mrs. Catherine Atienza. Sinong mag-aakala na magiging ganoon ang pangalan niya isang araw?

"Ako ang napikot dito pero ikaw ang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa," mahinang sabi ni Douglas para siguro hindi marinig ng mga magulang nila.

Napikot? Matalim ang tingin na ibinigay niya sa lalaki. She snorted. Gusto sana niyang awayin ito kaya lang ay baka pagalitan siya ng mga magulang. Kakakasal lang nila ay mag-aaway na agad sila sa harapan pa ng mga ito mismo. Kapag silang dalawa na lang ay saka niya sasabunin ito.

"At sa lahat naman ng napikot, mukhang nag-e-enjoy ka pa, ha." Pinanood niya ang lalaki na magana sa pagkain.

Nilunok muna ni Douglas ang nginunguya bago bumulong sa kanya. "Excited lang siguro ako sa wedding night."

Nasamid si Catherine. Mabilis siyang inabutan ng tubig ni Douglas. Habang umiinom siya ay naramdaman niya ang palad nitong humahagod sa likod niya. Iginalaw niya ang upper body para alisin ng lalaki ang kamay sa likod niya.

Walang wedding night. Ni hindi nga sila magtatabi. Alam niyang gusto lang siyang asarin ni Douglas.

Nang tingnan niya si Seia na nasa tabi niya sa bilog na table ay nakita niya ang sinusupil na ngiti nito. Narinig ba nito ang sinabi ni Douglas?

Naalala ni Catherine ang reaksiyon ng kabigan nang sabihin niya na si Douglas ang ama ng sanggol sa sinapupunan niya. Shocked na shocked ito. Sino ba kasing mag-aakala na magkakaanak silang dalawa ni Douglas at magkakaanak? Maging ang mga kapitbahay nila ay nagtaka nang malamang ikakasal siya at si Douglas samantalang ang alam ng mga ito ay hindi sila magkasundo. Hindi nila ipinamalita pero nalaman na rin na buntis siya.

Cath & DougTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon