The Return 13- Birthday Celebration

64 1 0
                                    

'Birthday is the Happiest event but YOUR DEATH is the sadness event that might Happen.'

---------------------------------------------------->

Simeon's POV

Andito kami ngayon sa Gymnasium. Ewan ko ba kay Jerome at Pinapunta kami dito. Ang daming kaekekan.

"Ano bang gagawin natin dito? Sayang yung mga booths sa labas." Sabi ni Kamille. Buti nga at Nakarecover na to. Hindi pa kasi to tumigil sa pagiyak Nung namatay si Aerin at dalawang araw na ang nakakalipas simula nung mangyari.

Sabi nila kalimutan na namin ang nangyari dahil kung hindi tatatak lang to sa mga puso't diwa naman at kami sa mismo at tatakot sa sarili namin.

Lumabas si Jerome kasama si Mitch at Franco. May dalang Regalo. Regalo? O Kahon lang? Ewan.

"Ano yan? Sinong may Birthday?" Matabang na tanong ni Kevin.

"Birthday ni Principal Rachel."

Oh! Nagbebertdey pala yun. Haha Minsan nga lang namin makita yun eh..and worse. Wala siya lagi sa school kapag may nangyayaring patayan. Ang dehado ng buhay namin.

"Oh? Anong balak niyo? Selebrasyon na naman?" Tanong ni Lester.

"Oo sana at Section niyo ang naisipan naming mag oorganize." Sabi ni Franco.

"Hmm? Eh paano kung ayaw namin?" Tanong ni Stella. Siya ang maghandle niyan. Siya ang Class President.

"Okay. Sayang naman." Sabi ni Jerome at akmang aalis kasama si Franco pero pinigilan sila ni Mitch.

"Teka. Kami ang magoorganize." Sabi ni Mitch na ikinagulat namin.

What? Pumayag siyang kami ang Magorganize. For The Fvcking Sake. Nung last year section din namin ang nagorganize pero nauwi sa wala dahil hindi nagustuhan ng Principal yung Preparation namin. Pinagmumura pa kami at Worse.. Nagkaroon kami ng Two Weeks suspension. Saklap!

"Ano ba Mitch? Naalala mo ba yung nangyari last year? Hindi ka na ba nahiya." Pamamahiya ni Joaquin sa kanya.

"Oo nga. Ano na lang sasabihin sa atin ng mga tao? Matuto ka namang mahiya. May namamatay na nga sa atin tapos dadagdagan mo pa ng isang kahihiyan. Are you Pathetic?" Sabi ni Ariane.

"Kung gusto niyo sige. Bahala kayo, basta ako ayoko ng mapahiya." Sabi ni Jet at aktong lalabas ng hawakan ni Rance ang Kamay niya.

"Sa tingin niyo may magagawa yang pag iinarte niya."

"At sino ka naman para pagsabihan kami?" Balik na tanong sa kanya ni Jet.

"Sa tingin niyo kayo lang naaapektuhan. Hello! Nandito kami. Kaklase niyo. Kalauna't hindi nga namin alam kung anong nangyayari. Baka gusto niyong ishare. Tandaan niyo kasama niyo rin kami dito."

May halong inis ang salita ni Rance At Nagwalk out na siya.

"Fine Fine. Tayo na mag oorganize. Pero sana naman wag na tayo ipahiya ng babaeng yun. "Sabi ni Stella at Umalis ng Gymnasium

"Hmm. So Kayo na?" Tanong ni Jerome.

Tumango na lang kami. We have no choice. Si Stella ang nagdedecide at si Stella ang Masusunod. Siya ang Superior ng Section 6 at wala kaming magagawa dun.

Umalis na ako at dumiretso sa Isang Booth na Restaurant dahil nagugutom na ako. At sa tingin ko hindi naman ako hahanapin ng mga kaklase ko.

Umorder ako ng pagkain at wala pang ilang minuto ay naserve na agad nila. Hmm! Buti mabilis kasi gutom na gutom na talaga ako.

The Return Of Friday The 13th (Book 2 Of Friday The 13th)Where stories live. Discover now