The Return 17- I did it!

70 1 0
                                    

'If you think life is not important, wait till they lost.' -From the Anime;Syansie

---------------------------------------------------->
Beatrix Point Of View

"Mamamatay ka."

"Mamamatay ka."

"Mamamatay ka."

"Mamamatay ka."

"Mamamatay ka."

Nagising ako sa isang bangungot.

Mamamatay ka? Ano yun?

Nilinga ko ang mata ko sa paligid. Nakahiga ako sa isang kama at nakasuot ako ng Hospital Dress.

Anong ginagawa ko rito?

Tumayo ako at sinubukan tanggalin ang dextrose na nakadikit sa kamay ko.

Ayoko dito. Ayoko!

Nilabas ko ang Loob ng Kwartong yun. Madilim! Medyo madilim sa Hallway kaya nagmadali akong maglakad.

Tatakas ako dito. Hindi ko kaya dito. Papatayin nila ako.

"Pst?"

Nagdedere deretso lang ako sa paglalakad.

"Pst?"

Malapit na siya. Ayan na siya. Nararamdaman ko na siya.

"Huli ka." Napatumba ako sa sahig ng may tumulak sa akin.

"Tulong. Tulungan niyo ko." Sigaw ko at sinubukang tumayo pero huli na dahil nakalapit na siya sa akin, dala ang paborito niyang laruan.

Ang kutsilyo.

"Tigilan mo na ako please." Sabi ko at tinulak siya pero sobrang lakas niya kaya nasaksak niya ako sa tagiliran.

Halos mangawa ako sa sakit.
Alam kong masakit to pero hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag nasubukan mo na.

"Magising kana." Sabi ko sa sarili ko. Sana panaginip lang ang lahat ng to.

"Ahhh!" Napatili ako ng suntukan niya ako sa may tagiliran ko kung saan niya ako sinaksak.

"Magbabayad kayo!" Sabi niya habang nakangisi.

Unti unting pumasok sa utak ko yung mukha niya. Totoo nga? Siya nga!

"Tigilan mo na ako." Sabi ko at tinulak siya. Tumumba siya kaya nagmadali akong tumakbo pero nahuli niya na ako kaya nasaksak niya ako sa bandang balikat.

Nararamdaman kong dumampi ang dulo ng kutsilyo sa leeg ko.

T-This is my end right?

"P-Please. Maawa ka sa akin!" Sabi ko pero wala akong nakitang reaksyon sa kanya dahil sa creepy niyang mukha kasabay ng jacket na kulay black na suot niya na nakahood pa.

Siya yun. Siya yung nakikita ko lagi bago ako mahospital. Siya yung nakita ko nung dinala ako sa hospital.

Tumawa lang siya at diniinan ang kutsilyo sa akin ng dahan dahan.

"T-T-Tama na." Sabi ko. Sinubukan kong magsalita pero puro dugo na lang ang lumalabas sa bibig ko.

Naramdaman kong unti unti akong umuuga. Napapikit ako sa sakit na nadudulot ng sugat ko.

"Trix? Wake up." Nagising ako sa paguga sa akin ni Rayt.

Nanaginip na naman ako! Nangyari na naman yung panaginip na yun.

The Return Of Friday The 13th (Book 2 Of Friday The 13th)Where stories live. Discover now