The Return 33- The Final Chapter

41 2 0
                                    

'The finale is not the end because its the start of something new.'

------------------------------------------------------>
Beatrix POV

Nagising ako ng nakaupo.

Hindi ko alam kung nasan ako.

Basta ang huling naaalala ko eh binaril kami ng mga kasama ko at nakatulog kami.

Teka, asan ba sila?

Atsaka asan din ako?

Halos napabalikwas agad ako ng may bakal na bumagsak mula sa kisame pababa sa akin.

At buti na lang di ako natamaan.

Nakatali ang mga kamay ko, pero yung mga paa ko hindi.

Nahihilo pa rin ako. Siguro sanhi to ng pagbaril samin.

Madilim ang paligid.

Tanging sa akin lang nakatapat ang ilaw.

"Asan ako?" Sabi ko.

Alam kong walang nakakarinig sakin, pero magbabakasakali ako.

"Mary Ann? Lester? Guys?" Sabi ko.

Tumayo na ako.

Medyo nahihirapan din ako sa pag-galaw dahil sa nakatali sa kamay ko.

Bumagsak ako sa sahig.

Hindi pwede.

Kailangan ko silang hanapin.

"Asan kayo?"

At sa puntong iyon, biglang bumukas ang ilaw.

Hindi ko muna nakita ang paligid kasi lumabo yung mata ko sanhi ng ilaw na napakalakas.

Ng makarecover na yung mata ko, atsaka ko tinignan ang paligid.

"Ohmygod."

Lahat sila ay nakatingin sakin, at nakatutok ang baril.

"A-anong ginagawa niyo?" Sabi ko.

Nakatali rin sila sa upuan pero yung kamay nila e hindi.

Bakit?

"G-guys."

Anong nangyayari?

"Sorry Beatrix." Sabi nila.

Kinakabahan ako.

Di ako masyadong gumalaw. Na baka iputok agad nila sa akin yung baril.

"G-guys."

At sa oras ng pagluhod ay ang oras ng pagputok ng baril.

*beng*

Nagising ako sa isang masamang bangungot.

Asan ako?

Panaginip na naman ba ito?

"Beatrix, Gising kana." Narinig ko ang boses ni Ivy sa malayo.

"Asan sila?"

"Kinuha sila ng Terminator." Sabi nya habang papalapit sakin.

"Lahat sila?" Nagtataka kong tanong

"O-oo."

Bakit kaya?

"Kailangan na nating makaalis dito Beatrix." Sabi nya.

Nanginginig sya.

Sobrang dilim ng paligid kaya halos di ko makita yung mukha nya.

"B-bakit?"

"Papatayin nya tayo." 

The Return Of Friday The 13th (Book 2 Of Friday The 13th)Where stories live. Discover now