The Return 5- Your Turn.

81 2 0
                                    

"If I Have a Mask, I Can Fool the world." - Mulan; The Mulan Show

---------------------------------------------------->

Ms. De Vega's POV

Agad akong pumasok sa Section 6 pagkarating ko sa school. Medyo nalate kasi ako unti.

"Goodmorning." Sabi ko pero ni isa walang bumati sa akin.

Tinignan ko yung lamesa ng Anim na Transferee. Teka wala sila ha.

Sila lang kasi lagi ang bumabati sakin pagpasok ko. Lalo na si Rance.

"Asan yung Anim na Transferee?" Tanong ko.

Walang sumagot.

Tinignan ko ang mga mukha nila. Ang lalim ng mga iniisip nila.

"Secretary?" Sabi ko.

Tumingin siya sa akin.

"Sorry po mam. Pero hindi po namin alam kung nasan sila. Pati po si Ariane, Lester, Mike, Andrew, Jaycee, Simeon at Stella ay wala rin po."

"Pati sila? Jusko. Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila pero alam ko namang hindi nila ako sasagutin.

Napatingin ako sa pwesto kung saan nakaupo si Ariane.

Halos mapasigaw ako ng makita ko siya.

Ang lalaking nakajacket na black at nakahood.

Siya ba ang Terminator?

"Mam?" Natauhan lang ako ng tawagin ako ni Lyndon.

"Y-yes?" Tanong ko.

"Magtuturo po ba kayo?" Tanong niya.

Tumango na lang ako.

Nagturo na ako sa kanila.

-------

"Thank You Class." Sabi ko pagkatapos kong magturo at dumeretso ako sa Faculty.

"Hoy Sheyee?" Napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Oh Ian? Bakit?" Tanong ko.

Si Sir Ian yung Teacher ng Section 6 Sa Math. Ngayon lang siya pumasok kasi may sakit siya.

"Wala lang. Tatanong ko lang kung mabait ba yunh Advisory Class mo."

Hindi ko alam kung sasagutin ko yung tanong niya pero Wala akong magagawa.

Ayokong ipahiya ang Advisory Class ko.

"O-oo Naman." Sabi ko.

"Buti Naman. Baka kasi sumakit ang ulo ko sa kanila. Sige una na ako. May Class pa ako sa Section 1 eh."

"Sige." Tanging tugon ko.

Kinakabahan ako. Hindi para sa akin kundi para sa mga estudyante ko.

Nicole's POV

"Anong gagawin natin? Tsaka baka May sakit lang sila kaya absent sila." Sabi ni Jet.

"Oo nga. Ang Nega mo kasi masyaso Nicole." Sabi naman ni Aerin.

Pero imposible. May Kaba sa puso ko. May kaba sa puso ko na nagsasabing wala silang sakit. Tsaka imposibleng magkasakit sila ng Sabay sabay.

May kutob talaga ako eh. Pero yung kutob ko lumalakas. Feeling ko wala silang sakit.

Tumango na lang ako sa kanilang lahat.

Wala si Stella. Walang nagbabantay. Busy naman si Joaquin kaya Hindi niya maiintindi ang Klase.

The Return Of Friday The 13th (Book 2 Of Friday The 13th)Where stories live. Discover now